ARRIANNE POV Byudo at may mga Anak? Ano ngayon? Matinong tao naman siya. Naging lasinggo pero dahil naman sa nawasak ang puso niya. Patunay lang 'yon na matindi siyang magmahal. Kaya talagang maswerte ang babaeng mamahalin niya. Nasa kan'ya na kaya lahat. Guwapo, mayaman, may mala nokia 5110 sa tigas na abs, at higit sa lahat buang. Saglit akong napangiti. Ano ba ang nangyayari sa akin. Dati, asar na asar ako sa pagkabuang niya. But now I find it cute and sweet. Sekreto kong nakurot ang sarili. Hindi ko na rin kasi maintindihan ang sarili ko. Simula kasi no'ng mapindot ko ang abs niya ay nag-iba na ang takbo ng isip ko. Iyong mga kilos niya na kinaiinisan ko dati ay biglang sweet na ang dating sa akin ngayon. Hibang na rin yata ako. Alam kong hindi dapat, hindi tama. Boss ko siya.

