XANTINA Dinala ako ni Yohan sa isang sikat at mamahaling restaurant. Tumaas ang kilay ko sa kaniya dahil kanina pa siya nakatitig sa akin. “What?” tanong ko. Nakangiting umiling ito. “I just can’t believe you are my girlfriend now.” Napangisi ako sa sinabi niya. I leaned on the table. “And I can’t still believe na crush mo na ako dati pa,” pang-aasar ko sa kaniya. “Kaya pala ayaw mo akong tawaging ate.” Inirapan ko pa siya pero tumawa lang siya. “You are not my sister and I don’t want you to be one.” Gumalaw-galaw ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya. Alam ko na iyon ngayon, saka hindi na ako papayag na tawagin niyang ate dahil boyfriend ko na siya. “Are you going to Freedom tonight?” tanong niya. “I was about to go there, why?” “Ihahatid kita, pero tawagan moa ko kapag uuw

