Kinaumagahan, maagang nagising si Samuel. Paano ba naman kasi, hindi pa man yata tumitilaok ang mga manok ay binulabog na siya ng katok sa pinto ng kaniyang silid ng kaniyang kasambahay na si Aisa para sabihin sakaniya na nasa baba daw sina Anthony kasama ang asawa nitong si Bea. Heto tuloy siya ngayon at nag mamadaling mag hilamos, mukhang nahihilo pa nga siya dahil marahil sa bigla niyang pag bangon mula sa masarap na pag kaka higa sa kama. Ano naman kaya ang kailangan nina Anthony sakaniya ngayon at pinuntahan siya sa kaniyang bahay ng ganito kaaga? Samuel wondered idly na sa huli ay ipinag kibit balikat nalang, tiyak naman na malalaman niya rin mamaya pag baba niya. Sa halip na mag isip pa ay binilasan nalang ni Samuel ang kilos, mayamaya pa ay lumabas na rin siya para harapin ang k

