Chapter 4

987 Words
XANTINA Kumakain akong mag-isa ngayon. It's already four in the afternoon at kagigising ko lang mula nang matulog ako kaninang mag-aalas diyes ng hapon. Nagugutom na ako kaya sa kusina ako dumiretso may nakita akong sinigang na mukhang tira kaninang pananghalian. Kusa na akong gumalaw sa kusina dahil nakita kong namamalantsa si Kris at si Ate Belen naman ay inuutusan yata ni Mama. May dalawang kasama kami sa bahay. Madalas ay wala naman ang aking ama, habang si Mama ay may negosyo siya. May mga salon at spa na pagmamay-ari ang aking ina, habang abogago naman ang aking ama. Hindi masyadong busy si Mama dahil hindi may mga tauhan naman siya sa bawat branches at dumadalaw lang siya roon, hindi gaya ng aking ama na busy na sa trabaho, busy pa sa babae niya. Nagpatuloy lang ako sa pagkain nang dumating si Dad. Tumingin siya sa akin pero nagpanggap akong hindi siya nakikita. Kumuha siya ng tubig at uminom. Ramdam kong tumingin siya sa akin pero hindi pa rin ako pa rin siya pinapansin. Hindi na yata ito nakatiis at umupo siya sa tapat ko. “What is your plan in your life?” biglang tanong niya kaya napaangat ako ng tingin. Tumigil na rin ako sa pagkain ko dahil bigla akong nawalan ng gana. Mula ng malaman ko ang kalokohan ng ama, hindi na kami nagkasundong dalawa. Sino ba naman ang matutuwa kapag nalaman mong niloloko ng ama mo ang ina mo? “What do you mean? Maayos naman ang buhay ko.” I am doing good in my life. “You are not young anymore. You are already twenty-nine; do you even have a boyfriend?” tanong niya sa akin. Kinagat ko ang labi ko sa loob ng bibig ko dahil sa tanong ng ama ko. Pinakatitigan ko siya. Is he trying to make a conversation with me? Well, palagi namang ganito. Honestly, mabait naman talaga sa akin ang ama ko. Hindi nga lang kami magkasundo dahil ako ang mainit ang dugo palagi. Sino ba naman ang matutuwa sa ginagawa niya. I smirked at him. “Boyfriend?” Umiling ako sa kaniya. “I don't have a plan to get married and be miserable like my mother, your wife.” Sarcastic na tumingin ako sa kaniya. Nakita ko ang pagtigas ng panga ng ama ko at ang pagtalim ng tingin niya sa akin. “We are different.” “Or are you trying to say that not all men are like you?” “You don't know what you are saying,” galit na sagot ng ama ko at mabilis siyang tumayo para iwan akong mag-isa. Muli akong sumubo ng pagkain ko na parang walang nangyari. Isa siguro sa dahilan kung bakit malakas ang loob ko palagi na sumagot kay Papa ay dahil kahit anong sabihin ko, hindi niya ako pinagtataasan ng boses. Hindi gaya ni Mama at Xander. Kapag si mama ang kaaway niya, kulang na lang ay lamunin niya ito, habang si Xander naman, mabilis siyang magalit sa kapatid ko. Habang sa akin, kahit minsan ay sinasadya ko nang galitin siya, hindi talaga niya ako pinapatulan. Madalas ay iniiwan na lang niya ako para hindi kami magtalo pero minsan nagkakasagutan talaga kami ng malala. Pero madalas siya rin ang kumakausap sa akin kinabukasan. Matapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko. Kinuha ko ang brownies na tinaninko kanina at kinain ko iyon. Masarap talaga ang brownies ni Tiita Yonna at alam niyang paborito ko ito kaya madalas talaga niya akong binibigyan. Mulu kong ibinalik sa ref ang tira ko dahil kakainin ko ulit iyon bukas. Babalik na sana ako sa kwarto ko para maghanda na dahil pupunta ako sa Freedom nang marinig ko ang malakas an boses ng ama ko. “Shut up, Nimfa!” malakas na sigaw ni Papa. Lumapit ako sa kwarto na inookupa ni Papa, medyo bukas ang pinto kaya sumilip ako doon. Nakita kong magkaharap sila ni Mama. "Aren't you tired? Because I am sick of it! I am sick of you!" Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa narinig ko. Gusto kong sugurin ang ama ko ngayon din pero nanatili ako sa pwesto ko. “I know! Pero hindi kaalis sa pamamahay na ito!” ganting sigaw ni Mama. “Sa tingin mo ba, kapag umalis ka, makikita mo pa ang anak mo? She will hate you, ayaw mo mangyari iyon hindi ba? Kaya wala akong pakialam kahit na sawang-sawa ka na sa buhay na meron tayo, pero kahit anong mangyari, ako pa rin ang asawa mo. Ako lang ang magiging asawa mo!” Kita ko ang galit na sa mga mata ni Papa pero hindi siya nagsalita. Bigla namang lumambot ang mukha ng aking ina. Nawala ang tapang niya. “Arnold, let's forget about it. We can start again, isipin mo si X,” pakiusap ng ina ko at hahawakan sana siya ng ina ko pero umiwas si Papa. Naguguluhang pinapanood ko sila. Lagi silang nagtatalo pero ang ina ko pa rin ang laging nagpapakumbaba. “Sa tingin mo ba kapag umalis ka sasama siya sa iyo?” “Stop using her. Hindi pa ba sapat na dito pa rin ako umuuwi? Sinusunod ko na ang gusto mo, but you can't force me to love you again. We were technically over years ago.” “Arnold...” “Enough, Nimfa. Stop it, you know what will happen if she finds—” “SHUT UP!” malakas na sigaw ni Mama, muling bumalasik ang mga mata niya. Napapansin ko ang pabago-bagong emosyon ng ina ko. “Takot ka ba?” mapanuyang tanong ng ama ko. “We both know what will happen, so stop pestering me. We are married, but I will never consider you as my wife again,” parang ako ang nasasaktan sa sinasabi ng ama ko. Kita ko ang pamamasa ng mga mata ni Mama. Mas nasasaktan akong makitang nasasaktan ang aking ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD