XANTINA Hindi ko sinagot ang tawag ni Mama. Alam ko naman na papauwiin lang niya ako ng bahay o pagagalitan kaya tumawag siya sa akin. Ayaw ko muna siyang makausap dahil lagi lang naman kaming nagka-clash na dalawa nitong mga nakaraang araw, kaya mas mabuting umiwas na lang ako. Alam ko na hindi ko siya maiiwasan ng matagal pero kahit pansamantala lang muna. Nagmamaneho ako ngayon pauwi na pero wala akong nabili. Narinig ko ring kumukulo na ang tiyan ko kaya napilitan akong huminto sa kauna-unahang restaurant na pinasukan ko para kumain. Agad na pinark ko ang sasakyan ko sa at bumaba ako. Pumasok ako sa loob ng restaurant at pumunta ako sa pinakasulok. Agad akong umorder at mag-isa akong kumain pero napatingin akong muli sa phone ko nang mag-ring iyon. Si mama ang tumatawag pero gaya ka

