Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Puyat pa ako kaya matutulog na lang muna ako. Mabilis akong naligo at nagpatuyo ng buhok ko. Habang nagbo-blower ako ay tumunog ang phone ko.
Si Chantal ang tumatawag. She's my bestfriend. Sinagot ko ang video call. Mukhang katatapos lang niyang mag-exercise dahil nakasuot pa siya ng pang-exercise na damit at kita kong may puting towel pang nakasampay sa balikat niya.
“Hello, X. Are you busy?”
“No, but I am tired. Why?” I asked back.
“Well, I just want to ask if you have a contact number of Engineer Escobar. ”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Parang may biglang kumudlit sa utak ko dahil sa pangalang binanggit niya. Engineer Escobar is Yohan. At mukhang interesado sa kaniya ang kaibigan ko.
“Why? Since when you got interested with someone younger than you?” tanong ko sa kaniya.
Tumawa ito.
“Can't you blame me? He is hot, I saw him in the gym this morning. Damn, X. Parang ang sarap niya. I suddenly want younger guy now,” malanding saad nito na ikinatirik ng mga mata ko.
“Nakita mo na pala, dapat sa kaniya na nagtanong ng number niya.”
“Paalis na kasi siya habang papasok pa lang ako ng gym. Isa pa, nahihiya ako.”
“Meron ka pa pala noon?” mataray na turan ko sa kaniya.
Muli kong blinower ang buhok ko pero mahina lang ang hangin para marinig ko ang boses niya.
“X, come on. Just his number. Magpapagawa ako ng studio ko at balak ko na siya ang kontakin ko. Then malay mo, mas bata pala sa akin ang destiny ko,” kinikilig ito habang sinasabi iyon.
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. Mukhang malakas ang tama niya ngayon kay Yohan.
May number naman ako ni Yohan pero hindi ko alam kung pwede kong ibigay kay Chantal.
“Okay, pero huwag mong sasabihin na sa akin galing.”
“Yes." Tumatango-tango pa ito.
Pinatay ko ang video call namin para ipasa ang numero sa kaniya pero biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Pasok!” sigaw ko sa kung sino mang nasa labas.
“X, hanap ka ni Yohan,” saad ni Kris nang sumilip ang ulo niya sa pinto.
“Ako?”
Napakunot ang noo. Ito ang unang beses na pumunta siya dito sa bahay at ako hinahanap niya. Anong kailangan niya sa akin? Dahil ba sa nangyari kagabi? Huwag siyang mag-alala, wala akong balak na ipagkalat ang nakita ko.
Ibinaba ko ang phone ko at sumama ako kay Kris kung nasaan si Yohan. Naabutan ko siyang nakatayo lang habang naghihintay sa akin.
“What do you need?” tanong ko sa kaniya ko agad sa kaniya ng makalapit ako.
“About last night, I —”
“Last night? May nangyari ba kagabi?” pagmamaang-maangan ko.
Ayaw ko na pag-usapan pa iyon. Kalimutan na lang namin pareho. Alam ko naman na kasalanan ko kaya sorry sa kaniya.
Tumitig siya sa akin kaya ngumiti ako upang ipakita sa kaniya na balewala lang sa akin ang nakita ko.
“My mom wants to give you this,” saad na lang nito at inabot sa akin ang isang paperbag.
Kinuha ko naman iyon sa kaniya. Tiningnan ko ang laman noon at napangiti ako nang makita ko ang laman. Brownies. Alam ni Tita Yonna na paborito ko iyon.
“Salamat, pinadala mo na lang sana kay Xander para hindi ka na nag-abala pang pumarito,” nakangiting sagot ko sa kaniya.
Magkasama naman sila ng kapatid ko sa trabaho kaya pwede namang ibigay na lang niya rito para ibigay sa akin. Medyo ibang way kasi siya. Masyadong abala para lang magdala siya ng brownies. Alam ko na busy din naman siya saka ayaw ko pa sana siyang makita dahil sa nakita ko kagabi. Sariwa pa kasi sa isip ko ang lahat, dapat nagpakipas muna siya ng ilang araw bago muling nagpakita sa akin.
“I am not going to office today. Why? Don't you want to see me, X” Seryoso ang mukha niya. Wala man lang ngiti sa mga labi.
“Ate,” pagtatama ko. “Kailan mo ba ako tatawaging Ate? Mas matanda ako sa iyo ng apat na taon,” paalala ko. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na tawagin akong ate pero ayaw niya.
“It does not mean I need to call you that. You are not my sister.”
Ngumuso ako. Masyado siyang matangkad sa height niyang 6'3" kaya ang liit kong tingnan kapag kaharap siya gayong 5'7" na ako.
“But we are family.”
“Not yet.”
Kumunot ang noong tumingin ako sa kaniya pero nagpaalam na siya para umalis. Not yet? Ibig bang sabihin, hindi pa rin family ang turing niya sa akin gayong parang anak na rin ang turing sa kaniya ng mga magulang ko. Aba kung ayaw niya akong maging Ate, bahala siya.
Muli akong nagtungo sa kwarto ko. Inaantok pa talaga ako, puyat pa ako kaya kailangan kong bumawi ng tulog dahil mamaya ay aalis ulit ako. Napuyat ako dahil na rin kay Yohan. Kasi bakit nakita ko pa kasi siyang nakikipag-anuhan.
Napatingin ako sa phone ko. Saka ko lang naalala ang numero na hinihingi ni Chantal.
Lumapit ako sa phone ko at pinasa sa bestfriend ko ang number ni Yohan. Hindi naman siguro siya magagalit kung ibigay ko sa kaibigan ko ang numero niya. Isa pa, para rin magka-girlfriend na siya nang bumait na siya.
Nag-reply sa akin si Chantal.
Chantal: Thanks.
Hindi na ako nag-reply sa kaniya at humiga na para matulog. Sana lang gumana ang gagawin niya dahil parang bato naman si Yohan, mukhang mahihirapan siya. Lalo na marami siyang kaagaw kay Yohan, ayaw ko naman na magaya ang kaibigan ko sa babaeng kinama ni Yohan kagabi tapos parang basurang pinaalis. Mukhang sanay na sanay na siya sa ginagawa niya kaya ako ang nag-aalala para kay Chantal. Baka masaktan lang siya.
I think Yohan is a secret asshòle.