Halos dalawang linggo na ang nakalilipas magmula ng banggitin niya ang salitang 'yon. Gano'n katagal na rin niya kong sinusundo at hinahatid papasok at pauwi mula sa school.
Noong una ay tutol ako sa gusto niyang mangyari. Pero ako na lang ang napagod sa pagsuway at pagtaboy ko sa kanya. Kahit anong pagmamaldita at pagtataray rin kasi ang gawin ko ay tila wala namang epekto sa kanya. Tingin ko nga ay mas lalo pa siyang nag-e-enjoy kapag gano'n.
Kasalukuyan kaming nandito nila Mia at Kim sa canteen. Kanina pa sila nagdadaldalan sa tabi ko habang ako naman ay paunti-unti lamang na sumusubo ng spaghetti ko.
''Girls, may tsismis ako!'' mahinang tili ni Kim.
"Ano 'yon?" excited na tanong ni Mia at umusog pa lalo palapit kay Kim.
Ako naman ay nagpatuloy lang sa pagkain kahit wala akong gaanong gana. Mas may mapapala pa kasi ako rito kaysa makinig sa kung anumang pag-uusapan nila.
''May nakarating sa 'king balita na mayroon na raw nililigawan si Lance!'' pabulong na sabi ni Kim. Pero sapat lang ang lakas nito para umabot sa pandinig ko.
Napasinghap naman si Mia. "Really? Reliable ba 'yang source mo? Kasi kung totoo man ang balita, dapat no'ng nakaraang pa 'yan pinag-uusapan sa buong school! Isa pa ay bakit hindi man lang natin napansin? Samantalang nagiging ka-close naman na natin siya nitong mga nakaraang linggo,'' hindi makapaniwalang tanong pa niya.
Natigilan ako kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko. Sa pagkakataong 'to ay napalingon ako sa direksyon nila at mas tinalasan ko pa ang pandinig. Mahirap na at baka bigla ko na lamang marinig ang pangalan ko.
''Of course, it's reliable! You know me, I have a lot of ears and eyes around.'' Kim smirked.
''Then, who's the lucky b***h?'' Mia rolled her eyes as she crossed her arms.
Pigil ko ang hininga habang hinihintay ang magiging sagot ni Kim. Sabi ko na nga ba at gulo 'tong pinasok ko, eh.
Bigla naman siyang sumimangot. "Ayon nga lang ang problema. Hindi nakita no'ng source ko 'yong mukha ng babae. Pasakay na kasi ito ng jeep kasunod si Lance no'ng panahon na 'yon."
Lihim akong napangiti at dahan-dahan kong pinakawalan ang aking hininga. Mabuti na lang at hindi nakita ang mukha ko ng mga panahon na 'yon. Nabitiwan ko naman ang hawak na tinidor nang maramdaman kong mahigpit na pala ang pagkakahawak ko rito.
"Ayos ka lang, Shane?"
Napakurap ako nang bumungad sa 'king paningin ang nagtatakang mukha ni Mia habang nakakunot ang kanyang noo.
Alanganin akong ngumiti. "Yeah. Mauna na pala ko sa classroom. Medyo inaantok ako, eh."
Tumango lang sila at muling nagpatuloy sa pagkukuwentuhan. Kahit papaano ay nawala ang kabang nararamdaman ko nang malaman na hindi pa pala nila alam na ako ang babaeng 'yon. Isa pa, kung magkataon man ay mayroon din naman akong alas sa kanila.
Hindi ko pa nga lang din sila nakokompronta tungkol do'n dahil masyadong naookupa ni Lance and isip ko nitong mga nakaraang linggo. Isa pa ay hindi ko rin naman alam kung paano ko sila sisimulang kausapin tungkol do'n. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko.
Gulong-gulo pa rin ang isip ko hanggang sa marating ko ang classroom namin. Papasok na sana ko sa pintuan ng bigla akong matigilan nang dahil sa nakita at narinig ko.
When I see your smile
tears run down my face
I can't replace
Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Lalo na nang magpang-abot ang aming mga paningin habang patuloy lamang siya sa pagtipa ng string ng kanyang gitara. Hindi ko napansin na may dala siyang ganyan kanina.
I hold my breath and I can't help it but to stare back at him.
And now that I'm strong I have figured out
How this worlds turn cold and it breaks through my soul
And I know I'll find deep inside me
I can be the one
He smiled as he sang those lines of a familiar song. I don't know what's gotten to me that I smiled back, still not breaking our eye contact. I wonder how his simple smile made my heart go wild.
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
Suddenly, I felt like we have been in a different world. Just the two of us.
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven...
Napakurap ako nang marinig ang malakas na palakpakan sa paligid. Nilibot ko ang tingin at doon ko lang napagtanto na may mangilan-ngilan na pala kaming kaklase na nandito. Lahat sila ay nakatitig at nakikinig din pala kay Lance.
He does really have a good voice that can make the other girls dream of him. He is a good guitarist, too.
"Ang galing mo talaga, best friend! Pati 'yong yelo sa paligid ay nagagawa mong tunawin," pang-aasar ni Ralph kay Lance habang nakangisi sa 'kin.
Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy niyang yelo?
Hindi ko na lang sila pinansin at taas noong naglakad papasok at dumiretso sa puwesto ko.
Pero nagulat ako nang sa pag-angat ko ng tingin ay nakita kong hila-hila ni Ralph si Lance patungo sa kinauupuan ko. Inokupa nila ang puwesto nila Mia at Kim. "Ano'ng ginagawa n'yo rito?"
Hindi pa rin nabubura ang ngisi sa mga labi ni Ralph na ngayon ay nakatabi sa 'kin. Sa totoo lang ay hindi maganda ang pakiramdam ko sa ngisi na 'yan.
Nagsimula na naman kaming kantyawan ng mga kaklase namin na ipinagkibit balikat ko lang.
"Balita ko ay magaling ka rin daw kumanta. Bakit kaya hindi kayo mag-duet ni Lance sa susunod na school festival?"
Natigilan ako nang dahil sa tanong niya at maang akong napatitig sa kanya. "Kung kanino mo man nabalitaan 'yan ay paniguradong nagbibiro lang siya."
"Ako ang nagsabi sa kanya ng tungkol do'n. Trust me. I'm not joking when I told him that."
Nalipat ang atensyon ko kay Lance na seryosong nakatingin sa 'kin ngayon. "Paano mo naman nasabi?" nagdududa kong tanong sa kanya. Wala naman kasing nakakaalam na kahit sino rito na kumakanta ako.
"Ilang beses na kitang naririnig na kumakanta sa tuwing nakatambay ka sa likod ng school." Lumamlam ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Medyo hindi ko ata kinakaya 'yong init... I mean, 'yong titig niya sa 'kin.
"Paniguradong nagkamali ka lang ng dinig," depensa ko habang nakaiwas pa rin ng tingin sa kanya.
I heard him sighed. ''May sasabihin nga pala ko sa 'yo,'' bulong niya pero rinig ko naman.
Ramdam ko ang paglilipat-lipat ng tingin sa 'min ni Ralph. "Kung mag-usap muna kaya kayong dalawa. Mukhang nakakaistorbo ako, eh."
Akmang tatayo na siya ng pigilan ko siya. Mas maigi ng nasa pagitan namin siya ni Lance para hindi kami paghinalaan ng mga kaklase namin. Lalo pa at ang alam naman ng mga kaklase namin ay siya ang crush ko.
''Ano 'yon?'' Binuksan ko ang notebook kong nakapatong sa ibabaw ng mesa at kunwaring binasa 'to.
''My parents want to meet you. So, I hope you can come in your free time.''
Muntikan na kong mahulog sa kinauupuan ko nang dahil sa narinig. Kinakabahang nilibot ko ang tingin sa paligid. Mabuti na lang at wala pa ang iba naming mga kaklase na nakaupo malapit sa puwesto namin, habang ang iba naman ay abala na sa kani-kanilang mga ginagawa.
Teka lang. Sandali. Time out muna. Meet the parents agad? For real? Eh, hindi pa nga kami official!
Natigilan naman ako nang dahil sa naisip. Magkakaroon nga ba ng "kami"?
Pinakalma ko muna ang sarili bago magsalita. ''You want me to meet your parents? Are you serious?'' Napatitig na lang ako sa isang pahina ng notebook ko habang pilit na pinoproseso pa rin ng isip ko ang sinabi niya.
''Oo at seryoso ako. Isa pa ay matagal ka na kasi nilang gusto makilala. Pagkatapos ay nakuwento pa ni Ate Shirley sa kanila na nakilala ka na niya. Kaya lalo tuloy akong kinulit nina Mama."
Sinulyapan ko siya. Ngunit sa pagkakataong ito ay nakatungo na siya habang nagkakamot ng batok. Sa isang iglap ay bumalik ang mahiyaing Lance na nakilala ko.
Pero hindi ako puwedeng magpadala sa paawa effect niya.
''I don't want to," I answered firmly. Just the thought of it made me shiver already.
Dahan-dahan siyang napaangat ng tingin. Bakas ang lungkot sa kanyang mukha. "Please? I want you to meet them as well."
Napahilot ako sa sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa nagiging takbo ng usapan namin. "Why is it so sudden? Ni hindi pa nga tayo at wala pang kasiguraduhan 'yon. Ikaw lang naman ang nag-iinsist. Saka masyado pang maaga para sa mga gano'ng klase ng bagay. You shouldn't be serious for now. After all, we're still young. There's a lot of time for that. Okay?'' I tried to convince him.
Napakurap siya pero hindi nakaligtas sa 'king paningin ang dumaang sakit sa kanyang mga mata. Tila kinurot naman ang puso ko nang dahil do'n.
''Nothing serious?'' he asked. Mas lalong lumungkot ang kanyang mukha.
"Sabagay. May punto ka naman. Ako lang talaga ang nag-iinsist kahit alam kong ayaw mo." Tumayo na siya dahilan para mapatayo rin si Ralph na nakatanga sa 'ming dalawa ngayon.
"Pasensya ka na, hah? Pangako, hindi na kita pipilitin makilala sina Mama. Pero hindi pa rin ako susuko. Maghihintay pa rin ako sa 'yo."
Naglakad na siya pabalik sa puwesto nila ng hindi lumilingon. Napapailing naman na nakasunod si Ralph sa kanya.
Nakahinga ako nang maluwag dahil saktong pag-upo nila ay siya namang pagdating ng mga kaklase namin pati na rin sila Mia.
Pero sa hindi malamang kadahilanan ay bigla akong nakaramdam ng guilt nang dahil sa mga salitang binitiwan ko.
Lance doesn't deserve to be hurt, but I don't want to be hurt as well.
Still, I need to hear his side.
I shook my head. Nalilito na talaga ko sa kung ano ba ang dapat kong gawin.
Bahala na nga. Kakausapin ko na lang siya bukas.
-----
Today is Saturday. Napagdesisyunan kong kausapin si Lance ng masinsinan dahil magmula no'ng araw na sabihin niyang gusto niya ko ay hindi pa namin napag-usapan ng maigi ang tungkol do'n. Nagulat na lang ako ng sa paglabas ko ng subdivision namin kinabukasan ay nando'n na siya at naghihintay. Maging sa sakayan ng jeep pauwi hanggang sa makasanayan ko na lang.
Hindi ko naman siya matanong ng tungkol do'n dahil hangga't maaari ay ayoko na rin sanang pag-usapan. Hindi kasi ako sanay sa ganitong klase ng pakiramdam at atensyon na ibinibigay sa 'kin.
Nandito ako ngayon sa park ng subdivision namin at hinihintay si Lance. Sa totoo lang ay kanina pa ko hindi mapakali. Hindi ko kasi alam kung magagawa ko pa bang makapagsalita sa oras na makaharap ko na siya, matapos ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya kahapon.
Nakaupo lang ako sa isa sa mga bench dito habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa paligid, nang may dalawang kamay ang biglang nagtakip sa 'king mga mata.
''Lance." I know it's him, since my heart started to beat erratically again.
Nagtaka naman ako ng hindi pa rin niya inalis ang kamay niya. Kaya naman ay ako na ang marahas na nagtanggal nito.
Napatayo ako at naiirita ko siyang hinarap. ''I knew it! It's you! Ano ba'ng gusto mo sa buhay?"
Pero napakunot noo ako nang mapansin ang malawak niyang ngiti. Problema ba nito? Minsan talaga ay hindi ko maiwasang isipin na baka sa sobrang talino niya ay nagkasaltik na siya.
Mayamaya pa ay itinaas niya ang magkabilang kamay niya na hawak-hawak ko pa rin pala. Tila napapasong nabitiwan ko naman ang mga ito agad.
Halos pangapusin naman ako ng hininga nang mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa nangyari.
What's happening to me? Hindi kaya may sakit na ko sa puso?
"Ikaw." Nagulat pa ko nang bigla siyang nagsalita.
"Hah?"
"Ikaw ang gusto ko sa buhay ko." Natawa siya sabay kindat.
Nalaglag naman ang panga ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.
Is this really Lance? Nasa'n na 'yong mahiyaing Lance na nakilala ko?
Diyos ko ibalik n'yo na po siya sa dati! Para hindi naman po ako nabibigla ng ganito!
"P-Pinagsasabi mo r-riyan. Umupo ka na nga." Gusto kong pagalitan ang sarili ng bigla akong nautal.
Kailan pa ko nagsimulang mautal? Talaga naman, Lance! You are the death of me.
Pareho kaming naupo sa magkabilang dulo ng bench. Kung titingnan ay masasabi kong para kaming hindi magkakilala.
"Alam mo, matagal ko ng gustong hawakan ang kamay mo. That's why when I saw an opportunity, I grabbed it." He chuckled.
Gulat ko siyang nilingon. Aba't! Kaya pala hindi niya kaagad inalis ang kamay niya ay para mapilitan ako na tanggalin 'yon, nang sa gano'n ay mahawakan niya ang kamay ko. Nice move.
Pero teka nga. Bakit ba kung makapagsalita siya lagi ay parang matagal na niya kong kilala?
Hindi na lang ako nagkomento pa at muling itinuon ang atensyon sa mga bulaklak na nasa paligid. Ilang minuto rin kaming nanatiling tahimik bago ko ito binasag.
''Bakit?'' I asked out of the blue.
''Anong bakit?'' he asked back.
Malalim akong napabuntong hininga. "Bakit ako? Hindi naman ako kagandahan o katalinuhan. I'm a quiet person and boring to be with. Simple lang at walang kadating-dating. Marami naman diyang iba na mas nakakahigit sa 'kin. Isa pa ay hindi ka ba nag-aalala sa maaaring isipin at sabihin sa 'yo ng ibang tao, sa oras na malaman nilang nagkagusto ka sa isang katulad ko?"
Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa 'king lalamunan ng dahil sa tanong na 'yon. Pero muli akong nainis nang bigla siyang natawa dahilan para mapalingon uli ako sa kanya.
"Anong nakakatawa?" Ang seryoso kaya ng pagkakatanong ko. Ang lalaking 'to!
Napailing naman siya bago sumeryoso ang mukha. ''Bakit ikaw? Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Sinunod ko lang naman 'to, eh.'' He pointed the left part of his chest.
''Saka 'yong pagiging simple mo, 'yon nga ang isa sa mga nagustuhan ko sa 'yo. You're different and your personality itself makes me like you more.'' Tila ibinubulong niya ang mga salitang 'yon sa hangin habang malayo ang tingin.
''Maraming mas higit sa 'yo? I don't think so. Kahit kailan ay hindi mahihigitan ng kahit na sino ang sayang nararamdaman ko sa tuwing nakikita at nakakasama kita.''
Natulala na lang ako sa kanya. Hindi makapaniwala sa naririnig.
''Saka bakit ako mag-aalala? Wala naman akong pakielam sa iisipin at sasabihin ng iba. Lahat tayo ay may karapatan magmahal at mahalin. Kahit sino ka pa. To love is also to take risks. At least you can say to yourself that you tried. Mas masakit ang magsisi kaysa ang ma-busted.'' He turned to me and smiled.
''Shane, hindi naman ako nagmamadali. Pero ang tanging masasabi ko lang ay huwag mong ipagkait ang pagbibigay ng pagkakataon sa iba, dahil para mo na ring pinagkaitan ang sarili mo na maging masaya.''
I stared back at him. Pumunta ako rito na magulo ang isip. Pero pagkatapos ng lahat ng sinabi niya ay tila bigla akong naliwanagan.
Namumuhay ako sa isang tahimik at madilim na mundo, bago ko pa siya nakilala. Pero magmula ng dumating siya sa buhay ko ay aminado akong nagkaroon ng liwanag at naging makulay ang mundo kong 'yon. Kahit ilang beses ko mang itanggi ay aminado akong naging malaking parte na siya ng buhay at kasiyahan ko.
Ang tanging bagay lang naman na pumipigil sa 'kin ay ang takot. Lalo pa at nakita ko kung paano nagdusa si Mama ng iwan kami ni Papa noon.
But we all deserve to be happy. Hindi dapat natin ipinagkakait sa sarili natin ang bagay na 'yon.
Muli akong napatingin sa kanya. Sa pagkakataong ito ay nakangiti na uli siya.
Should I give it a try?