Arrianne POV "Arrianne, halika na. Kain na," tawag ni Ate Mercy. "Nand'yan na po," matamlay kong tugon. Buntong-hininga ang kasabay ng pag-upo ko. "Alam mo, Arrianne ang OA mo na, lagi ka na lang gan'yan. Nakakalito ka rin. Dapat nga ay natutuwa ka dahil mabait na si sir Danny sa'yo," dada' niya habang inaabot sa akin ang ulam. "Ang tamlay mo. Kapag gan'yan ka, iisipin ni sir na hindi ka pa nga magaling. Ikaw din, mas matatagalan ang pahinga mo." Napasimangot ako. "Paanong hindi ako magiging ganito. Wala na akong ibang ginawa rito kun'di umupo at tumunganga. Mas magkakasakit ako nito, Ate Mers!" maktol ko. "Kita mo 'yang ugali mo, ikaw na nga ang inaalala ng mga boss natin. Ikaw pa ang may ganang magmaktol. Kami nga, e gusto na ring magkasakit para maranasan din namin ang umupo at

