Hindi maalis ang ngiti ko habang tanaw ang kambal na masayang naglalaro sa dalampasigan. Kaarawan kasi nila ngayon. Seven years old na sila. Nakakalungkot dahil hindi pa rin namin kasama ang Daddy nila sa araw na ito. Ang dami na talaga niyang na missed na kaganapan sa buhay namin. Ano pa nga ba ang magagawa namin. E, 'di magpatuloy sa buhay, kahit wala siya. Ang sarap pakinggan ang mga tawanan nila. Mabuti na lang at dito sa beach naisipan naming mag-celebrate ng kaarawan nila. Sakto naman kasi na walang pasok dahil sabado. Bonding na rin namin 'to, kasi nga, hindi na kami madalas makakalabas dahil mayro'n na kaming bungisngis na baby na inaalagaan. Napatingin ako sa baby ko na kasalukuyang dumedede. Parang kilan lang nong nanganak ako at puro iyak pa lang ang naririnig ko na ginagawa

