Matapos kumain ni Monique ng dalawang subo ng kanin at ulam lamang naman yata ay nag madali na itong umakyat ulit pabalik sa kaniyang silid, naiiling na sinundan na lamang niya ng tingin ang dalaga na hindi na pinansin ang offer niyang samahan ito pa akyat, wala na rin naman siyang nagawa kundi tapusin nalang ang pagkain. “Girlfriend mo ba yon iho? Aba kay gandang bata.” Bahagyang nagulat si Samuel sa biglang pag sulpot ni nana Mila sa tabi niya, kasunod din nito si Aisa. “Oo nga Samuel, ang ganda niya at mukhang mabait.” Dagdag pang sabi ni Aisa, natawa naman siya sa sinabi nito. Well, mabait naman talaga si Monique iyon nga lang ay kailangan pa munang hulihin ang ugali ng dalaga. “Mabait ho ba? Naku mukhang mahabang debatehan pa po ang usaping iyon.” Naka tawang biro ni Samuel, pi

