Erin's PoV: Tahol ng aking mga doggie ang syang naging dahilan kung bakit ako nagising. Unti-unti akong nagmulat ng mata at nakitang umaga na pala. Napatingin ako sa orasan. Past 8am na rin. Mukhang napasarap ata ang tulog ko sa couch ah. Oo tama kayo nang pagkakabasa. Sa couch nga ako natulog. Tinotoo talaga ni Ella yung sinabi nya sa akin kagabi. Monster talaga sya. Ang unfair ng wifey ko huhu. Ni hindi ko nga alam kung bakit eh. Wala naman akong ginawang masama kagabi pero mainit pa rin ang ulo nya sa akin. Siguro dahil yun sa sobrang kacute-an ko. Dahan-dahan akong bumangon at pinakain sila Rain at Sky. Mukha atang gutom na sila. Awww... kawawa naman. I quickly gave them their food and they started to eat while wiggling their tails. Ang cutie ng babies namin. Speaking of, napa

