Mag gagabi na ay naroon pa rin si Samuel sa bahay nina Angel, masyado siyang na lilibang sa bagong silang na sangol, kanina niya pang karga ang bata at parang ayaw nang ibalik sa nanay na kanina pa ring pabalik balik sa kinaroroonan niya para kunin sana ang bata mula sa kanya. “Dito ka nalang mag dinner kuya.” Napalingon siya ay Angel mula sa pag titig sa sangol, bahagya lang siyang umiling sa kapatid para iparating dito na ayaw niyang maki kain, nakita niya pa ang saglit na pag simangot ni Angel, hindi niya nalang pinansin ang kapatid sa halip ay itinuon nalang ulit ang pansin sa kargang baby na ngayon ay tulog na tulog na. Well sa reaksyon ni Raymond nang makita siya nito kanina Samuel figured na mas mabuti na ang umiwas nalang dahil hindi maganda kung magka pikunan pa sila ng asawa n

