.
.
Tinanghali ng gising si shaina dahil matagal siyang nakatulog kakaisip sa mga nangyare nung nakaraang araw. Nagmamadali siya maligo at dumertso na agad sa paaralan. Muntik na siyang malate kung tumagal pa siya ng ilang minuto. Medyo terror pa naman ang kaniyang prof sa first subject niya ngayon. Dumiretso siya sa kaniyang upuan na naka pwesto sa pangalawang helera sa dulo sa tabi ng bintana. Hindi sila magkaklase ngayon ni Marie sa subject na ito.
.
.
Hindi nag tagal ay pumasok na ang kanilang Prof habang may naka sunod na isang lalaking mukhang wala sa mood. pumuwesto ito sa harapan at sinabi ng prof nila na transfer student ito, Nagpakilala ito bilang Brent Hill. At dahil halfway na ng School year ay halos wala ng upuang bakante bukod sa upuan sa tabi ni shaina, kaya doon pina upo ng prof nila si Brent. Naglakad ito papunta sa tabing upuan niya na para bang walang nakikitang mga tao sa paligid niya. Pag upo nito ay Agad na umob ob ito sa lamesa ng upuan na para bang walang balak makinig sa ituturo ng guro sa harapan.
.
.
Buong durasyong ng klase ay natulog lang ata ang bago niyang seat mate. nag aayos na siya ng gamit upang tumungo sakaniyang sunod na klase ng makarinig siya ng tunog ng cellphone. Umupo ng ayos si brent at hinanap ang kaniyang cellphone upang sagutin . naka kunot ang mga kilay nitong biglang tumayo at deretsong lumabas ng classroom. Nang mawala sa kaniyang paningin ang binata ay naka rinig siya ng bulungan. Dahan dahan siyang naglakad palabas ng classroom habang nakikinignsa mga kaklaseng niyang babae na pinaguusapan si brent.
.
.
omg girls siya yun ! iyong bagong model ngayon na pinag uusapan sa i********:!
yeah ! my sister was pair with him in one of there shoot.
he's so hot sa personal! may panty almost laglag na !.
bahagyang natawa si shaina sa huling salita niyang narinig. dumeretso na siya sa kaniyang sunod na klase. magkaklase sila ngayon ni marie sa history, pagpasok ppalang niya ng pinto ay lumapit na sakaniya si marie at kinawit ang mabraso nito sakaniya na parang tuko. Best! hindi ko natapos yung essay what should i do ? baka ibagsak ako ni ma'am! histerical nitong ani sakaniya habang patungo sila sakanilang upuan. sige patingin ako ng naumpisahan mo para maduktungan natin. meron pa namang sampung minuto bago dumating si ma'am.
.
.
Nagmamadaling pinakita ni marie ang kaniyang essay na hindi manlang umabot ng limang pahayag. Naiiling si shaina habang inuumpisahang dugtungan ang natapos ng kaibigan. Buti nalang talaga may best friend akong super bait at talino. pumapalakpak pa nito sabi sakaniya. wag mo nakong bolahin eto na nga at ginagawa na. wag ka nalang maingay at di ako makapag focus. nakita naman niya sakaniyang gilid ng mata pag pag zipper nito sa sariling mga labi senyales na mananahimik na siya. Hindi nagtagal ay natapos din niya ito bago pa dumating ang kanilang prof. sa history.
.
.
Mabilis lumipas ang araw. Simula ng may nangyare kay shaina at anton ay ginagawa ni shaina ang lahat upang maiwasan niya ang binata. Ngunit kahit ganoon ay may dumarating na pagkain sakanya sa tuwing oras ng break na ayon sa guard ay galing daw kay Anton. Bukod doon ay nagkaroon din si Shaina ng bagong kaibigan sa school, Si brent. Hindi man sabihin ng kaniyang best friend ay alam niyang may gusto ito sa kanilang bagong kaibigan. Nag simula silang maging mag kaibigan nang pinagkakaguluhan si Brent sa school pero may biglang dumaan sa gitna nila na para bang hindi sila nito nakikita. Katext ni Shaina si Marie ng mga panahon na iyon kaya hindi niya napansin na nasa gitna na siya ng mga school mate niya na pinalilibutan si brent. Laking gulat niya ng bigla siyang hilahin ni brent at sinabing bakit ngayon ka lang ? kanina pa kita inaantay. bahagyang nagulat pa ang dalaga pero hindi na siya nakapalag ng dere-deretso siyang hinila ni brent patungo sa lugar na hindi masyadong crowded. Nang matauhan si shaina ay hinila nya ang brasong hatak hatak ni brent sabay sabing hey bitaw! hindi nga tayo close tapos kung maka hila ka akala mo magkakilala tayo. Natulala si brent sakanya. First time na may mag sungit na babae sakanya. bago pa siya maka kibo ay namalayan niya nalang na palayo na ang dalaga sumilay ang napaka ganda ngiti sakanya.