Kabanata 67

1865 Words

Tuluyang nawala ang puwing sa mga mata ko, naanod yata. Bigla na lang kasing pumatak ang mga luha ko nang makita ang bayolenteng lalaki na sumugod kay Joel. Hawak na rin nito ang kwelyo ng kaibigan ko. Si Danny. Ang asawa ko na nagmukhang sinaunang tao dahil sa mahabang buhok at balbas. Puro paglalasing na nga lang yata siguro ang ginagawa niya, kaya pati ang pagiging tao ay nakalimutan na niya. Tingin ko nga sa kanya ngayon ay leon na malnourish. Kawawa, gusto ko tuloy agad siyang yakapin. Pakainin at paliguan. Ang dugyot kasi. "Walang hiya ka! Matapos ng ginawa mo kay Arrianne, may lakas ka pa talaga ng loob na lumapit sa kanya," nang gagalaiti nitong sabi. "Isa ka rin namang walang hiya!" tugon ni Joel. Hawak-hawak niya na rin ang kwelyo ni Danny. " 'Wag kang umasta na matino!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD