Chapter 7

1950 Words
Erin's PoV: Nasa kalagitnaan ako ng mahimbing kong pagtulog nang makarinig ako ng langitngit na tunog. Nanggagaling yun sa may sala. Agad akong naging alerto dahil baka mamaya ay may nakapasok ng magnanakaw dito sa unit ko. Nako, majojombag ko talaga yun kapag nagkataon. Hmp. Wala pa naman ngayon ang dalawa kong doggie dahil inihatid ko sila sa pet shop para magpatrim ng mga hair nila. Bukas ko pa makukuha. I was thinking what to do nang maalala ko na may kasama pala ako ngayon dito. I guess, sya yung nag-iingay. Argh! That girl! Hindi man lang marunong makisama eh. Nakakaasar naman oh. Ang sarap-sarap na ng tulog ko. Makikiss ko na si Levi eh. Tas biglang... Aish nvm. Ayokong mabad vibes dahil ang aga-aga pa. I decided na ipikit muli ang aking mga mata at ipagpatuloy ang naudlot kong pagtulog. Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin bumabalik ang antok ko. Why naman ganon? Inis akong napamulat at napatingin sa orasan. It was quarter to 12 na. Pang-asar talaga kahit kelan si Ella. Ayaw nyanh patahimikin ang buhay ko. Wait. What if hindi talaga si Ella yun? What if... may nakapasok na talagang magnanakaw dito sa condo? Agad akong naging alerto at kumuha ng pang-attack s***h pangdefend. Mas maganda na yung ganto. I am ready. Gay-- este Girl Scout kasi ako hihihi. I slowly make my way outside of my room. Patingkayad akong naglalakad habang pinapakiramdaman ang paligid. Hmm. So far so good naman ang surroundings. I felt nervous nang may marinig akong parang may nagbukas ng kung anl. I composed myself first when I decided to check what's happening. Pumunta ako sa kusina dahil doon nagmumula ang tunog. Keya mo yan Erin cutie. Napahinga ako nang maluwag. Wala akong nakitang kahit ano. Pero infairness, ang weird naman non. Hindi naman mahangin dito. Gosh. Baka nangyayari sa akin yung sa Ratatouille na mga daga ang gumagalaw ng gamit. Oh my, may future ata akong maging chef. Pasipol-sipol pa akong naglalakad pabalik sa aking kwarto. Finally, hindi na ako dapat pang magworry sa kung saan. Suddenly, nakita kong walang ano-anong nagbukas ang pintuan ng bathroom. Nanlaki bigla ang mata ko dahil isang dyosa--- este, isang monster ang lumabas. Mommy!!! "Anong tinitingin-tingin mo dyan huh?" Mataray na saad ni Ella sa akin. Yes, sya nga ang nakita ko. Nakita kong nakataas na ang kilay nya habang nakatingin. I gulped at hindi ko maiwasang tignan sya. "Anong nangyayari sayo?" Tanong nya pang muli. I don't know why pero parang natuptop ko bigla ang aking bibig at hindi makapagsalita. Fudgee bar! Relax self. She's in her towel and I can see some drops of water on her. Gosh. Ganyan ka rin naman diba? "You p*****t!" Nanggagalait saad ni Ella sa akin. Maybe napansin na nya ang tinitignan ko. "S-Sorry naman Ella. Peace muna tayo." Nauutal kong asik at talagang nagpeace sign pa sa kanya. Pero parang hindi ito tumalab dahil nanatili pa rin ang pag-aalab ng kanyang mga mata. "Ugh! Damn you Erin! Ngayon ka lang ba nakakakita ng nakatowel lang ha?" Singhal nya sa akin. Automatic na naglihis ako ng tingin. Mygoodness, bakit pakiramdam ko ay nag-init bigla ang aking mga pisngi? "Magdamit ka na nga! Alalahanin mong hindi ka nag-iisa rito at may kasama ka." Narinig kong napatawa si Ella. May lahi talaga syang witch hmp. What's wrong with her? "Okay, okay. Relax ka lang. Masyado ka namang affected sa akin." Nakangisi nyang saad bago tuluyang pumasok sa walk-in closet namin. Argh. Ang hangin talaga. Hindi naman sya si Levi para maging affected ako huhuhu. Oo nga, hindi ka affected Erin. Remember that. I decided na bumalik na lang uli sa kwarto at ipagpatuloy ang aking pagtulog. Panggulo kasi ang monster na ito eh. Ang ganda-ganda na ng panagip ko. Patulog na sana ako nang may walang habas na namang nagbukas ng pinto. I groaned in annoyance. Ugh. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya. "Dahan-dahan naman. Kitang patulog na yung tao oh." Masungit kong asik sa kanya. I tried my best na wag mapatingin kay Ella. Buti naman at maayos-ayos na ang suot nya ngayon kung ikukumpara sa kanina. "So what? Ayoko nga. Learn to deal with it. Tss." Mataray nyang saad sa akin. Napasapo na lang ako sa aking sarili. Ipalapa ko na kaya ang isang ito kay Barney? May chance siguro na sumaya si Barney kapag nakain nya ang witch na si Ella. "Ano pa bang gagawin mo ha?" "Obviously, papatuyuin ko itong buhok ko para naman, I can finally sleep na." Ella said in a duh tone. Umupo sya sa couch na naririto. Napansin kong may dala-dala rin syang blower. I heaved a sigh bago tumayo at nagsimulang maglakad papalapit sa kanya. "What are you doing?" Nagtatakang tanong nya. "Let me help you. Ako na." I said to her. Ang bait kong housemate diba? Tapos super cute pa. Baka may maireto kayo. "Tss. Ayusin mo ha. Dahil kung hindi, lagot ka sa akin." Dahan-dahan nyang iniabot sa akin ang blower na hawak nya. Infairness, medyo mabait si Ella ngayon. Hindi na sya nakipagtalo pa sa akin. Umupo sya sa pagitan ng aking mga hita habang ginagawa ko naman ang dapat kong gawin. Suddenly, may kung ano akong nararamdaman. I can smell her sweet natural scent. I gulped. Kaunti lang ang distansya namin sa isa't isa. Sa susunod nga, babawasan ko na ang pagkakape. Masyado na akong magugulatin. "Bakit ginabi ka na ng uwi?" Hindi ko maiwasang itanong. Wala eh, chismosa ako. I was expecting na hindi nya ako sasagutin ng matino at hindi nga ako nagkamali. "Anong pake mo? Guard ka ba para bantayan ang oras ng uwi ko?" Masungit nyang sagot. Automatic na napasimangot dahil sa sinabi nya. Argh. Parang nagtatanong lang eh hmp. Sa cute kong ito? Guard lang nya? Napailing na lang ako sa kawalan at hindi na nagsalita pa. Ginawa ko na lang ang dapat kong gawin. Maya-maya pa, i heard she yawned. "Tapos na. Tara, matulog na tayo." I said to her. Nilapag ko muna sa tabi ang blower bago tuluyang tumayo. She hummed as a response at sumunod sa akin. Magkatalikod kaming nakahiga ngayon. I heaved a sigh at ipinikit na ang aking mga mata. Ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Gosh, magparamdam ka naman sa akin. I need you antok. Pinakiramdaman ko ang katabi ko ngayon, she's quiet. I guess, tulog na sya. Sana all. Dahan-dahan akong umikot. My eyes widen in shock nang magtama ang aming mga mata. Shems. So that means... kanina pa sya nakaharap sa likod ko? Bakit hindi ko man lang napansin? We're just looking at each other's eyes. Mapungay na ang kanyang mata. Masasabi kong maganda talaga si Ella. May pagkawitch nga lang. Hindi ko maiwasang mapatawa sa aking naisip. "Why are you laughing? May nakakatawa ba?" Masungit nyang tanong sa akin. Umiling ako bilang sagot. "I hate you Erin panget." Diretsong saad nya sa akin. Napasimangot ako bigla. Ugh. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na cute ako? "The feeling is mutual Ella Monster." I said to her. I startled nang makitang pinaulanan nya ako ng matatalim na tingin. I just shrugged at pinikit ang aking mga mata. Hmp. Bahala nga sya dyan. Di kami bati. Suddenly, I felt that someone poked me at sure akong ang katabi ko ang may gawa non. Well, sya lang naman ang kasama ko ngayon. I decided na wag na lang pansinin yun. Baka mamaya, nang-aasar lang eh. Maya-maya pa, naramdaman ko na namang may dumudutdut sa aking pisngi. Inis akong nagmulat ng mata. "Ano bang gusto mo?" Nakita kong nagitla sya bigla at parang nagpanic. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Ano bang trip nya? "A-Ano... Wala." She said at nag-iwas ng tingin. I heaved a sigh. Alam kong may sasabihin sya. "Dali na. Ano ba yun Ella?" Mahinahon kong saad sa kanya. Nakita kong napakagat-labi sya bigla. "Can you... hug me?" My eyes widen in shock. Tama ba yung narinig ko? Pakiramdam ko'y biglang bumilis ang kabog ng puso ko. Hindi pa ako nakakaalma nang magsalita syang muli. "Kung ayaw mo, edi wag. Ugh just forget it." At tumalikod na sa akin. Natauhan ako bigla. I composed myself first. Agad kong hinapit si Ella papunta sa akin. Pinalibot ang aking kamay sa kanyang bewang. "Ganto ba ang gusto mo? Hmm.." Bulong ko sa kanya. "Don't do it kung napipilitan ka lang." Masungit nyang asik. I chuckled because of that ngunit hindi na lang ako nagsalita. Somehow, this position of us is so comfortable. Parang magic na dinalaw ako ng antok. "Goodnight Ella." I said at slowly closed my eyes. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maramdamang niyakap nya rin ako pabalik at sumiksik pa sa akin. _____//_____ "Ugh! Bakit mo ba kasi ako sinama rito?" Nakasimangot na saad ng monster na ito. Back to normal na naman po kami. Ewan ko ba sa kanya. Paiba-iba ng mood. Hmp. Napahalukipip ako bigla. "Mas maganda na yung andito ka. Baka sunugin mo pa yung unit ko eh." Depensa ko pa at in-off na ang engine ng aking kotse. Napatingin ako sa kanya at saktong-saktong inirapan nya ako ng matalim. "I'm gonna do that talaga. Sayang, alam mo na." Nanlaki bigla ang mata ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba sya o hindi. But clearly, seryoso ang mukha nya nang sabihin yon. I gulped. Napailing na lang ako sa kawalan bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Naramdaman kong sumunod din naman sya. We're now in the pet shop. Well, susunduin ko kase ang mga babies ko hihihi. Miss ko na sila agad. "Oh f**k!" I heard Ella cursed. Natawa naman ako sa reaksyon nya. Well, tumahol kasi ang isang doggie sa kanya. Takot nga pala sya sa aso. "Wait me here." I said to her bago dumiretso sa isang room. Automatic na napangiti ako when I saw my two babies. Gosh. Ang cute-cute talaga nila. "Hi! I guess ikaw ang fur Mommy nila?" Tanong sa akin ng nag-assist. Tumango ako bilang sagot. I guess, medyo matanda lang sya sa akin ng ilang years. "By the way, Precious. Ang bait ng mga doggies mo ha." She said while offering her hands. Malugod kong tinanggap ang kanyang kamay. "Hi Precious! Erin is my name. Super cute. Mana kasi sa akin ang mga babies ko. Kung kaya't mabait din sila hihihi..." She let out a giggle. We chitchatted for a while at talagang masarap syang kausap. I guess, parehas kami ng way ng pag-iisip. Nagkakasundo kaming dalawa. "You know what, I think I like you na." She said out of nowhere. Napatingin naman ako kay Precious. I can see a playful smirk on her face. Napailing na lang ako sa kawalan. I decided na sakyan na lang ang trip nya. Why not, right? "Wow, I lik---" "Kaya naman pala natagalan ka, Erin. May kausap ka na palang iba." Saad ng kung sino. Nabaling ang atensyon namin sa nagsalita. And there, isang walang emosyong mukha ni Ella ang nakita namin. I gulped nang simulan nyang tapunan ako ng matatalim na tingin. Parang may nakikita akong maitim na aura na nakapalibot sa kanya. "Erin, let's go." Madiin nyang saad sa akin bago magwalk-out. Isang apologetic na ngiti ang ibinigay ko kay Precious bago sundan ang monster na yun. Nakita kong nakacross-arms sya. Halatang nagtitimpi si Ella. Hindi pa rin maipinta ang mukha nya. "Ella, sorry hin---" "Shut up! Dapat sinabi mong nakikipaglandian ka na pala. Hindi yung pinag-aantay mo ako!" She said. My eyes widen in shock. Namimis-interpret nya ang lahat. Akmang ibubuka ko na sana ang bibig ko para magpalinawag nang magsalita syang umuli. "Don't explain. Magsama kayong dalawa!" Ella exclaimed at nagwalk-out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD