Chapter 10

678 Words
. Naglalakad sila shaina at marie patungo ng cafeteria dahil may 1hour break sila ngayon. Masayang nag ku-kwento si marie kay shaina ng mga detalye sa magiging birthday party niya ng biglang may umakbay sakanilang dalawa ni shaina. Natigil sa pag sasalita si marie at bahagyang namula ang magkabilaang pisngi. "oh ? ba't bigla kayong tumahimik? ano bang pinag uusapan niyo?" nagtatakang tanong ni Brent sa dalawang dalaga. " Ahh, birthday na kase ni Marie sa sabado, nag ku-kwento lang siya ng ibang details sa party niya" balewalang tugon ni shaina. " uyy ! hindi ba ako invited dyan ? " " ofcourse ....... NOT !" "why not? ayaw mo ba ng bisitang pogi ? " duhh ! you're not pogi kaya, baka mamaya maumay ang mga bisita ko hindi maka kain." " ansama neto, sabihin mo lang baka kamo mag ka gulo mga bisita mo dahil may bisita kang pogi " "heppp!! tama nayan. lagi nalang kayo nag aasarang dalawa para kayong mga bata, " sabat ni shaina. nauna na ngaglakad si shaina sa dalawa dahil feeling niya ay hindi padin titigil yung dalawa sa pag aasaran. Medyo gutom nadin kase siya dahil hindi siya naka kain ng almusal kanina dahil napuyat siya sa project nila at tinanghali magising kaya nag mamadali siya pag pasok kanina. Pagkarating nila sa cafeteria ay umorder ka agad niya ng kanin at gulay na ulam. "ambilis mo naman mag lakad miss sungit." sabi ni brent kay shaina ng maabutan siya ng mga ito sa may counter. " gutom na kase ako " maikling tugon lang ni shaina. Huling subject na nila bago ang uwian ng makatanggap ng tawag si shaina galing sa mag asawang gray medyo matagal na ng huli sila makapag usap ng ginang kaya para nakaramdam ng saya si shaina ng makitang tumatawag sakanya ang ginang. "hello po tita? " nung huling beses na magkita sila ay pinilit siya ng ginang na palitan ang tawag nito sakanya ng tita at tito naman sa asawa nito. " shaina, hija. kamusta kana ? busy kaba ngayon ? " " ahm, nasa school po ako ngayon, pagkatapos ko po dito ay deretso napo ako sa trabaho. bakit po ?" " would you mind if mag dinner tayo ngayon ? ako bahala mag sabi kay anton. Kasama naman din siya sa dinner mamaya." sandaling napa isip si shaina ng isasagot dahil kasama ang kaniyang boss sa magiging dinner mamaya. pero mas nangi babaw ang pag miss niya sa ginang kaya napag desisyunan niyang pumayag nalang. alas y medya sila magkikita sa isang mamahaling restaurant kaya ng mag uwian ay agad siyang mag paalam sa mga kaibigan na mauuna na siya dahil may pupuntahan pa siya. Sakto namang nag mamadali din si brent sa pag alis na pinagtaka nila ni marie. Pag ka uwe niya ng bahay ay naligo siya agad. Medyo nahirapan lang siya mamili ng isusuot na damit. ayaw niya kaseng mag mukhang out of place siya dahil mayayaman ang makakasama niya sa dinner. Naala niya bigla ang mga damit na pinamili nila ni aryana. Binukod niya kase ang mga iyon sa mga damit na ginagamit niya sa araw araw. Kinuha niya ang isang Dark green na dress na hindi lalagpas sakanyang tuhod. simple lang iyon at wala masyadong design pero mahahalata mo na mahal ito dahil sa tela . pinaresan niya lang ito ng isang flat shoes na binili rin nila ni aryana. Pagkatapos niyang mag bihis ay inayos lang niya ng kaonti ang kaniyang mukha at buhok tapos ay tumungo na siya sa restaurant na pagkikitaan nila para sa dinner. Dumating siya sa restaurant ng sampung minutong maaga sa napag usapang oras pero nakita niyang may dalawang tao ng naka upo sa lamesa. Medyo kinakabahan si shaina ng palapit na siya sa mga ito dahil alam niyang si anton ang isang naka upo doon. Habang palapit siya ng palapit ay parang namumukaan niya ang kasama ni anton na naka upo doon, Nakumpirma niya ang hinala ng marating niya na ang tapat ng mesa. "B-brent?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD