I wasn't in the mood, so I remained silent while helping Lena in the kitchen. She was preparing a meal for Sir Danny and me. "Ma'am, ayos ka lang po ba?" tanong niya. Sandaling sulyap ang kasabay ng tanong niya. Kanina ko pa talaga napapansin na panay ang sulyap niya sa akin. Ngayon ay talagang hindi na nga siya nakatiis at nagtanong na. Ngumiti ako. "Ayos lang, " tipid kong tugon matapos ang sandaling sulyap sa kan'ya. Tipid din siyang ngumiti at napapailing pa. "Ma'am, 'wag mo po sanang masamain, ha ... pansin ko kasi na parang may problema kayo ni Sir Danny. Pareho kayong laging tahimik at madalas tulala." Muli na naman akong napangiti dahil totoo naman kasi na madalas nga talaga kaming tahimik at tulala ni Sir. 'Yong pagkukunwari naming lambingan noon ay hindi na naulit. Paki

