Ilang minuto pag tapos ng alas otso, kasalukuyang pa ring nasa dining si Samuel at abalang nilalantakan ang dessert na macaroni salad na gawa ni Aisa nang marinig niyang may tao sa labas. Hindi na nag isip pa si Samuel kung sino iyon dahil isang tao lamang naman ang inaasahan niyang pupunta sa bahay niya ngayon, Monique. Malaki ang ngiti na agad na tumayo si Samuel mula sa pag kakaupo sa silya na nasa dining room at walang pag dadalawang isip na iniwan ang kinakaing masarap na dessert para salubungin si Monique. Nakita niya naman agad ang dalaga na abala sa pag tingin tingin sa kabuuan ng kaniyang bahay, ang malaking ngiti sa mga labi ni Samuel kanina nang malamang dumating na ang kanina niya pang hinihintay ay agad na napalitan ng pag simangot nang makita ang uri ng damit na suot ni Mo

