Erin's PoV:
"Bakit hindi mo man lang ako ginising Erin panget?!" Ang bungad sa akin ni Ella nang makalabas sya sa kwarto namin.
I cluelessly looked at her and just shrugged. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng aking breakfast. I already cooked for her too. Simple lang naman ang inihanda ko. Ganon ako kabait na housemate.
"Here's your food. Kumain ka na dyan." I said to her. Parang wala akong ganang makipag-away sa kanya. Siguro, mamaya na lang pag-uwi namin.
Umagang-umaga tapos bad vibes na agad ako dahil lang sa monster na ito?
Of course, hindi pwede yun! Maiistress ang katulad kong cute!
I heard na padabog syang umupo sa aking harapan. Napaarko bigla ang isa kong kilay. Ano na namang problema nya?
I secretly took a glance while she's eating.
"Hey, kawawa naman yung hotdog sa ginagawa mo." Baling ko sa kanya. Well, totoo naman kasi. Parang minumurder nya yung kinakain nya. Wala namang ginagawa ang hotdog kay Ella.
Pinagpatuloy nya lang ang ginawa nya pero ngayon ay nakatingin na sya sa akin.
Hindi ko maiwasang mapalunok. Nakakatakot kasi sya! She's shooting me her death glares.
Maya-maya pa ay napangisi bigla si Ella na para bang may nabubuong plano sa kanyang isipan. Argh. Nababaliw na ata itong kasama ko.
Wait... What if ako yung next na imumurder nya huhuhu?
"Ella... S-Smile ka naman dyan oh." Kinakabahan kong saad. Nanatili pa rin ang kanyang ekspresyon. I saw that she stoodd up and started to walk towards me.
Ngayon ko lang napansin na ang ganda nya pa rin kahit bagong gising. Ang unfair talaga ng life.
Mas lalo nadagdagan ang kaba ko. I was stunned in my seat at hindi makagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya. She slowly lowered herself. Now, magkatapat na kami.
Inaantay kong may bumaon na matulis na bagay sa akin pero wala. Instead, I heard that she's whispering something to me.
"Wait me here, Erin baby. I'll just prepare myself to school." Bulong nya sa akin and even blew some air on my ear. Trust me, it sends shivers to my whole system. Hindi ko alam kung bakit.
Natulala ako bigla sa ginawa ni Ella. Ang bagal magloading ng utak ko. Hindi agad maiproseso ang nangyari.
Oh my gosh! What happened?
Bakit naman kasi ginawa yun ni Ella? Argh. Parang may kung anong something sa loob ko. Mas lalo ring bumilis ang kabog ng puso ko.
Aish. Kumalma ka nga heart. Wag kang maging maharot ngayon.
Wait... Meron pa syang sinabi eh.
'Erin baby'
'Erin baby'
'Erin baby'
Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha. I can't help but to felt flattered.
But how dare that monster to called me that? Mukha ba akong sanggol sa tingin nya? Ganon na ba ako kacute ha?
'Ugh! Endearment yun, Erin. Katulad nung mga napapanood mo sa anime. Don't be dumb.' Sabat ng mahadera kong utak.
And that hits me. But why? Of course gusto nya akong asarin. Kung sa tingin nya ay magpapatalo ako, well, nagkakamali sya! Tignan lang natin sa mga susunod sa araw. Hmp.
Napatingin ako sa aking orasan at halos mapamura ako nang makitang malapit na kaming malate. Hindi pa rin lumalabas ang monster na yun sa kwarto ko. Tsk. Ano bang ginagawa nya ha? Nagcoconcert pa ba sya sa loob?
I knocked twice. "Matagal ka pa ba dyan? Malelate na tayo oh." I said.
Maya-maya pa ay nagbukas ang pintuan at inilabas si Ella na fresh na fresh. Agad na napaiwas ako ng tingin. Baka masabihan pa akong p*****t. Feeler pa naman ang isang ito.
"Duh. It's your fault if ever man na malate tayo. Hindi mo man lang kasi ako ginising." Mataray na saad ni Ella.
Automatic na napasimangot ako dahil sa aking narinig. Aba't! Kasalanan ko pa talaga ha?
Wala na akong nagawa pa kung hindi antayin ang monster na iyon. I decided na pumunta na lang sa aking sasakyan. I'm sure naman na ilalock nya ang pintuan ng condo.
After a while, someone opened the door of my car. I looked at that someone bago simulang paandarin na ang sasakyan. Tahimik ang namayani sa amin through the whole ride. Hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin ako.
If you're asking kung anong ginagawa ng katabi ko? Well, Ella's looking at the mirror. Trying hard magpacute sa sarili. Unlike me na natural talaga.
We arrived at the school's parking lot at halos manlumo ako nang malamang hindi na talaga ako pwedeng humabol pa sa aking first class. Wala na rin masyadong mga estudyante ang nakikita kong nasa labas.
"Why so grumpy, Erin baby?" Sabat ng katabi ko. She's flashing me her mischivious smirk. Nanatili lamang akong kalmado kahit asar na asar na ako sa kanya.
Oh wait. Ellan alled me baby again huh? She thinks na papalampasin ko to huh?
I composed myself first and flashed my super cute smile to her. Nakita kong natigilan sya bigla. Nice. Success. May effect ako sa kanya.
"No I'm not. I'm just quite pissed, Ella baby." I muttered and suddenly, I saw a tint of redness on her cheeks.
Wait. Hindi naman mainit ah. Atsaka nakabukas naman yung aircon. Aish. Nevermind na nga.
"Yah! What did you just called me?" Singhal nya ngunit hindi ko iyon sinagot. Instead, I started to move closer to her. Paatras naman sya nang paatras hanggang tumama na ang likuran nya sa window.
"Aww... Mukha atang wala ka nang maatrasan, Ella baby." Asar ko sa kanya. She suddenly bit her lips.
I can't explain what I'm feeling right now. My heartbeat's racing so fast. Naeexcite ako.
"S-Shut up! L-Lmayo ka nga sa akin!" She said while stuttering. Nakita kong parang kinakabahan na sya. I mentally smirked. Sinong talo sa atin ngayon huh?
Instead na lumayo, I placed both of my arms beside her shoulder. Now, I'm trapping her. Mas inilapit ko pa ang aking sarili sa kanya.
"So tell me baby, naiilang ka ba sa posisyon natin?" Saad ko habang nakatingin ng diretso sa kanya. There's something on her eyes na hindi ko matukoy.
"Y-Yeah sort of." Ella answered at inilihis kanyang tingin.
Namumula pa rin hanggang ngayon ang kanyang mga pisngi. Kung tutuusin ay pwedeng-pwede naman nya akong itulak. Pero hindi nya ginawa.
Ramdam na ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa.
Sinundan ko ang kanyang tingin at napansing sa bandang labi ko ang diresyon nun. So, she's looking at my lips. Hmm... Ano kayang nasa isip nya ngayon?
Her lips looks tempting too. I slowly crossed our gap. I stopped nang sa tingin ko ay nasa 1 inch na lang ang layo namin. I saw that Ella's eyes are now closed. I smirked.
Agad akong bumalik sa pwesto ko kanina at iniwan syang nakapikit.
"So you're expecting me to kiss you?" I said and giggled. Dali-dali namang nagmulat ng mata si Ella. I know that she's embarrassed.
Maya-maya pa ay nagbago ang kanyang ekspresyon. Hindi na maipinta ang kanyang mukha. She's frowning.
"Shut up! How dare you to do that huh?!" Galit na turan nya. I gulped. I can see fury in her eyes. Parang anytime ay kakainin nya ako sa galit.
"Damn you Erin!" Was the last thing she said bago tuluyang lumabas ng aking sasakyan. I didn't forget to winked at her na mas lalong nakadagdag ng kanyang inis.
Yeyy! Talo ko na naman si Ella Monster.