Dalawang araw na rin ang lumipas magmula ng naging usapan namin ni Lance sa park. Mukhang okay naman na siya pero alam ko na mayroon pa ring mali. Paniguradong binabagabag pa rin siya ng mga sinabi ko tungkol sa kagustuhan niyang ipakilala ako sa pamilya niya.
I sighed. What to do? Hanggang ngayon kasi ay nakokonsensya pa rin ako nang dahil sa mga sinabi ko.
Naglalakad ako ngayon papuntang library. Pero natigilan ako nang may biglang tumawag sa 'kin.
Paglingon ko sa kanan ay namataan ko ang pinsan ni Lance. Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko.
"Hi, Shane!" nakangiting bati niya sa 'kin ng makalapit.
Tipid ko naman siyang nginitian. "Hi!"
"May itatanong lang sana ako sa 'yo. I hope you don't mind." She bit her lower lip.
Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"
Napakamot siya sa batok bago magsalita. "May naging alitan ba kayo ni Lance? No'ng makauwi kasi siya last Friday hanggang ngayon ay sobrang tahimik lang niya at parating tila may malalim na iniisip. Sa totoo lang ay tahimik nga pala talaga siya. Pero may mga pagkakataon kasi na nahuhuli ko siyang nakatulala. Pagkatapos ay wala pa siyang ganang kumain."
Natigilan ako nang dahil sa sinabi ni Ate Shirley. Tila may kung anong kumirot sa dibdib ko sa isiping kaya nagkakagano'n si Lance ay dahil sa 'kin.
Hindi man magsalita si Lance ay ramdam ko naman na mayroon pa ring gumugulo sa isip niya. He just don't want to show it because he doesn't want me to get worried.
Malalim akong napabuntong hininga. Palagi na lang ako ang iniisip niya. Lahat ng gusto ko ay sinusunod niya. Sa tuwing may hindi naman kami napapagkasunduan, kahit madalas na ako naman ang may kasalanan ay siya pa ang palaging nagpapakumbaba para lang hindi na lumaki pa ang issue.
Am I too selfish? Gano'n ba talaga kahalaga para sa kanya na makilala ako ng pamilya niya? Kung tutuusin ay maliit na bagay lang naman 'yong hinihiling niya sa 'kin pero hindi ko pa magawang ibigay. Pakiramdam ko kasi ay kailangan ko ng maging fully committed sa kanya kapag gano'n.
"Shane? Ayos ka lang ba?"
Napakurap ako at bahagya pang napaatras nang makita na sobrang lapit na pala ng mukha niya sa 'kin habang magkasalubong ang dalawang kilay.
"Ahm, pasensya na. Maayos naman kami ni Lance. Wala naman kaming malala na pinag-awayan," pagsisinungaling ko sa kanya. Well, hindi naman din kasi totally away ang nangyari. May hindi lang kami napagkasunduan.
Kaya lang ay ayoko ng mag-alala pa siya, pati na rin ang mga kamag-anak ni Lance. Kung mayroon man kaming problemang dalawa ay sa 'min na lang 'yon.
Muli siyang ngumiti at napapalakpak pa. "That's good to know! Anyway, alam kong hindi pa kayo ni Lance. Pero gustong-gusto ka na talaga makilala nina Tita. Sana makapunta ka sa bahay one of these days kung ayos lang sa 'yo." Halata ang pag-asam sa kanyang mukha.
Natigilan ako. Gusto ko sanang sabihin na malabo pang mangyari 'yon pero iba ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
''No worries. Looking forward rin ako na makilala ang pamilya ni Lance."
Nanlaki ang mga mata ni Ate Shirley bago malakas na tumili. Dali-dali ko namang tinakpan ang kanyang bibig at pinalinga sa paligid ang aking paningin. Mabuti na lang at kami lang ang nandito.
Nang masiguro kong nahimasmasan na siya ay dahan-dahan kong inalis ang aking kamay sa pagkakatakip ng kanyang bibig.
"OMG! Seryoso ba? Alam na ba ni Lance na okay na sa 'yo?" excited niyang tanong.
Napailing naman ako. "Sa totoo lang ay hindi pa. Kaya sana ay wag mo munang ipaalam sa kanya."
Sunod-sunod naman siyang tumango bago itinaas ang kanang kamay na tila nanunumpa. "Promise! Wala akong sasabihin sa kanya. Pero aasahan ko 'yan, hah?"
Napatango na lang ako. Muli naman siyang napatili kaya natampal ko na lang ang noo ko, bago siya mabilis na nagpaalam sa 'kin.
Kung anong tahimik ni Lance ay siya namang pagiging happy-go-lucky ng pinsan niya.
Nang mawala siya sa paningin ko ay napatingala ako sa kalangitan at pumikit. Tahimik akong humingi ng senyales na magiging dahilan ng aking pagpapasya.
Ngunit bigla akong napadilat nang marinig ko ang malakas na pagkahulog ng kung ano.
Napalingon ako sa labas ng library. Doon ay nakita ko ang isang lalaki na isa-isang pinupulot ang mga nagkalat na libro.
Hindi ko na lang sana siya papansinin, pero mukhang marami talaga siyang dala. Kaya naman ay nilapitan ko siya upang tulungan sa pagsamsam ng mga kumalat na libro.
"There's no need for you to do that. Kaya ko naman," walang emosyon na sabi ng lalaki.
Natigil ako sa ginagawa at napaangat ng tingin sa kanya. Blangko lang ang ekspresyon ng kanyang mukha at tila walang buhay ang kanyang kulay tsokolate na mga mata.
Bumaba naman ang tingin ko sa kulay yellow niyang ID lace. Senior na rin pala siya. I wonder kung anong seksyon niya.
Sisilipin ko sana ang ID niya nang mapakurap ako dahil bigla niyang kinuha sa kamay ko ang mga napulot ko ng libro. Pagkatapos ay maigi niyang binalanse ang pagkakahawak dito bago tumayo at umalis na para bang walang nangyari.
Ilang segundo rin akong natulala. Nang makabawi sa pagkabigla ay hindi ko naiwasan ang makaramdam ng inis. Siya na nga itong tinutulungan pero nagsuplado pa. Minsan na nga lang ako magmagandang loob pagkatapos ay hindi pa maganda ang kinalabasan.
Pero hindi ko lang din maiwasan ang mapaisip. Parang pamilyar kasi sa 'kin ang mukha niya.
Nagkibit balikat na lang ako bago tuluyang pumasok ng library. Sa dami ng estudyante rito sa school ay hindi ko naman na maaalala ang mga mukha ng bawat makakasalubong ko.
Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung ano ba ang ginagawa ko rito sa library.
Hay, Lance. What have you done to me?
-----
Uwian na pero hindi pa rin ako tapos magsulat sa notebook ko. Sinadya ko naman talaga 'to para mahuli akong lumabas.
"Shane, hindi ka pa tapos?" naiinip na tanong ni Mia sa tabi ko.
Saglit ko siyang nilingon bago nagpatuloy sa ginagawa. "Hindi pa. Mauna na kayo."
"Sige. Alis na kami," paalam ni Kim na tinanguan ko lang.
Hindi naman nagtagal ay nakalabas na ang lahat ng mga kaklase ko. Tanging ako at ang mga cleaners sa araw na 'to na lang ang natira.
Nang matapos ay lumabas na rin ako. Pero tumambay muna ko sa isa sa mga bench dito na malapit lang sa classroom namin. Mayamaya pa ay namataan ko na ang iba pa naming mga kaklase na lumabas at ni-lock ang pinto.
Nagpalipas muna ko ng ilang minuto bago umalis. Habang naglalakad ay nagpapalinga-linga ko sa paligid. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang wala na kaming kaklase na pakalat-kalat dito.
Kaya naman ay dali-dali na kong lumabas ng gate at naglakad hanggang kanto. Malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang pamilyar niyang pigura na nakatayo malapit sa isang waiting shed.
''Sorry to keep you wait.'' Agad na napalingon sa direksyon ko si Lance. He was patiently standing with his hands buried in his pockets. Paborito talaga niyang gawin 'yan.
Sabagay, ang cool niya tingnan. Ewan ko ba. Parang dati naman ay wala akong pakielam.
''Ayos lang. Halos kababalik ko lang din. Inaya pa kasi ako nina Ralph kumain sa kabilang kanto. Tara na?''
Nagulat pa ko nang bigla niyang kunin mula sa 'kin 'yong bag ko. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya ang bagay na 'to pero nagugulat pa rin talaga ko.
''You know what, there's no need for you to do that. Saka mahirap na at baka may bigla na lang makakita sa 'tin."
Pilit kung kinukuha ang bag ko mula sa kanya pero nilalayo lang niya ito.
''Hayaan mo sila. Isa pa ay wala naman ng masyadong estudyante, eh. Stop worrying, will you?'' seryoso niyang sabi.
Natahimik naman ako at hinayaan na lang siya. Nagsimula na rin kaming maglakad.
Sa totoo lang ay ako naman talaga ang may gusto sa ganitong klase ng set-up. He disagrees with this kind of idea. Wala naman daw kaming ginagawang masama kaya wala namang dapat na itago. But in the end, ako rin ang nasunod.
He is one of the popular boys in school. That's why being courted and seen with him means issues and gossips. Ayoko pa naman sa lahat ay 'yong napapansin at nakikilala ako.
Then what? Judge my personality as if they know me? No thanks. Mas okay na sa 'kin 'yong tahimik lang.
Gusto niyang sabay kaming pumasok at umuwi. Kaya medyo naalarma ako ro'n dahil paniguradong maraming makakakita sa 'min. Eh, noong mga panahon na nagsisimula pa lang kami magkalapit ay tinataasan na ko ng kilay ng mga babaeng obsess sa kanya, ano pa kaya kapag nalaman nilang nililigawan na niya ko, 'di ba?
Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin kung tumigil din siya. Nakapara na pala siya ng jeep.
Pinauna muna niya kong sumakay bago siya sumunod. Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa makababa kami sa subdvision na tinitirahan ko. Agad naman niyang iniabot sa 'kin ang bag ko.
''Uwi na rin ako. See you tomorrow.''
Muntik ko ng malaglag ang hawak kong bag nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang malalambot na labi sa noo ko.
He smiled at me the moment he pulled away. Kumaway pa siya bago tuluyang tumalikod at naglakad paalis.
Napaawang ang bibig ko dala ng pagkabigla. Pagkatapos ay napakapit ako sa poste na narito nang maramdaman kong tila nanlambot ang aking mga tuhod nang dahil sa ginawa niya. Halos pangapusin naman ako ng hininga dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.
This is bad. Lance Buenavista is not good in my health anymore.