Naalimpungatan ako nang dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kuwarto ko.
''Ikaw na ang gumising sa kanya, iho. Ewan ko na lang kung hindi pa siya bumangon kaagad,'' masaya ang boses na sabi ni Mama.
Gusto ko sanang buksan ang mga mata ko. Pero antok na antok pa talaga ko. So I just ignored it.
''Baka po kasi magalit siya sa 'kin. Hindi pa nga po niya alam na kilala n'yo na po ko, eh,'' sagot ng isang pamilyar na boses.
Pero hindi naman 'yon boses ni Clark. Kumunot ang noo ko. Sino kaya ang lalaking 'yon?
Mayamaya lang ay nakarinig na ko ng sunod-sunod na katok sa labas ng pinto.
''Shane! Bumangon ka na riyan! Anong oras na!'' malakas na sigaw ni Mama.
Iminulat ko ang kanang mata ko para sulyapan ang alarm clock sa ibabaw ng mesa.
Alas otso pa lang ng umaga at Sabado naman ngayon. Can't I have a break?
''It's just eight o'clock in the morning. I'll get up later. Let me have my beauty rest for now!'' I closed my eyes and tried to sleep again.
''No more later, young lady. Tatayo ka riyan o gusto mong kaladkarin pa kita pababa?'' Sa pagkakataong 'to ay may halong pagbabanta na ang boses niya.
Ngunit pilit ko 'yong inignora. ''Yeah. Whatever. Do what you want then,'' inaantok kong sagot.
Ang buong akala ko ay umalis na siya dahil wala na kong narinig pang sagot. Pero ilang minuto pa lang natatahimik ulit ang mundo ko ay narinig kong bumukas ang pinto, pagkatapos ay ang mahinang yabag na papalapit sa 'kin.
''Ma, kahit ten minutes lang po, please,'' I muttered while my eyes still closed.
Hindi siya nagsalita.
Pero nagulat na lang ako nang may maramdaman akong dumampi sa noo ko.
Bigla akong napadilat. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng antok nang makita ko ang mukha niya.
I blink my eye enumerable times, wondering if he is just part my imagination.
But he is still there. I even slap both of my cheeks to check if am Idreaming or hallucinating. In return, I just got hurt.
Nagsalubong ang kilay niya bago inilayo ang kamay ko sa pisngi. "Anong ginagawa mo? Hindi ko ba puwedeng dalawin ang girlfriend ko?"
"Wala naman akong sakit kaya bakit mo ako dadalawin?" Sa wakas ay nagawa ko ring makapagsalita. "Saka paano mo nalaman kung saan eksakto ang bahay namin?"
Akmang sasagot na siya ng biglang magsalita si Mama. Nagulat pa ko ng sa paglingon ko sa pintuan ay nandoon siya at nakatayo habang nakapameywang.
Mom eyed me seriously. "You have a lot of explaining to do, young lady. Fix yourself then we'll talk.'' She turned to Lance and smiled. ''You come with me first, iho.''
I gave Lance a questioning look. But he just winked at me.
Nasapo ko na lang ang mukha ko. Bakit pakiramdam ko ay mayroon akong hindi nalalaman dito?
Pagkatapos kong mag-asikaso ay dali-dali akong lumabas at bumaba. Naabutan ko sila na masayang nag-uusap sa dining area. They look so close to each other already.
How come?
Ngunit agad silang natahimik nang mapalingon sa direksyon ko.
Hinalikan ko sa pisngi si Mama bago naupo. Nakaramdam pa ko ng ilang dahil pinaghila pa talaga ko ng upuan ni Lance.
Kailan kaya ko masasanay sa ganito?
''So, you already have a boyfriend. Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin kaagad?'' Hindi pa man nag-iinit ang puwet ko sa upuan ay nagbato agad ng tanong si Mama.
Napanguso ako. "Sasabihin ko naman po, eh. Inunahan lang ako ng isa riyan.'' Hindi ko siya nilingon pero ramdam kong nakatingin siya sa 'kin.
"Pasensya na. Hindi ko naman gustong pangunahan ka." Nakaramdam naman ako ng konsensya dahil bakas ang lungkot sa boses ni Lance.
"Hayaan mo na. Nandito na." Sinalubong ko naman ang mga mata ni Mama na matiim pa ring nakatitig sa 'kin.
''Pasensya na rin po. Matagal ko naman na pong gustong sabihin ang tungkol kay Lance. Pero hindi ko po kasi alam kung paano ko ba sisimulan."
Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Halos pigil ko naman ang hininga sa takot na baka marinig nila ang malakas na pagkabog ng puso ko dala ng kaba.
Pero napakunot ako ng noo nang biglang humagalpak ng tawa si Mama.
''Ayos lang! Ano ka ba, anak? Ang totoo niyan ay kasama sa mga pangarap ko ang magkanobyo ka. Mas nadagdagan lang ang sayang nararamdaman ko dahil marunong kang pumili ng lalaki. Approve siya sa 'kin.''
Napanganga na lang ako nang biglang kumindat si Mama. Tila gusto kong bumuka ang lupa at lamunin na lang ako.
Bakit ba kasi mas isip bata pa siya kaysa sa 'kin?
Nagulat pa ko nang magsalita siya ulit. "Isa pa ay noong nakaraang linggo ko pa alam. Hinihintay ko lang talaga na magsabi ka bago kita kausapin."
Napataas ang kilay ko. "Paano n'yo naman po nalaman?"
"Well..." nilingon ko si Lance na nagkakamot ng batok ngayon.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Well?"
Nakangiwi siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. "Noong isang beses kasi na hinatid kita ay nakita niya ko. Pasakay na ko ng jeep no'n ng bigla niya kong tawagin para kausapin. No'ng araw rin na 'yon ay pinaalam sa 'kin ng Mama mo kung saan nga kayo nakatira."
Hinilot ko ang sentido ko. Sumasakit ang ulo ko nang dahil sa mga impormasyon na nalalaman ko.
Bakit hindi ko man lang nahalata?
Hindi na lang ako umimik at muling nilingon si Lance. Doon ko lang napansin na bihis na bihis siya.
"Hindi mo pa sinasabi kung bakit ka nandito."
"Shane! Ayusin mo ang pananalita mo!" Napabuntong hininga na lang ako nang makita ang panlalaki ng mata ni Mama.
Great. Pati si Mama kampi sa kanya.
"Wag ka mag-alala. Napaalam na kita kay Tita."
Nahigit ko ang hininga ng bigla siyang ngumisi.
"We're going out for a date."
-----
Date. Such a big word. Because never did I imagine that I'll go out for a date.
Pero ito ako ngayon at kasalukuyang hinihintay si Lance. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kanya na kasalukuyang nakapila sa bilihan ng ticket. Manonood raw kami ng movie.
Ilang minuto pa ang lumipas ay naglalakad na siya patungo rito sa kinatatayuan ko.
''Let's buy some food and drinks first.'' He held my hand and pulled me at the food stand.
Nang makabili ay agad na kaming pumasok sa loob ng sinehan. Sinalubong agad ako ng lamig na nagmumula sa aircon. Ngayon ako nagsisisi na hindi ako nagdala ng jacket. Si Lance naman ay nakalimutan daw niya dahil sa pagmamadali.
We chose to sit at the back on the left corner. Minutes later and the movie has already started. My eyes were too focused on the screen when I suddenly felt his arm around my shoulder.
Tila nanigas ako sa kinauupuan ko. Sa isang iglap ay parang tinangay paalis ng init na nagmumula sa kanyang balat ang lamig na nararamdaman ko.
''May itatanong pala ko sa 'yo.'' Nagulat pa ko nang bigla siyang nagsalita.
''Ano 'yon?'' Buong buhay ko ay bibihira lang ang pagkakataon na nakaramdam ako ng nerbyos. Pero magmula ng makilala ko ang lalaking 'to ay tila palagi na lang akong hihimatayin sa kaba kapag nasa malapit siya.
"Okay na ba sa 'yong pumunta sa bahay? Kinukulit na kasi talaga ko nila Mama, eh." Madilim ang paligid pero nababanaag ko ang pag-asa sa kanyang mukha.
Napangiti na lang ako at napatango. "Sige." Sa totoo lang ay no'ng nakaraan ko pa gustong sabihin sa kanya ang pasya ko tungkol do'n. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo.
Naaninag ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. Maging ang malawak niyang pagngiti. "Salamat!"
Akmang yayakapin niya ko ng maagap ko siyang napigilan. Mahina naman akong humingi ng paumanhin sa mga taong napapatingin sa direksyon namin.
Grabe. Mas lalong hindi ko ma-imagine na mag-PDA ako no.
Dumaan ang halos dalawang oras na wala kong naintindihan sa pinanood namin. Kung saan-saan na kasi lumilipad ang isip ko. Idagdag mo pa na sobrang lapit niya sa 'kin ngayon kaya nawawala ako sa konsentrasyon. Ni hindi ko nga masyadong nagalaw ang pop corn at softdrinks ko.
Nakahinga lang ako nang maluwag ng sa wakas ay nakalabas na kami ng sinehan. Didiretso muna raw kami sa isang fastfood chain para kumain.
Habang naglalakad ay bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming mga kamay. Bigla ko tuloy naalala ang pangako ko sa sarili noon na walang kahit na sinong lalaki ang makakalapit o makakahawak man lang sa 'kin.
Pero ngayon.
Totoo nga na walang ibang permanenteng bagay sa mundong 'to kung hindi ang pagbabago.
''Saan na tayo pupunta?'' tanong ko sa kanya ng matapos kami kumain.
Muli ay kinuha niya ang kanang kamay ko at marahan akong hinila patayo. "We are going to have fun!"
Naiiling na sumunod na lang ako sa kanya. Kung makaasta akala mo ay ngayon lang makakagala.
Kanina pa kami naglalakad na parang walang patutunguhan. Pakiramdam ko nga ay bumaba na agad ang kinain ko.
Saan ba balak pumunta ng lalaking 'to?
Tatanungin ko na sana siya ng bigla siyang huminto sa tapat ng...
Tom's World?
Magpoprotesta sana ko pero mabilis na niya kong nahila papasok.
What the hell? Ano naman ang gagawin ko rito?
Humalukipkip ako at hinayaan siyang pumila sa counter. Nilinga ko ang tingin sa paligid at halos kaunti na lang ang espasyo na magagalawan mo nang dahil sa sobrang dami ng tao rito.
''Videoke tayo.''
Natigilan ako nang dahil sa sinabi niya. Tatanggi sana ko ng muli siyang nagsalita.
"I want to hear your voice again." Wala na naman akong nagawa ng hilahin niya ko sa isa sa mga bakanteng videoke booth dito.
Ano ba ang nangyayari sa 'kin at hinahayaan ko lang ang lalaking 'to na hilahin ako sa kung saan-saan?
Unang naghanap ng kakantahin si Lance. Inasahan ko ng rock music ang pipiliin niya.
Broken this fragile thing now
And I can't, I can't pick up the pieces
And I've thrown my words all around
But I can't, I can't give you a reason
Mangha lang akong napatitig sa kanya. Malawak ang kanyang ngiti habang kumakanta. Halatang mahal niya ang ginagawa.
I feel so broken up
And I give up
I just want to tell you so you know
He is now banging his head like crazy. I bit my lower lip to control myself burst into laughter.
Here I go
Scream my lungs out and try to get to you
You are my only one
I let go
There's just no one that gets me like you do
You are my only, my only one
Nang matapos siya sa pagkanta ay ako naman ang kinulit niya. Sa huli ay pumayag na lang ako para matapos na. Bali salitan na lang daw kaming dalawa. Ang daming alam.
Hindi ako fan ng mga romantic stories pero mahilig ako sa mga love songs. Lalo na 'yong tipong nakakalungkot. Kaya naman ay gano'ng klase ng kanta ang pinili ko.
You're the one that never lets me sleep
To my mind down to my soul you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side I'm in ecstacy
I looked and was taken aback when I caught him staring at me already. He smiled, then wrapped his arm around my waist and pulled me closer to him. Nakaupo lang naman kasi kami.
My heart started to beat faster. Our faces were just inches apart. For a second, I find it hard to breath.
I'm all alone without you
My days are dark without a glimpse of you
Now that you came into my life I feel complete
The flowers bloom my morning shines and I can see
Buong buhay kong pinaniwala ang sarili ko na kumpleto ako kahit hindi namin kasama si Papa. Simula ng iwan niya kami ay sinanay ko na rin ang sarili na maging mag-isa.
Not until I met this guy in front of me. He made me realize that there is still a part of me that's missing. I can say that right now, he managed to fill-in that missing part.
Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like a river
That flows down through my veins
I feel the chill inside...
Nagpatuloy lang kami sa kantahan hanggang sa makaramdam na kami pareho ng pagod.
Pagkalabas namin ng Tom's World ay bumaba ang tingin ko sa suot na relo. Five thirty na pala ng hapon.
"Uwi na tayo?" tanong ko sa kanya
Umiling siya. ''Nope.'' He intertwined our fingers. ''We still have our last destination.''
Hindi na ko umimik.
Mayamaya pa ay naamoy ko ang pamilyar na amoy ng dagat. Nandito na pala kami sa seaside.
He jumped on the top of the bricks. Pagkatapos ay inalalayan din niya kong makaakyat at makaupo roon.
''I have been looking forward for this day to come. To watch and witness the view and beauty of the sunset with the girl I love.'' He turned to me and kissed my forehead.
Napaawang ang bibig ko. Pilit kong pinipigilan ang sarili na kiligin. Lalo na at hindi pa niya direktang sinasabi ang tatlong kataga na 'yon.
Because I'll be lying if I say that I didn't dream to hear those words from him.
But at the same time, I hope that I can tell him what I really feel, too.
Nanlalabo ang aking paningin habang nakatingin sa papalubog na araw. Kaya naman kinurap ko ang aking mga mata upang pigilan ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha rito.
Naiiyak ako. Hindi dahil sa lungkot, pero dahil sa saya.
Kaya lang ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot dahil may naidudulot din itong hindi maganda. Kapag nalunod ka na kasi sa kasiyahan ay paniguradong mas doble ng lungkot ang katapat nito.
Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang samut saring emosyon na nararamdaman ko ngayon. Sana lang talaga ay hindi ako nagkamaling ipagkatiwala ang puso ko kay Lance at maniwala sa mga pangako niya.
Dahil kahit gaano pa ko kasanay ay ayoko ng bumalik pa sa kadiliman na pinaglagakan ko sa sarili ko noon.