Chapter 9

2050 Words
Lance's POV Hindi mapakaling bumaba ang tingin ko sa suot na relong pambisig. Halos bente minutos na kong naririto at sa pagpatak ng bawat minuto ay mas lalo akong nakakaramdam ng kaba. Bigla ko tuloy naalala 'yong araw ng Sabado na pumunta kami rito. It was one of the happiest moments in my life. Kung puwede ko nga lang sanang hindi na bitiwan 'yong kamay niya no'ng panahon na nahawakan ko ito ay ginawa ko na. Malalim akong humugot ng buntong hininga at napatingin sa malakas na buhos pa rin ng ulan. Nang dahil dito ay na-cut tuloy ang klase namin. Kung kaya naman ay maaga na kaming pinauwi. Ngunit kasalukuyan akong nandito sa loob ng clubhouse ng subdivision kung saan nakatira si Shane para makasilong. Katabi lang ito ng park na pinuntahan namin no'ng nakaraang Sabado. May usapan kasi kami ni Shane na magkikita kami rito. Sinabi ko naman kanina sa kanya na sabay na lang kami pumunta rito pero sinamaan niya ko ng tingin. Kaya naman ay wala na kong nagawa ng sabihin niyang hintayin ko na lang siya rito. Ngayon tuloy ay hindi ko maiwasan ang magsisi. Kanina pa kasi ako nag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Bukod roon ay kinakabahan din ako sa mahalagang bagay na sasabihin daw niya sa 'kin. Gano'n din ako. Mayroon akong kailangan malaman mula sa kanya. ''Lance!'' Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pamilyar niyang boses. Dali-dali ko naman siyang nilapitan dahil basang-basa siya ng ulan! ''Basang basa ka na! Sabi ko naman kasi sa 'yo ay kuhanin mo na 'tong jacket ko kanina, eh." Agad ko namang hinubad ang suot na jacket at iniabot sa kanya. "Suotin mo muna 'to at baka ginawin ka.'' Napaiwas naman ako ng tingin pagkabigay ko ng jacket sa kanya. Nang dahil kasi sa pagkakabasa ng uniform niya ay humapit ito sa kanyang katawan. Pakiramdam ko tuloy kahit malamig ang panahon ay pinagpapawisan ako. ''Thanks. Sorry, na-late ako. Naharang kasi ako nina Mia at Kim, eh. Niyaya akong gumala sa kalagitnaan ng bagyo. Hindi ko maintindihan ang trip nila sa buhay. Ang kukulit nila masyado kaya natagalan ako.'' Dahan-dahan ko siyang nilingon. Ibinaba niya ang dalang bag sa sahig katabi ng akin bago matamang pinagmasdan ang ulan. Habang ako naman ay hindi na naiwasang mapatitig sa maamo niyang mukha. Ilang minutong katahimikan din ang dumaan bago siya nagsalita. ''Ang ganda, no?'' she asked. Napakurap naman ako. Clueless of what she meant. "Maganda ang alin?" She smiled. Pagkatapos ay inilahad niya ang kanang palad sa labas bago sinalo ang mga patak ng ulan na patuloy sa pagbagsak. She looks like a child while doing that. ''Ang ulan. Some people hate it, but I like it.'' Napangiti na rin ako. ''Ang ganda nga.'' Sa pagkakataong ito ay lumingon siya sa 'kin. ''Gusto mo rin ng ulan?'' Napatango ako. ''Yeah. Pero alam mo kung ano ang mas maganda at mas gusto ko?'' She shook her head. Matiim ko siyang tinitigan. ''You." Natigilan siya. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya na namula at pakiramdam ko ay mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Napalunok siya bago napaiwas ng tingin. "W-Wala ka bang itatanong sa 'kin?" Gusto ko pa sana siyang asarin. Kaya lang ay naguluhan ako bigla sa sinabi niya. "Hah?" Nang hindi siya sumagit ay naala ko naman ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon. "Mayroon pala. Ano nga 'yong importanteng sasabihin mo sa 'kin?" She returned her gaze to me. "Hindi 'yon! Paano ako sasagot sa 'yo kung wala ka namang tinatanong?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang nais niyang ipahiwatig. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo ko. She's the very first girl that I ever court. Kaya sa totoo lang ay wala pa kong kamalay-malay sa mga ganitong klase ng bagay. Halata ang iritasyon sa kanyang mukha. "Mamaya na nga! Nagugutom na ko." Doon ko naalala ang mga binili kong pagkain kanina. ''Sige. Kain muna tayo. Bumili na ko ng pagkain natin kanina bago pa man ako dumiretso rito. Hindi na kasi tayo umabot sa breaktime, eh.'' Kinuha ko ang bag namin bago ko siya hinila patungo sa isa sa mga bench na naririto. Nang makaupo ay nilingon ko siya sandali para tanungin kung anong gusto niyang kainin, nang mapansin kong nakatingin siya sa magkahawak naming kamay. Agad ko namang binawi 'yon. Mahirap na at baka isipin niyang sinasamantala ko ang pagkakataon. ''Sorry. Hindi ko sinasadya.'' She just smiled at me. The smile that captured my heart. Pero naninibago ako sa inaakto niya. Nakasanayan ko na rin kasi na palagi niya kong tinatarayan. Lumipas ang halos isang oras na puro kainan at kuwentuhan lang ang ginawa namin. Pero kahit gano'n ay ang saya lang sa pakiramdam. Totoo pala na walang nakakabagot na oras kapag kasama mo ang taong mahal mo. Kusa akong natigilan nang dahil sa naisip. Pinakiramdaman ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Mahal. Tama. Mahal ko na nga ang babaeng kaharap ko ngayon. Hindi ako maghihintay ng ilang taon para sa tingin ko ay tamang pagkakataon kung hindi. I took a deep breath. It's now or never. Magmula ng sinabi kong gusto ko siya at sinimulang ligawan ay hindi ko pa ito natatanong sa kanya. Isang tanong lang 'yan, Lance. Isang tanong. Ano man ang magiging sagot niya ay napaghandaan ko na. ''Shane.'' I caught her eye and look at it directly. ''C-Can you—'' ''Yes.'' Yumuko siya bigla. My jaw literally drops on her sudden answer. Kung napaghandaan ko na ang kahit anong isagot niya ay mukhang napaghandaan na rin niya ang itatanong ko. ''Y-Yes?'' I asked hesitantly. ''But how did you say so? I'm not even finish—'' ''Kasi 'yan ang tanong na kanina ko pa hinihintay mula sa 'yo!" Nagulat ako sa biglaan niyang pagtayo. She looked frustrated and shy at the same time. Gulat ko siyang tiningnan. Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil hindi ko kaagad nakuha ang gusto niya sabihin kanina. Ang slow mo naman, Lance! Napatayo na rin ako at hindi pa rin makapaniwalang napatingin sa kanya. "S-Sinasagot mo na ko? T-Tayo na talaga? Officially?" Napaiwas siya ng tingin. "Oo nga! Bingi ka ba?" Magsasalita pa sana ko ng bigla siyang mapangiti. "Alam mo ba na pag-ulan ang hiningi kong sign kung kailan kita sasagutin?" She looked outside. "Now it happened. Kaya biglaan ang plano kong makipagkita ngayon sa 'yo rito." Nanlaki ang mga mata ko. "Really? Ang pag-ulan din ang hiningi kong senyales sa kung kailan kita dapat tanungin. What a coincidence.'' Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko pareho ang kanyang kamay. ''Tayo na, hah? Tayo na talaga? Wala ng bawian, hah!'' Binawi niya ang kanyang kanang kamay at pinisil ang ilong ko. ''Oo nga! So, don't you dare break my heart or else—'' She shut her mouth when I suddenly pulled her for a hug. Naramdaman ko naman ang tila paninigas ng kanyang katawan. I've been longing for this moment to happen. And I can't believe that it is actually happening right now. Dahan-dahan kong inilayo ang mukha ko sa kanya. Natawa ko nang makita ang nanlalaki niyang mga mata. ''Or else what?'' I whispered. ''O-Or else... You... You...'' akmang sasampalin niya ko pero mabilis akong nakatakbo palayo sa kanya. ''Catch me if you can.'' I stuck my tongue out at her. Ilang minuto pa ang nagdaan ay patuloy pa rin kami sa paghahabulan sa ilalim ng malakas na ulan. For others, rain symbolizes pain, hurt and sadness. But for us, rain symbolizes our love and happiness. Kasabay ng patuloy na pagbagsak ng ulan ay ang pagbagsak namin sa isa't isa. ----- Shane Chrystelle's POV ''Oh my gosh! Is she that girl?'' ''Hindi naman sila bagay, eh!'' ''She's not that beautiful naman pala. For sure hindi magtatagal 'yan.'' ''I knew it! Friends kunwari. Pero may hidden agenda naman pala.'' "Pinalabas pa talaga niyang si Ralph ang gusto niya para hindi siya mahalata." Ilan lang 'yan sa mga "bulong" na narinig ko pagkapasok namin kanina. Even our classmates questioned us. Hindi talaga nila kami tinantanan. Pilit ko na lamang inignora ang kung anumang mga pinagsasabi nila. Mas iniisip ko pa ang posibleng maging reaksyon nina Mia. But thank God they're fine with it. Mabuti na lang daw at ako 'yong babae at hindi isang pathetic b***h lang ulit. Naguluhan pa ko no'ng sinabi nila 'yon. So I asked them about it. Pero ang sabi nila ay wala lang daw 'yon at kalimutan ko na lang. Aminado akong natakot ako no'ng simula. But it's different now. Alam kong hindi naman namin magagawang itago ang relasyon na mayroon kami sa habang panahon. So I chose to face them. As long as masaya ako at wala naman akong tinatapakang ibang tao ay hindi dapat ako matakot. Dahil dalawa kaming dapat na magprotekta sa relasyong ito. ''Shane, kakain na ba tayo?'' Hindi pa man din ako nakakasagot ay hinigit na niya ko patayo at hinila palabas. Napailing na lang ako. Sana ay hindi na lang siya nagtanong, 'di ba? Pagkarating namin sa canteen ay naglipana na naman ang mga bubuyog sa paligid. Hindi ba sila napapagod pag-usapan ang buhay ng ibang tao? ''What do you want? Ako na lang ang bibili. Just wait for me.'' Nginitian ko siya at sinabi ang order ko. Naghanap na ko ng mauupuan. Nilibot ko ang paningin pero hindi ko namataan man lang sina Kim. Nauna kasi silang lumabas sa 'min kanina. Tahimik lang akong naghihintay nang makarinig na naman ako ng bulungan sa bandang likuran ko. Nagkalat ata ang mga bubuyog sa school ngayon. "Look at her. Mukha namang pera lang ang habol niya kay Lance!" ''Ano pa bang aasahan mo sa katulad niya? Baka nga pati assignments at projects niya ay kay Lance lang niya inaasa.'' ''For all I know, hindi nag-iisa si Lance. Malay natin marami pala siyang itinuturing na boyfriend." ''The worse thing is that she's just using Lance to gain popularity.'' That's it. I've heard enough. I was about to stand up and confront them when suddenly, I felt a pair of hands on my shoulder. Napatingala ako sa kanya. He is not looking at me, but on the four girls at my back. ''First of all, she's not after my money because we're just on the same wealth and she just knows how to save. Second, hindi ko siya basta-basta pinapakopya ng assignments ko. I make sure that she understands it first, then she will go to make it on her own. Third, I am very much confident that I am his one and only boyfriend because she's madly, deeply, crazy in love with me.'' He looked down at me for a second and winked. I rolled my eyes. This guy is really impossible. Pakiramdam ko ay biglang humangin ng malakas. ''Fourth, she's a private person and popularity is one of the things that she hate most.'' He continued, then held my hand. ''Lastly, if there is anyone who talked about bad things against my girlfriend again, I swear, you'll find your way out of this school.'' Hinila na niya ko patayo at paalis. Those b***h? We left them with their mouth wide open. We stopped at one of the benches around, still aware of the glances that the other people were giving us. Inabot niya 'yong pagkain ko sa 'kin at nagsimula na kaming kumain. ''Don't mind them. I'll protect you. Hindi ako naghintay ng ilang taon para lang makita kang sinasaktan at pinagsasalitaan ng iba.'' Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya. ''Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, eh. Tingin mo sa 'kin, weak? Kayang kaya ko naman sila, eh!'' He patted my head. ''Silly. I just don't want you to be in trouble because of me, clear?'' Biglang lumungkot ang kanyang mukha. "Pero sana wag kang mapapagod, hah? We'll get through this. Trust me." I smiled at him. ''I trust you.'' He smiled and pinched both of my cheeks. ''Thank you. I am going to be your guardian angel.'' Napanguso na lang ako. Alam ko na simula pa lang 'to. But with Lance on my side, problems and challenges will be the one to give up on us and not the other way around. Hopefully.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD