"Ayos ka lang? Anong tinitingnan mo riyan?"
Napaayos ako ng upo at napahawak sa kaliwang dibdib ko, nang dahil sa paglingon ko ay bumungad sa 'kin ang napakalapit na mukha ni Mia.
"Ano ba? Wag ka ngang nanggugulat!"
Napanguso siya bago umayos ng upo. "Ang weird mo kasi. Kanina ka pa nakatingin sa labas. Ano bang mayroon diyan?"
Napailing na lang ako nang sumiksik pa siya sa puwesto ko para makisilip sa bintana.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Kaya naman ay hindi ko napigilan ang mapatitig dito.
Ngunit dahil dito ay cut na naman ang klase namin ngayong araw. Binabaha kasi ang ibang parte ng school lalo na 'yong malapit sa kanal. Matagal na itong problema rito. Pero magtatapos na lang ako at lahat ay hindi pa rin nila ito nagagawang solusyunan.
Umuwi na ang iba sa mga kaklase namin. But Lance and I were still here in our classroom with our friends.
Noong una ay awkward sa pakiramdam dahil originally, ang best friend niyang si Ralph ang crush ko. Pero sadyang mahiwaga talaga ang mundo. Pati na rin ang nararamdaman ng bawat tao.
''Hatid na kita sa inyo, Shane. Baka lumakas pa lalo 'yong ulan, eh.''
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Hindi ko man lang namalayan na nakatayo na pala siya sa harap ko.
Sa totoo lang ay tinatamad pa talaga kong umuwi. Lalo pa at naulan. Isa pa ay gusto ko pa rin siyang makasama ng matagal.
Pero baka mas lalo nga kaming mahirapan mamaya.
"Uwi na rin tayo, Kim!" anyaya ni Mia kay Kim.
Napataas ako ng kilay. "Uuwi na ba talaga kayong dalawa?" nagdududa kong tanong sa kanila. Mahina naman akong siniko ni Lance.
Dahil inokupa maigi ni Lance ang isip ko nitong mga nakarang linggo ay nakalimutan ko na ang tungkol sa natuklasan ko sa dalawang 'to.
Naging mailap naman ang mga mata nila. "O-Oo naman. Saan pa ba kami pupunta?" Mahinang natawa si Kim. Pero halata naman ang kaba roon.
Nagkibit balikat na lang ako at hindi na nag-usisa pa. Saka ko na lang sila kukulitin kapag nahuli ko ulit sila.
"Kailangan ko na rin palang umuwi. May lakad pa kami nila Mama. Walang paawat kahit naulan," nakasimangot na sabi ni Ralph bago padabog na kinuha ang bag sa upuan.
Natawa na lang kami nang dahil sa inasta niya. Para siyang bata na pinagalitan ng magulang.
Pagkalabas namin ng gate ay agad kaming nagpaalam sa bawat isa at nagkanya-kanya na ng daan. Pero nagulat na lang ako nang biglang hawakan ni Lance ang kamay ko. Habang ang kabila naman niyang kamay ay may hawak na payong.
Kailan kaya ako masasanay sa ganito?
Tahimik lang kami ni Lance hanggang sa makasakay kami ng jeep. But I almost held my breath when suddenly, I felt his head resting on my shoulder.
Napatungo naman ako nang mapansin na pinagtitinginan kami ng iba pang mga pasahero. Bahagya kong siniko si Lance pero dedma lang ang loko.
Ang PDA talaga ng lalaking 'to!
Bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming mga kamay. Pilit ko itong binabawi pero mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkakahawak.
Napapikit na lang ako nang mariin at nanatiling nakatungo. Dati naman ay wala kong pakielam sa iisipin o sasabihin ng iba.
Pero ibang usapan na kasi ngayon!
Nagawa ko lang magsalita nang sa wakas ay makababa na kami.
"Lance, sa susunod wag ka naman masyadong PDA," sita ko sa kanya.
He gave me an innocent look. "Bakit? Wala naman tayong ginagawang masama, ah."
"Pero baka kasi kung ano ang isipin—"
Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. "Just don't mind them. We don't need either their approval or opinion. Hindi naman sila ang pakikisamahan natin kung hindi ang isa't isa."
Natigilan naman ako. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam na naman ako ng guilt dahil sa sinabi niya.
Hinawakan niya ulit ang kamay ko bago kami nagsimulang maglakad. "Don't forget to do your assignment, okay? Kapag mayroong parte na naguguluhan ka, I'm just one call away,'' he reminded.
That made me smiled. "Okay."
''Saka wag ka na rin masyadong magpupuyat, hah?'' Mababakasan ng pag-aalala ang kanyang boses.
I just shook my head at him. "Noted po." Hindi talaga siya nagsasawang paalalahanan ako palagi.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay namin ay nagpaalam na rin siya agad.
''Hindi ka man lang ba muna papasok? Bumiyahe ka pa kaya para lang mahatid mo ako," pagdadahilan ko pa. Kahit na ang totoo ay gusto ko pa siya makasama.
Umiling naman siya. "Hindi na. Sa susunod na lang siguro. I just want to make sure that you'll be home safe. Now, you go inside.'' He patted my head, then turned his back into mine.
I didn't think twice. I ran after him and hugged him from his back. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na inintindi kung may makakita man sa 'min at mag-isip ng kung ano. Hindi ko na rin ininda kahit pa mabasa ako.
''Shane, what's the—''
''Stay still. I just want to hug the man I love."
Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang takbo ng oras dahil sa dahan-dahan niyang pagharap sa 'kin. Kasabay nito ang pagkakabitiw niya sa hawak na payong. ''W-What?''
I cupped his face and looked straight into his eyes. ''I said, I want to hug the man I love.''
He scratches the back of his neck and inhaled sharply. ''Shane, what have you done to me?''
I was about to speak up when he sealed my mouth with a soft and gentle kiss.
It's our first kiss and under the pouring rain.
-----
"Happy first monthsary,'' he whispered from behind.
I almost jumped in surprise. I turn around and face him. "Bakit ba ang hilig n'yo na gulatin ako?"
He just laughed at me. His laugh that always serves as a music in my ears. ''Parang ang lalim kasi ng iniisip mo. Sa sobrang lalim muntik na kong malunod."
I shook my head. This guy is really unbelievable.
I leaned closer to him and pinched both of his cheeks. ''Happy first monthsarry.''
He held my hand and we started to walk to the terminal. Dito kasi kami nagkita sa waiting shed na malapit sa school.
Today is our first monthsary. This is also the day that I choose to meet his family.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang naging reaksyon niya no'ng sinabi ko ang plano ko sa kanya no'ng isang araw.
Happiness is evident all over his face. Sa sobrang saya nga niya ay nagawa pa niya kong buhatin! It's kinda embarassing dahil sa mismong open field pa ng school niya ginawa 'yon. Too many students saw that as well. It made me want right at that moment for the ground to swallow me.
But it is one of my unforgettable moments with him. Crazy and sweet.
Inabot ng mahigit kinse minutos ang biyahe namin bago kami nakarating sa kanila.
''You ready? Don't worry. I'm just here. I won't leave you and everything will be alright.'' He squeezed my hand the moment we stepped in front of their gate.
I took a deep breath and nod. ''Yeah. Let's go.''
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi naman gano'n kainit ang panahon pero nararamdaman ko na ang butil ng pawis na namumuo sa noo ko.
So, this is what feels like when meeting the parents, huh.
Pero bakit gano'n? Pakiramdam ko ay mas kabado pa ko kaysa kay Lance no'ng nagkakilala sila ni Mama. Isn't it suppose to be the other way around?
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ng gate ay natanaw ko na kaagad si Ate Shirley sa may pinto. Agad naman niya kong sinalubong at niyakap.
''I'm glad that you finally made it! Happy monthsary to the two of you! Come on. Lunch is ready.''
Sumunod naman kami sa kanya hanggang sa dining area.
Then there I saw the five of them. Including Ate Shirley.
Napalunok ako. Mas marami kasi ang makikilala ko. Hindi tulad ni Lance na si Mama at Clark lang.
''M-Magandang tanghali po,'' I greeted them with a big smile on my face. Stammering because I got conscious on the way they all stared at me as if I am under examination.
''Relax. Just be yourself. Your hand is shaking,'' Lance whispered then chuckled.
I controlled myself not to roll my eyes on him. How come I don't even realize that I was actually shaking?
''Hello, hija! I'm so glad that we finally meet the very first girl who hooked up our son's heart.'' She smiled at me and motioned us to sit.
Lance pulled a chair for me. I sit down as he took the chair to my right side. While Ate Shirley is on my left.
Lance's father, which I assume, is seated in the middle. His mother is in front of Lance. On my front is a young boy that seems like an elementary student. Beside him is a tall guy who looks like on his college year.
''By the way, I'm Linda, Lance's Mom." She pointed the man in the middle. "This is Lyron, his Dad. And I bet you already knew Shirley.'' She smiled.
I simply nodded.
''Then this young boy beside me is their youngest brother, Lemuel and the other guy beside him is the oldest, Lawrence."
Siniko ko naman si Lance. Nang wala akong marinig na kahit ano mula sa kanya ay nilingon ko siya.
Pero ang loko, ngingiti-ngiti lang sa tabi ko!
I have no choice but to smile at them as well. Kahit halos hindi na ko mapakali sa kinauupuan ko. ''H-Hello! I'm Shane Chrystelle Sandoval. Nice to meet you all po.''
Nginitian ako ng mga magulang niya habang tinanguan naman ako ng mga kapatid niya.
"Wait. Nasaan na ba ang kapatid mo, Shirley?" tanong ni Tita kay Ate Shirley habang nagpapalinga-linga sa paligid.
Ay, wow, Shane. Lakas maka-Tita.
"Ang sabi po niya—"
"Sorry, I'm late. May kinausap lang ako sa phone."
Mula sa kusina ay may lumabas na isang matangkad na lalaki. Inaaninag ko ang kanyang mukha dahil bahagya siyang nakatungo. Hanggang sa unti-unti siyang nag-angat ng tingin.
Napasinghap ako ng tumuon sa 'kin ang kulay tsokolate niyang mga mata. "Ikaw!"
Halata ang gulat sa mga kasama namin sa hapag kainan. Maging ako ay nabigla sa sarili kong reaksyon kaya agad akong humingi ng pasensya sa kanila.
"Sorry po."
"Teka, ano bang nangyayari? Magkakilala ba kayo ng kapatid ko, Shane?" hindi makapaniwalang tanong ni Ate Shirley.
What the hell? Kapatid niya ang supladong lalaking 'to?
No wonder that he looks familiar to me. Pinsan pala siya ni Lance!
"Nope. We don't know each other," walang buhay na sabi ng bagong dating at umupo sa kabilang dulo ng mesa.
Napunta naman sa 'kin ang atensyon ng lahat. Napabuntong hininga naman ako bago magsalita.
"Hindi po kami magkakilala. Pero nakasalubong ko na po siya no'n sa labas ng library kaya pamilyar po siya sa 'kin," paliwanag ko sa kanila.
Napatango naman sila. "Sabagay, kahit anong lawak naman ng school ay paniguradong nagkasalubong na nga kayo," natatawang sabi ni Ate Shirley.
Nakahinga naman ako nang maluwag. Pakiramdam ko ay nasa hot seat ako ngayon.
Nilingon ko si Lance na hindi umiimik. Kumunot ang noo ko nang mapansin na tila nawala siya sa mood.
Problema nito?
"Anyway, this is Dylan. My younger brother. Senior na rin siya like us. Do you wonder why we're all in the same year?" Ate Shirley asked.
Umiling naman ako.
Now that she mentioned it, I think about it before, too. Nakakalimutan ko nga lang itanong kay Lance.
"Late kasi akong nag-aral. Ayoko kasing nagpapaiwan sa school no'ng bata pa ko. Kaya ang nangyari ay sinabayan ko na lang 'tong kapatid ko."
Napuno ng tawanan ang buong kusina. Maging ako ay hindi ko naiwasan ang matawa. Hindi ko lang kasi ma-imagine si Ate Shirley na ayaw magpa-iwan sa school. Lalo pa at sa ngayon ay siya ang Student Council President namin.
Pagkatapos ng nakakatensyon na pagpapakilala ay nagsimula na kaming kumain. Kasabay nito ang pagbabato nila ng mga tanong sa 'kin.
Habang si Lance naman ay nagpipigil lang ng tawa sa tabi ko.
Bipolar ba 'to? Ang bilis magbago ng mood, eh.
"What about your family? Please tell us about them,'' his dad asked.
Uminom muna ko ng tubig bago magsalita. "My parents were separated and I don't know where my father is right now. While my mother is a branch manager of a fast food chain. I have a younger brother whose a sophomore student," magalang kong sagot.
''Oh, sorry to hear that. Your mother must be working so very hard to give you and your brother a good life. I salute those kind of mothers, you know.'' Bakas ang paghanga sa mukha ng Mama ni Lance.
I felt Lance held my hand, which is on my lap. Somehow, it made me feel at ease.
"Please call us Tito and Tita from now on. You can treat as us your family as well," dagdag pa ng Mama niya.
''Oo nga. You can also call me Ate. Okay?'' Ate Shirley interrupted.
''As you can see, I am surrounded by these irritating boys here at talaga namang nagsasawa na ko sa kanila.'' Napaubo naman 'yong mga lalaki.
''Besides, I really want to have a sister!'' Napapalakpak pa siya. She looks really cute.
''T-Thank you."
Nang matapos sa pagkain ay masaya naming ipinagpatuloy ang kuwentuhan. Tanging ang Kuya lang ni Lance at 'yong Dylan ang hindi ko nakausap.
But his parents, Ate Shirley and Lemuel were all cool. Parang sina Mama at Clark lang. Ang gaan agad ng loob ko sa kanila.
His mother even tour me around especially to their garden. We've spent a lot of time there. Hanggang sa namalayan ko na lang na gabi na pala. Masyado kasi akong nawili sa pakikipag-usap sa kanila. Which is very unlikely of me.
Hindi man madalas na sumasama sa usapan namin si Lance ay hindi naman siya umalis sa tabi ko. Madalas ko rin siyang nahuhuli na nakatingin at nakangiti sa 'kin.
I can't help but to feel glad that I made him truly happy.
''Alis na po ako, Tita. Gabi na rin po kasi, eh," paalam ko sa Mama ni Lance.
Napatingin siya sa labas. "Naku, oo nga. Sige at baka hinahanap ka na rin ng Mama mo. Pero sana ay makabalik ka ulit dito, hah. I am very fond of you, Shane. I really like you for my son. The two of you looks good together.'' She held my hand.
"Thank you po. Wag po kayo mag-alala. Babalik po ako rito.''
Tumayo at lumapit na rin ako sa iba para magpaalam.
Lance intertwined our fingers and whispered beside me. ''I told you. It'll be alright.''
Napatango naman ako sa kanya. "Thank you." I mouthed.
Paalis na sana kami ng bigla akong tawagin at yakapin ni Tita Linda. ''Welcome to the family, Shane.''
I felt my eyes sting. But I blinked it away.
For the very first time in my life, I feel like I belong to a complete family.
It's all thanks to Lance.