Erin's PoV:
"What the f**k just happened?" May halong diin ang bawat salitang binibitawan ng monster na kasama ko ngayon. Unti-unti na syang nagtatransform sa isang pokemon.
Waaahhh!!!
I gulped dahil sa kaba. Well, ganon din kasi ang tanong ko sa aking sarili. Anong nangyari? Parang nagka-amnesia ako bigla. Just kidding.
But what really happened?
Bago pa ako makapagreact ng super duper, isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Mygoodness gracious!
"Damn you Erin Panget!" She said. Ramdam ko ang galit sa kanyang tono. Parang any time ay pwedeng-pwede na syang magbuga ng apoy.
"How dare you?! Why did you do that??" Nanggagalaiti nitong tanong. Para naman akong ewan sa harapan nya at hindi makapagsalita. Napressure ako. Parang umurong bigla ang dila ko sa kaba.
Anong sasabihin ko nito kay Ella? Paniguradong masasapok nya talaga ako kapag hindi nya nagustuhan ang isasagot ko.
Mag-acting na lang kaya ako na nahimatay o kaya naman ay nagkaamnesia nga talaga? Aish. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
I hate you self. Bakit naman kasi hindi ka nakapagpigil ha? Atsaka, bakit mo naman sya kiniss in the first place?
Yes, kiss nang matatawag ang nangyari kasi ano... ahm... may tongue ng kasama eh.
Certified maharot na talaga ako. Siguro ah umiral na naman ang imaginations ko at naisip kong si Levi ang kaharap ko kaya ayun. Ginawa ko ang hindi dapat gawin.
Parang nanlumo ako bigla dahil sa nangyayari. Pero teka lang. Hindi ba't sya ang nag-initiate? Atsaka, nagrespond din naman sya sa kiss ko.
"Hindi ko rin alam." I said and laughed awkwardly. Yun lang talaga ang lumabas sa bibig ko sa ngayon. I hope na makasalita na ako dahil for sure, magbunganga si Ella mamaya.
Napakadilim ng aura nya ngayon. Ag sa totoo lang, parang anytime ay magsusuper saiyan na sya at handa na akong atakihin nang walang pasabi.
"Chill ka lang muna." I tried to held her hands ngunit tinapik nya lang ang kamay ko. "Don't touch me!" Masungit nitong saad.
Hindi naman madumi ang kamay ko. Bakit ayaw nyang magpahawak? Hmp.
"Yah... Nagrespond ka rin naman kanina ah. Atsaka, hindi ka ba nag-enjoy sa ginawa natin?" I asked. Nakita kong nanlaki bigla ang kanyang mga mata. I can see a tint of redness on her cheeks. Ang cute.
Wait lang. Parang alam ko na kung bakit sya nagagalit.
"Gusto mo bang ulitin natin?" I asked while smiling mischiviously. I guess, nabitin sya? Or baka naman namali lang ako ng hula.
At mukha talaga hindi na sya nakapagpigil pa sa akin. Naubos na ang pisi ng kanyang pasensya.
"You son of a mo---" I cut her off.
"Correction, girlalu ako kaya dapat daughter." I said. Mali naman kasi. Ang cute-cute ko tapos magiging boy?
"f**k you!" She said at akmang tatayo nang biglang syang napa-aray. "Ouch. It hurts." Aish. Mukha atang nakalimutan nyang masakit pa rin ang bandang paa nya.
"Ella, mag-ingat ka naman. Kitang masakit pa yang ankle mo eh." I said. Kahit naman ganto sya sa akin ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.
Nakita kong napaiwas naman si Ella ng tingin. I heard she hissed.
"Ano ba munang gusto mong gawin?" Tanong ko sa kanya. I decided to changed our topic
"I want to rest for now. Mamaya ko na lang aayusin ang mga gamit ko."
"Okay halika, dadalhin na kita sa kwarto ko." I said at binuhat sya ng parang bagong kasal. Narinig kong napatili sya bigla. Grabe naman makareact ang isang ito.
"Hey! Ibaba mo nga ako! I can handle myself naman." She whined like a child at nagsimulang maglikot. "Wag ka ngang magulo. Kapag ikaw nahulog na naman ha." I said.
"I don't care. Just put me down for goddamn's sake!"
Tsk. Kahit kelan talaga ang isang to. Alam ko namang mahihirapan si Ella kung sakaling ibaba ko sya. For sure ay ayaw nya namang magpatulong. Iba talaga kapag mapride ang isang tao.
"Okay fine. Sige na nga." At dahan-dahan syang ibinaba sa lapag. Ngayon ay nakasalampak na sya sa lapag. I decided to looked at her.
Hmm... as she said a while ago, she can handle herself naman. I guess, kailangan ko nang ipagpatuloy ang panonood ng anime at wag na syang pakielamanan pa.
I was walking when suddenly, I heard someone called me. Isa lang naman ang kasama ko rito at si Ella yun.
"Hey, Erin Panget!" She called me. Napakunot-noo naman ako bigla. Talagang sinama nya pa yung panget huh?
Her words are little bit harsh. Dapat talaga ay hinahali--- este... binubusalan at nang hindi na makasalita pa.
"Bakit? Anong kailangan mo?"
"Erhm... I changed my mind. Come here and carry me in your room." Masungit nitong utos sa akin. Aba't. Nakikisuyo na nga lang pero maattitude pa.
"Okay. Pero kiss muna." Pang-aasar ko sa kanya. Nakita kong natigilan sya bigla. "Stop it, will you? Tsk. Nakakarami ka na."
Tumatawa akong lumapit sa kanya. "Binibiro lang naman kita." I said. I started to carry her. Naramdaman kong ipinulupot nya ang kanyang kamay sa aking batok.
Mygoodness. Sa sobrang inis ay baka mamaya, bigla nya akong sakalin ha.
It's weird pero parang nakaramdam ako ng kung ano bigla. Parang may nagtatambol sa loob-looban ko. I didn't know na nagpaparty-party pala ang mga internal organs ko.
We reached my room and I quickly opened the door.
Agad akong pumasok at doon ko nakita ang dalawa kong aso na nakaupo na para bang inaantay nila ako. Kaya pala hindi ko sila nakita kanina. By the way, ang cute-cute talaga nila. They quickly barked nang makita nila ako.
"f*****g s**t!" Sigaw ng buhat-buhat ko. Mas lalong napahigpit ang pagkakakapit nya sa akin. "Paalisin mo nga yang mga asong yan dito!" She exclaimed.
I curiously looked at my dogs. They're wiggling their tails. Eh? Bakit naman? Ang cute-cute nga nila tapos papaalisin lang ni Ella? Na-uh.
"Hindi pwede. Mababait naman ang mga babies ko eh. Nangangagat lang kapag mataray tapos masungit." I said. Nakatanggap naman ako kaagad ng masasamang titig mula sa kanya.
"Wait. Don't tell me... takot ka pa rin sa aso hanggang ngayon?" Naalala ko kasi bigla nung mga bata kami. She was bitten by a dog kaya ayun, nagkatrauma sya.
Nakita kong napaiwas ng tingin si Ella. "Y-Yeah. Ano naman sa'yo?"
I decided to not answer her. Dahan-dahan ko syang ibinababa sa aking bed.
"Rain and Sky, come here." Pagtawag ko sa mga babies ko. Agad naman silang nagsilapitan sa akin. Ang ganda nung name nila diba?
"So Ella, meet my babies, Rain and Sky." Pagpapakilala ko sa kanila. Gusto kong tumawa dahil hindi maipinta ang mukha ni Ella.
"Rain and Sky meet Ella, your new Mommy." Narinig kong tumahol silang dalawa. I guess, they're happy dahil sa sinabi ko.
"What? Mommy nila? Seriously?" Angal nung isa. I looked at her. "Why? Ayaw mo ba? O sige, palitan ko na lang ng enemy. Gusto mo?"
Nakita kong parang namutla sya bigla. "No, just go on. Okay na ako sa pagiging err... Mommy nila."
Great yey! Natuwa naman ako bigla sa sinabi nya. Dalawa na kaming Mommies nilang dalawa.
"Argh... Can you please leave? I want to rest." Ella said at nagsimulang humiga. Pero parang bulang inantok ako bigla.
I decided na gawin kung ano ang gusto ng katawan ko.
Maingat akong humiga sa kanyang tabi. And now, magkaharapan na kaming dalawa.
"What the hell are you doing?" She asked. Halatang nagulat sya.
"Nothing. I just want to take a rest too." I answered while directly looking at her eyes.
I heard she heaved a deep sigh.
"Okay fine. Basta't wag mo lang akong guguluhin sa pagtulog ko. At wag mo rin ako mayaka---" Hindi na natapos pa ni Ella ang kanyang sasabihin when I started to wrapped my arms on her waist and feel her body. Niyakap ko sya.
Gosh. It's so comfortable. I'm a fan pa naman ng hugs.
"Aba't kakasabi ko lang!" I sushed her.
"Wag ka ng maingay. Matutulog na tayo diba?" I said. I closed my eyes not minding her reaction.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ring niyakap nya rin ako pabalik. I smiled secretly.
Oh, it looks like I'm gonna enjoy her company huh.? I hope it turns out well and good.