Ella's PoV:
I groaned nang marinig ang pagtunog ng alarm clock. Argh. May pasok pala ngayon.
Unti-unti kong binuksan ang aking gorgeous eyes. Napansin kong wala na pala ang makulit na babaeng yun.
Tss. Mabuti nga yun at hindi ako mababad-vibes sa umaga. Geez. Nasisira ang araw ko sa kanya.
Minutes later, I decided to get up now at nagsimula na ring mag-ayos. I wore our usual uniform at light makeup lang. Duh, I'm maganda na kasi kaya no need na magpatrying-hard sa mga heavy make-up.
I scanned the surrounding at mukha ngang nauna nang umalis si Erin.
Gosh. Bakit hindi man lang nya ako ininform kanina? Or ginising man lang ako?
'Bakit? Required ba yun ha?' Sabat ng mahadera kong utak. I mentally rolled my eyes.
Hindi naman pero kasi--- aish. Wag na nga. Dapat hindi ko na sya iniisip pa.
I sat down at sinimulang kainin ang iniwan ni Erin. Yup, nag-iwan sya nito. May note pa ngang kasama.
"Eat this. Nauna na akong pumasok. May gagawin pa kasi ako eh."
-Erin Cute
Halos masuka ako sa panghuli. Really? Cute sya? Pwe. Pwede na ri-- I mean hindi! Pangit sya. Kumalma ka nga Ella.
Napailing na lang ako sa kawalan bago pinagpatuloy ang aking pagkain. I can say na masarap talaga syang magluto. Infairness, may care rin pala sya sa akin kahit na sinusungitan ko sya palagi.
Or maybe not?
Wait. What if may poison or something na hinalo sya rito sa food? My eyes widen in shock. Pero mukha namang mabait ang isang yun. Hindi nya naman siguro magagawa yun diba?
Napatingin naman ako sa mga babies namin ni Erin. Medyo tanggap at kini-claim ko na ng kunti. I'm still a little scared of dogs.
They're still sleeping at ang cute nilang tignan sa totoo lang. I decided na dagdagan pa ang food nila. Mas maganda na yung sobra kaysa naman sa kulang.
Lumabas na agad ako ng unit dala ang wallet, cellphone, at bag. Of course, I didn't forget to took a last glimpse of myself on the mirror.
Mygoodness. Ang ganda mo talaga Ella. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero I'm really gorgeous. Isa akong dyosa.
Agad akong sumakay sa aking kotse. In no such time, I reached the parking lot of our University. I gathered my things first bago tuluyang bumaba.
Ramdam na ramdam ko ang mga tinging ibinibigay sa akin ng mga kapwa ko students. Pati na rin ang bulungan. Oh well, I can't blame them naman. I'm so fab kasi.
Of course, mawawala pa ba ang mga basher s***h hater? Sa totoo lang, wala akong paki sa kanila tss.
Suddenly, isang estudyante ang humarang sa dinadaanan ko. Automatic na napataas-kilay ako bigla.
Who the f**k is this guy? And how dare him to interrupt my fashion runway walk? Ugh! Super kairita.
"Goodmorning Miss Ella. Flowers for you." Nakangiting saad sa akin ng lalaki. Napatingin naman ako sa hawak-hawak nya ngayon.
Really? Flowers? Mukha ba akong patay sa paningin nya?
Napaismid ako bigla sa aking naisip. "Hindi ko matatanggap yan dahil unang una, hindi ako patay. So if you excuse me, may kailangan pa kong gawin." Mataray kong saad.
I was about to walk away when he held my wrist. Napaalma ako bigla. Talagang sinusubukan ako ng lalaking to ha.
"Get your filthy hands off me! " At marahang tinabig ang kanyang kamay. Isang matalim na tingin muna ang ibinato ko sa kanya bago ituloy ang naantala kong paglalakad.
He should be thankful dahil maganda ang gising ko kanina. Kung hindi, baka nakatikim na sya ng mag-asawang sampal tss.
_____//_____
Mabilis umusad ang oras at hindi ko namalayan na break time na pala. Geez. Marami kasi akong ginagawa kaya hindi ko masyadong napansin ang oras.
But I can managed it naman kaya ayun, I'm still gorgeous.
I gathered my things up atsaka tumayo. I decided na pumunta sa private room naming apat. Well, hindi naman sya kalayuan sa room ko kaya keri lang.
Hindi ko maiwasang mapaismid nang makapasok ako sa private room namin.
What a sight!
I can see Athena with Xyzrielle na halatang naglalampungan sa couch. I can say that they really love each other. Bilib din ako kay Xyzrielle dahil napaamo nya si Athena.
Napatingin naman ako kay Stacey. Tutok na tutok ang atensyon nya sa kanyang cellphone. Napataas-kilay ako bigla nang makita na napakalawak ng ngiti nya and she's also biting her lips.
Kinikilig ba ang isang ito? I guess yung isang kaibigan nila Erin ang kausap nya.
I wonder kung nasaan si Jared. Kanina ko pa sya hindi nakikita eh.
"Bulaga!"
"f*****g s**t!" I cursed out. Nasapo ko bigla ang aking dibdib. I gave him my famous death glare ngunit tumawa lang sya.
"Ang galing ko manggulat diba?" Tanong ni Jared sa akin. I hissed at napairap na lang sa kawalan. Maloko talaga kahit kelan.
"Ugh. Makaalis na nga rito!" At padabog na naglakad papalabas. Makapunta na nga lang ng cafeteria.
While walking, hindi ko maiwasang mapalinga-linga sa paligid. Napakunot-noo naman ako bigla.
Nakakairita naman. Bakit nagkalat ang mga love birds ngayon? Hindi pa naman Valentine's Day ah. Mygoodness. Ang sakit nila sa mata.
Eto na ba ang sign para humanap na ako ng jowa? Baka naman may kakilala kayo dyan na single. Pakireto naman sa akin. Of course, dapat maayos. Duh.
"Monster Ella!!!" Sigaw ng kung sino.
Mas lalong kumunot ang noo ko sa narinig.
Sinong lapastangan ang tumawag ng monster sa pangalan ko? I know marami akong kapangalan but I don't care.
Nangigigil na bumaling ako sa direksyon ng taong sumigaw. And there, I saw Erin na humahangos papalapit sa akin.
"Argh! Ang lakas ng loob mong tawagin akong monster?!" Asik ko sa kanya. I saw how she gulped. Yan, dapat lang na kabahan ka Erin Panget.
"S-Sorry na Ella. Gorgeous kasi dapat yun. Hindi ko alam kung bakit naging monster bigla ang nasigaw ko." Paliwanag nya sa akin at nagpeace-sign pa.
Napairap na lang ako sa kawalan. Lokohin mo lelang mo. Tss. Halata namang palusot.
"Look, Ano bang kailangan mo? Talagang ininterrupt mo pa ako sa paglalakad." Mataray kong turan. Nakita kong napakamot sya sa kanyang ulo.
"A-Ano kasi... Here." At inilabas ang isang box. Nanlaki bigla ang aking mata. "Peace offering ko."
I composed myself. Really? Peace offering?
"Mukha ba akong santo sayo para bigyan ng peace offering na yan?" Balik estrahada ko sa kanya. I was expecting na mahuhurt ang ego nya but instead, she just chuckled at me.
"Infairness, marunong ka palang magjoke ha. Peace offering ko to para sa kahapon." Natatawa nyang saad. Okay...that explains though.
"Don't worry, alam ko namang magugustuhan mo ito." Dagdag pa nya at dahan-dahang binuksan ang box.
My mouth went agape in shock. Gosh. It's my f*****g favorite! Brownies.
But no. Kahit gustong-gusto ko nang kunin yun agad, I need to stay still. Pilitin nya muna ako. Duh.
"Na-uh. Ayaw ko nga." I said at nagcross-arms pa. Nakita kong napanguso bigla si Erin. Ang cute--- hindi I mean, oo para syang takure dahil sa nguso nya.
"Hmm... Okay lang." Kalmado nyang saad. Napataas ang isa kong kilay.
Ugh. Hindi nya man lang ba ako pipilitin na kunin yon? Mygoodness.
"Ibibigay ko na lang to kay---"
"No freaking way!" Mabilis kong asik at hindi na sya pinatapos pa.
Did I heard right? Ibibigay nya na lang ito sa iba? No way! Sa akin ito diba? Bakit nya isheshare sa iba?
Ang akin ay akin lang. Tss. Sino naman kayang poncio pilato ang pagbibigyan nya nito bukod sa akin?
"Akin na nga yan." At agad na hinablot ang box na dala-dala nya. 2 box ng brownies yun actually. I saw in her eyes na nagtataka sya sa nangyayari but I don't care.
"Pero diba sabi mo kanina aya---"
"Shut up! Hindi ba pwedeng nagbago bigla ang isip ko?" Napatango-tango naman sya.
"Relax ka lang. Ang sungit agad. Magkasalubong na naman yung dalawa mong kilay oh." Magiliw nyang saad sa akin.
In an instance, namalayan ko na lang na nakapatong na pala sa aking balikat ang kanyang kamay. She's gently caressing my shoulders. Gosh. Hindi ko man lang namalayan.
Ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng puso ko habang nakatingin sa kanya ng diretso. Ano na bang nangyayari sa akin?
"Sige na nga, aalis na rin ako. May paupuntahan pa ako eh. See you later." She said.
Wait. Aalis na si Erin? Saan naman sya pupunta? As far as I know ay break time rin nila ngayon. Don't tell me, pupuntahan nya yung pagbibigyan nya sana nitong brownies?
Napakuyom ang aking kamao. Argh hindi pwede!
I just have the urge na hindi sya dapat makipagkita sa iba. Lalong-lalo na kung babae. Knowing Erin, sabay lang sa trip ang isang ito eh. Hindi nya alam na nakikipaglandian na pala sya tss. Ang sarap nilang pag-untugin.
Papaalis na sana sya when I held her wrist tightly.
"Don't leave. Sumama ka na lang sa akin." At marahang tumalikod. Well, alam ko namang susunod sya sa akin eh. Masasapok ko sya kung hindi.
Hinayaan ko na lang ang aking paa na gumalaw sa kanyang gusto. And here we are, sa garden ng school. Maganda na rin dito. Maganda ang ambiance at ang peaceful. Tamang tama at walang students ngayon. Maso-solo namin to ngayon ni Erin.
We sat on one of the bench there. We prayed first bago sinimulang kainin ang brownies.
Halos mapahiyaw ako when I took the first bite. Gosh. Hindi pa rin talaga sya nagbabago. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakaka-kain nito kaya I hope you get my reaction.
"You liked it?" Nakangiting tanong ni Erin. Masayang napatango ako. Infairness, may nagawa rin sya na nasiyahan ako ha.
"So, ito ba yung ginawa mo kaninang umaga?"
"Yeah... Malayo-layo pa kasi ang bilihan nyan kaya maaga akong umalis." She answered. Napakagat-labi ako bigla. Hindi ko ini-expect na gagawin nya to sa akin.
"Wait. Kinain mo ba yung iniwan ko kanina?"
"Ah, yeah." Saad ko.
Oh damn. Oo nga pala. Alam ko na ngayon kung bakit ako nagkakaganto. Maybe, may something syang nilagay sa pagkain para magkaganto ako.
We started to eat in silence. Comfortable naman ang atmosphere at napakagandang tignan ng paligid.
"Erin here, tikman mo to." I said at tinapat ang isang flavor ng brownies. I can say na masarap sya. She took a bite.
"Wow! Ang sarap nya ha. Buti na lang talaga at 6 box ang binili ko." Halos magningning ang aking mga mata sa narinig.
"Really? You're not joking right?" Paninigurado ko sa kanya. Gosh. So that means, may apat pang natitira?
"Yup. Iniwan ko lang muna sa locker ko. Don't worry, sayo lahat yun kapag dumating ako mamaya sa bahay." She said. I can't wait to get home now. I'm super excited kasi.
Suddenly, I felt the urge of drinking something.
"Wala ka man lang bang dala na drinks ha?"
"Nope. Hindi ko naman alam eh but here." She said at iniabot ang isang sprite in can. Napataas ang isa kong kilay.
"What's wrong? Malinis naman yan atsaka wala akong sakit."
"Tss. Hindi yun ang inaalala ko. Don't you know indirect kiss huh?" Tanong ko. Yes, yan ang tinutukoy ko. Nakita kong napatawa naman sya bigla. Nababaliw na ba sya?
"Really? Talagang iniisip mo yun? Ilang beses na nga tayong nagkiss eh. At take note, hindi lang yon smack." She said. Pakiramdam ko'y nag-init ng husto ang aking mga pisngi.
The nerve of this girl. Argh Nakakaasar!
_____//_____
Excited akong umuwi ng condo unit ni Erin. Dumiresto na agad ako rito pagkatapos ng dismissal time. I was expecting her here pero wala akong naabutan ni anino nya.
Napasalampak ako sa couch. Relax Ella. Baka naman natraffic lang.
I composed myself and decided to wait for her. Pero ilang minuto na ang nakakalipas, wala pa rin sya dito. Napacrossed arms na lang ako sa kawalan. Saan na naman kaya nagpupu-punta ang isang yon?
Suddenly, I heard the door's creaking. Unti-unti kong nasilayan si Erin. She's still in our uniform.
"Andito ka na pala Ella." Nakangiting ani nya sa akin. Napababa naman ang tingin ko sa hawak-hawak nya. At hindi nga sya nagsisinungaling sa sinabi nya kanina.
Naningkit bigla ang mata ko at dahan-dahang naglakad papalapit sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"A-Ano... May pinagawa pa kasi yung prof namin."
Agad kong hinatak ang kanyang kwelyo. "Are you telling the truth? O baka naman may stop-over ka pa?" Paninigurado ko sa kay Erin habang matamang tinitignan ang kanyang mata.
Don't get me wrong. Gusto ko lang talagang makain yung brownies kaya ganto ako.
I saw how she gulped. "A-Ano bang sinasabi mo dyan? I swear, wala akong ginawang iba. Dumiretso na agad ako dito when I'm done."
I'm still staring at her intently while examining her features. Wala rin akong naamoy na ibang pabango sa kanya. It's just her addictive and intoxicated scent.
Mukhang nagsasabi sya ng totoo.
Hindi ako nag-atubiling halikan sya malapit sa kanyang labi. Dahan-dahang akong lumayo at kinuha ang bitbit nya.
Well that's her reward dahil behave sya.
Sayang. Dapat pala sinakto ko na sa lips nya.