Erin's PoV: "Ella okay ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo? Wala ka na bang kakaibang nararamdaman? Baka gusto mong bi---" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang magsalita sya bigla. "Stop it Erin. Okay na nga ako." Masungit nitong saad sa akin. "Ang daming tanong. Paulit-ulit. Tss." Dagdag pa nito. Automatic na napanguso ako dahil sa aking narinig. "Sorry naman. Nag-aalala lang naman ako sa'yo." I heard she scoffed in annoyance. "Ugh. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo. Napakakulit mo." Saad nya pa. This time, tuluyan na akong napasimangot. Hindi naman ako makulit eh. Naninigurado lang naman ang cute na katulad ko. "Gusto mo bang matikman ito? Para lang malaman na okay na ako." Tanong nya at itinaas pa ang kanyang kamao. Automatic na nanlaki ang aking mata. Mabil

