Erin's PoV:
Panaka-naka akong tumitingin dito sa katabi ko ngayon. She's looking outside at hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin sya. Hmm... I wonder why.
I took a glance on the back seat at tahimik lang din naman ang mga doggies ko. Behave sila. Ang cute talaga nilang dalawa. I put seatbelt on them para sure.
I heaved a sigh at binuksan ang radio para naman mabawas-bawasan ang katahimikang namamayani.
Binabaliw ako ng selos
Di ko man aminin
I continued driving habang nakikinig. Infairness, ang ganda ng song ha. Masearch nga mamaya yung title. Iaadd ko sa playlist ko.
Selos, selosa
Selos, selosa
Hindi pa natatapos ang chorus nang mawala ito bigla. I noticed na isang kamay pala ang nagturn-off non. Ano ba talagang trip nitong si Ella ha?
"Tss. Ang ingay naman nyan." Masungit nyang saad. Hmp. Maingay daw.
The silence came back on our atmosphere. Geez. Tanging tunog lang ng sasakyan ang maririnig.
Maybe, gustong magrelax ni Monster.
Minutes later, nakarating na rin kami sa aking unit. Walang atubiling lumabas kaagad ng sasakyan si Ella sa oras na pinatay ko ang makina.
Nagmadali ako para na rin masundan ko sya. Hmp, nang-iiwan eh. Inayos ko muna ang lahat before I go after her.
"Ella, antayin mo naman ako!" I shouted ngunit tuloy-tuloy pa rin ang paglalakad nya na para bang walang kasama.
Napailing na lang ako sa kawalan. Mukhang wala ata syang balak na sundin ako. Aish. Ano na naman kayang nagyari sa isang ito?
"Mukhang wala sa mood ang Mommy nyo." Pagkukwento ko sa aking mga babies. They both just barked and wiggled their tails na para bang masaya sila.
Agad ko silang iginaya sa elevator at pinindot ang floor ng aking unit. I guess, nasa loob na si Ella. Well, alam naman nya kasi yung passcode ko.
Ting!
I chuckled nang mas nauna pang lumabas sa akin ang dalawa kong doggie. Hindi naman halatang excited sila noh?
But of course, hawak-hawak ko pa rin sila. Nagpatianod na lang ako because they know the location of my unit.
They stopped outside of the door. They're still wiggling their tails. Masaya kong binuksan ang pintuan at nagkumahog na agad silang pumasok.
Automatic na pumasok sila sa kanilang dog house. I decided na hayaan na lang muna sila.
Hmm... Nasaan kaya ang monster na yun?
Naisipan kong icheck ang bedroom sa pag-aakalang nandon sya ngunit wala. Suddenly, napatingin ako sa balcony. Isang bulto ng tao ang aking nakita. Andito lang pala sya.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. I saw that she's looking outside. Maybe, nag-uunwind or nagpapakalma.
I faked a cough to catch her attention ngunit hindi pa rin sya nagbaling ng tingin sa akin.
"Anong nangyari sayo? May problema ka ba?" Tanong ko. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin sya sumasagot.
I heaved a sigh. "Ella, pansinin mo naman ako." Saad ko but I just heard a 'tsk' from her. I slowly placed my hand on top of her.
"Ugh! Alisin mo nga yan." Mataray nyang saad. Hmp. Bakit hindi na lang nya tabigin? Kayang-kaya nya naman yun gawin eh.
"C'mmon tell it to me, Ella. Maayos naman ang mood mo kanina. Anong nangyari ngayon?" Pamimilit ko sa kanya. I badly want to know why.
"Bakit hindi mo tanungin yung sarili mo? Tss." She said. Hindi ko maiwasang magtaka. Pero sige na nga.
Self, bakit nagkaganyan bigla si Ella ha?
Pati sarili ko, hindi rin alam eh. Ginawa ko naman yung sinabi nya pero bakit hindi ko pa rin alam yung sagot?
Napanguso ako bigla at dahan-dahang naglakad papalapit sa kanya. Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa tabi ng railings. Literally, I'm trapping her. I felt that she's stunned.
"Dali na kasi. Sabihin mo na."
"Fine. Just stop that nga. Baka mamaya, mahalikan kita." She said. Weird. Hindi ko masyadong narinig yung panghuli. Anyways, basta ang mahalaga ay sasabihin na nya.
"Layo ka nga ng unti." Dagdag pa nya but I refused to do it.
"I really hate you Erin! Lalong-lalo na yung kausap mo kanina!" Asik nya sa akin. Napamulagat naman ako bigla. Bakit naman kaya?
"Si Precious ba? Mabait naman sya ah." Isang matalim na irap ang natanggap ko mula sa kanya.
"Wag mo na ngang banggitin pa ang pangalan ng malanding yun?!"
"Okay po Commander." Saad ko. Nakita kong napaismid sya bigla. Mukha atang hindi effective.
"Tss. Nag-antay ako ng matagal sayo tapos yun pala, nakikipaglandian ka lang sa hitad na yun." May halong diin nyang asik. My eyes widen in shock. What? Nakikipaglandian ako?
"Hindi ah! Hindi ako nakikipaglandian sa kanya. Nag-uusap lang kaming dalawa. Napasarap lang yung kwentuhan namin kasi ang sar--" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla syang sumabat.
"Shut up! Wag mo nang ituloy ang sasabihin mo. Hindi naman halatang enjoy na enjoy ka diba? Nakakahiyang i-interrupt kayo." She said sarcastically.
Kahit gustong gusto kong mag-explain, I decided na itikom na lang ang aking bibig. Baka mamaya, mas lalo pa syang mabeast-mode.
"Buti na lang at nandon ako para ipaalala na nasa pet shop kayo. Baka mamaya, may gawin pa kayong iba."
"May pa 'I like you' pa kayong nalalaman. Ugh kairita!
At marami pang iba. Hindi ko na ikukwento sa inyo ang lahat. Aabutin tayo ng syam-syam.
Parang machine g*n si Ella, puro ratatat. Well, hinayaan ko na lang sya. Mas mabuti na yung nalalabas nya yung gusto nyang sabihin.
Minutes later, nanahimik na rin sya. She started to soften up a bit ngunit magkasalubong pa rin ang dalawa nyang kilay. Nawala na rin ang masamang aura na nakapalibot sa kanya.
I slowly placed my hand on her cheeks and gently caress it. Naramdaman kong nagitla sya bigla.
"Ano sa tingin mong ginagawa mo ha?" Mataray nyang tanong sa akin.
"Okay ka na ba?" I decided na huwag nang sagutin ang nauna nyang tanong.
"Obviously hindi. Don ka nga."
I slowly closed our gap. Nagstop lang ako ng 1 inches na lang siguro ang layo ng mukha namin sa isa't isa. She automatically closed her eyes katulad ng dati.
Wait. Nag-eexpect ba sya ng kiss?
Nagtagal ako ng ilang minuto sa aming pwesto nang maisipan kong magbawi na.
In an instance, I saw her frowned face. Her expression is so priceless "Don't do that nga kung hindi mo rin ako hahalik--"
Hindi ko na pinatapos pa si Ella sa kanyang sasabihin nang mabilis ko syang hinapit papalapit at siniil ng halik.
I saw how her eyes widen ngunit dahan-dahan ring pumikit. I closed my eyes too at hinayaan ang aking katawan na gumalaw.
I started to bit and nibble her lips. Naramdaman kong inilingkis nya ang kanyang kamay sa aking batok.
Ramdam na ramdam ko ang libo-libong boltahe sa aking sistema. Mas lalong bumilis ang kabog ng puso ko. Why naman ganon?
I gently sucked her lips. Napakapit bigla sa akin si Ella."Ugh..." I heard she moaned sa pagitan ng aming halikan.
Of course, sya pa ba? Hindi sya nagpatalo. She quickly returned the favor. I can say na nag-improve na sya. Wow. Fast learner nga talaga.
We parted our ways and we're both gasping for air. Our lips are still swollen because of what we did.
"Kiss lang pala ang gusto mo." Natatawa kong saad sa kanya. Isang matalim na tingin agad ang ipinukol nya sa akin.
"Ang feeling mo naman!"
Napailing na lang ako sa kawalan. "Tara, ipapakilala kita sa mga babies natin." At ngumiti pa.
Nakita kong napataas-kilay sya bigla. "Nakalimutan mo na bang takot ako sa aso?"
"Don't worry, mababait sila Ella."
Narinig kong napabuntong-hininga sya bigla. "Okay fine."
Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Agad ko syang iginaya papunta sa loob.
I saw na they're here na agad kahit hindi ko pa sila tinatawag. Awww. Mukha atang nasense nila ang gagawin ko.
"Babies. Meet you new mommy, Ella." Pagpapakilala ko. They barked and started to wiggle their tails. Suddenly, naramdaman kong napakapit nang mahigpit ang katabi ko sa akin
"C'mmon Ella. Don't be afraid. Hindi sila nangangagat. Go on, touch them." Nakita kong napatingin sya sa akin. I gave her a reassuring smile.
Dahan-dahan nyang itinaas ang kanyang dalawang kamay at sinimulang ipat ang dalawa.
"Woof!"
"Oh diba? Ang bait nila." Natutuwa kong saad sa kanya in which she happily nodded.
Minutes later, I decided na papasukin muli sa dog house ang babies namin. Well, mukhang inaantok na naman sila eh.
"It's like we're a married couple, huh?" Pang-aasar ko kay Ella. Natigilan sya bigla.
"A-Ano bang pinagsasasabi mo dyan?" Nauutal nyang saad. Hindi ko maiwasang mapatawa dahil para na syang kamatis ngayon sa pula ng kanyang mukha.
Ang cute.