Maaga akung gumising, linggo ngayon kaya naman naisipan kung magsimba bago mag-grocery, wala na akong food stuff sa bahay tanging tubig at ilan pirasong itlog nalang meron.
Pagkatapos ng mahigit isang oras na misa, napagpasyahan kung magikot-ikot muna malapit sa simbahan dahil maraming kung anu-anong bagay ang naka-display sa mga stalls, matagal ko ng hindi ito nagagawa sa sobrang busy sa trabaho gusto ko naman kahit ngayon lang makapag-relax gusto ko din pumunta ng mall para makabili ng ilang piraso ng damit para naman may bago akong maisusuot. Ng magsawa ako sa kaiikot sumakay nako ng jeep papunta sa pinakamalapit na mall. Una kung pinuntahan ang isang boutique may makita akung bestidang light blue malambut ang tela niya pero nagmakita ko ang tag price "wow 25,000.00" bulong ko kaya nabitawan ko nalang dahil hindi kaya ng budget ko kung ipapadala ko iyun sa pamilya ko panigurado madami ng mabibili si Mama, kaya lumipat nalang ako sa department store, may nakita naman ako casual dress, chiffon, maxi na affordable naman ang price. Bumili narin ako ng dalawang lingerie at mga undergarments, kasama na ang shoes, pagkagaling ko ng counter may nadinig akong tumatawag sakin pero hindi ko pinansin dahil hindi lang naman ako ang may pangalan Margie.
"Margie kanina pa kita tinatawag, snob ka talaga"
"Hi! Andito ka rin pala sinong kasama mo" tanong ko sa kanya at hindi na pinansin ang sinabi niya.
"Wala ako lang, ikaw ba may kasama" aniya at lumiga-liga pa siya para masiguro kung may kasama nga ako.
"Ako lang din mag-isa, ano bang bibilin mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala pa akong maisip kaya naglilibut ako baka sakaling may makita, birthday kasi ni Mama sa isang araw hindi ko alam kung anong ireregalo ko baka pwede mo akung tulongan tutal wala ka naman kasama samahan mo nalang ako kung hindi makakaabala sayo" litanya niya.
"Oo ba yun lang pala" aniko.
"Nakapamili kana ba i mean tapos kanang mamili?" tanong niya, nahihiya naman akung sabihing maggo-grocery pa ako.
"Ano ba hilig ng Mama mo para yun nalang bilin mo like for example bags, wallet, dress, shoes, jewellries" aniko.
"Ok good suggestion, dun nalang tayo sa jewelry shop pumunta" anito at hinila nako sa kamay na parang tatakasan ko siya.
"Ano sa palagay mong maganda para kay Mama?" tanong niya sakin.
"Tumingin ka dun banda mas maraming nakadisplay" utos ko sa kanya, sa may giliran ko naman may narinig akung nagsasalitang maarteng babae "babe bilang mo naman ako ng ring yun oh gusto yung may diamond sige na babe please" ewan ba't ako naiirita sa boses ng babae sa tabi ko kaya tumingin-tingin nalang din ako ng mga naka-display na mga couple ring at hindi na pinansin kung sino man yun.
"Eto isukat mo tingnan ko kung bagay, talikod na dali" utos niya sakin kaya naman napatalikod akung bigla mas lalo naman akung nabigla nagmakita kung nakatingin sakin ang kasama ng babaeng maarte, kaya napakagat ako sa ibabang labi ko, sabay siko ko sa kasama ko.
"Boss kayo pala, dito din pala kayo namimili ng alahas ng fiancee niyo" aniya pero kita ko na masama niyang tinitigan si Roy.
"Let's go" aya agad niya sa babaeng kasama at umalis ng bigla na hindi man lang hinintay yun babaeng kasama niya.
Ng makapamili na si Roy ng alahas para sa Mama niya, nag-boluntaryo itong samahan akong mag-grocery, para maihatid din daw niya ako.
"Salamat sa paghatid, halika pasok ka mag juice ka muna" anyaya ko kay Roy nakakahiya naman kung hindi ko man lang mapag juice samantala tinulungan akong magbuhat ng mga dala ko.
"Next time nalang alam kung napagod ka, basta aasahan kita sa birthday ni Mama, huwag kang mawawala" anito at kumindat pa.
"Sige ingat sa pag-drive" aniko.
Inayus ko na lahat ng mga binamili ko dahil mamaya pupunta naman ako sa bahay nila Trina, dumating daw ang pinsan nito galing Canada na naging kababata namin noon pero wala naman akung matandaang Carlos na pangalang naging kababata namin na pinsan niya. Kaya dun ako matutulog ngayon sa kanila para daw sabay na kaming papasok bukas.
Meron pa naman akong time para matulog mamaya pa naman five ng hapon ang punta ko.
Narinig ko ang ringtone ng cellphone ko ng i-check ko unknown number kaya hinayaan ko nalang hindi naman kasi ako sumasagot ng mga unknown number kadalasan kasi puro prank lang naman or scam, nadala nako nung minsan sumagot ako, sabi naaksidente daw ang nanay ko at nasa opistal kaya kailangan ko daw siya padalhan ng 10,000 kailangan daw niya para sa nanay ko, buti nalang at naisipan kung tawagan ang kapatid ko bago pa tawaging ang numero ko, kung hindi baka nagpadalhan ko ng pera ang scammer, nadala nako.
"Margie halika pasok ka akala ko iindyanin mo nako" agad bati sakin ni Trina sa bungad palang ng gate nila.
"Hello po Tita Eva, Tito" bati ko sa mga magulang ni Trina at nagmano ako sa kanila nakasanay ko ng gawin magmano sa nakatatanda bilang pag-galang o respeto sa kanila, yun na kasi ang nakamulatan namin sa probinsya.
"Halika ipapakilala kita sa pinsan ko, mga kalaro natin sila nuong sa probinsya, hindi mo nalang siguro natatandaan" aniya at hinila na ako papasok sa sala nila, nakita ko naman dun may mga nakaupong isang lalake at dalawang babaeng masayang nag-uusap, ano mang sipat ko sa mga tao sa sala hindi ko talaga matandaan kung kilala ko talaga sila. Nakita kung tumayo yun babae sa tingin ko nasa edad sixteen or seventeen nagmapatapat samin hinarang ni Trina.
"Ella eto nga pala si Margie yun friend ko, Margie siya naman si Ella kapatid na bunso ni Carlos" pakilala ni Trina samin, malawak naman ngumiti ito kaya nakita ko yun ipin niyang naka-braces na kulay pink.
"Hi ate Margie finally we meet" anito niyakap pa ako at hinalikan sa pisngi.
"Nice to meet you Ella" ganting bati ko dito at hinalikan ko din sa pisngi.
"Carlos look who's here" sigaw ni Trina na siyang nagpabaling ng tingin samin sa mga tao sa sala.
Nakita ko naman na biglang nanglaki ang mata nun tinawag niyang Carlos.
"Margie" bigkas nito at inilang hakbang lang ang pagitan namin at niyakap ako mahigpit, hinalikan din ako sa pingin dahil sa pagkabigla hindi ako nakagalaw.
"Your gorgeous hindi ko akalain na lalaki ka ng ganyang kaganda, pumuti kadin" anito at inilayo pa ako ng bahagya sa katawan niya at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Kaya napa kunot noo ako.
"Do you still remember me, it's me Carlos yung kalaro mo ng bahay-bahayan, ako yun tatay ikaw yun nanay yung dalawang manika mo ang mga anak natin tapos mga dahon yun mga pera-perahan natin." mahabang wika nito.
"Loy.. ikaw si Loy" tanong ko, nabigla din ako dahil ibang-iba na siya ngayon dati patpatin at medyo maitim ngayon maputi na siya at maganda na din ang built ng katawan niya. Naalala ko pa nun bata pa kami naglalaro kami ng bahay-bahayan sa likod bahay namin, lumang sako at karton lang sapin namin may mga luto-lutoan din kami gamit namin ang pira-pirasong dahon ng mga halaman.
"Eh sino pa nga the one and only na nakahalik sa lips mo nun bata pa tayo" aniya na may pilyong ngiti sa labi, kaya naman bigla ko siyang nabatukan.
"Ouch masakit yun ah, sadista kana pala ngayon gumanda kalang eh" anito na tumatawa, hinila ako nito sa kamay kaya napaupo ako sa tabi niya.
"Siya ba natatandaan mo pa yun kapatid kung iyakin dati si Betty na laging nanggu-gulo satin pag-naglalaro tayo?" tanong nito sakin sabay nguso sa babaeng katabi ko.
"Ang sexy na niya ngayon dati chubby niya nun bata pa siya." aniko at inirapan naman niya ako pero nakipag-beso naman sakin.
"Kamusta kana ate Margie pareho na tayung sexy at maganda ngayon" bulong niya sakin, kaya natawa naman ako sa sinabi niya.
Halos mag-uumaga na ng makatulog kami sa dami ng napagkwentuhan namin kung wala lang kaming pasok ni Trina baka hindi kami pinatulog ng mga pinsan niya. Uuwi din daw sila sa probinsya upang dalawin din yun mga kapatid ng mama't papa nila.
Masaya rin kasing balikan ang nakaraan, ang yung kabataan, walang problemang iniisip puro laro at kain di tulad ngayon na halos pasan mo na ang mundo sa walang tingil na pagdating ng mga suliranin at pagsubok sa buhay. Sabi nga nila habang may buhay may pag-asa.
"Miss Rio, come with me" sigaw na naman ng boss kung nagmamadali na parang laging may sapi ng masamang espirito, kaya dali-dali kong kinuha ang bag ko at tablet sa ibawbaw ng table ko. Alam kung may meeting siya ngayon kay Mr. Akito na isang Japanese sa isang sikat na restaurant pero hindi ko naman alam na isasama pala ako ng masungit na boss ko. Kaya halos madapa ako sa pagsunod dito dahil isang hakbang yata nito dalawang hakbang ko naman sa haba ba naman ng biyas ng mga binti nito.
"Kailangan i-take down mo mga pag-uusapan namin" anito ng nasa loob na kami ng elevator.
"Sige sir i-record ko nalang para kuha lahat atsaka ko nalang gawan ng report" sagot ko dito.
"Good" anito na matamang nakatitig sakin kaya napabaling naman sa wall ang paningin ko.
Sa biyahe namin naka siksik lang ako ng upo sa may pintu ng sasakyan habang ang boss ko naman ay busy sa pag-scroll sa kanyang hawak na cellphone.
"Reservation for Mr. Alfred Hernaiz" ani ko sa staff ng restaurant na sumaludar sakin dahil nauna akung pumasok may kausap pa kasi ang boss ko sa kanyang phone kaya mabagal pa sa pagong kung lumakad.
"This way ma'am" anito nakita ko naman ang boss ko na sumusunod sakin.
Pagkalipas lang ng ilan minuto dumating na din si Mr. Akito. Ng tumayo ang boss ko tumayo nadin ako at nakipag kamay. Ayun dito asawa at anak daw nito ang kasama, half Filipino half Australian daw ang misis nito kaya naman ang gwapo din ng anak nito hindi nalalayo sa boss niya kaya lang medyo singkit ang mga mata nito at lalong lumiliit pag tumatawa.
Pagkatapos namin kumain. Inilahad na ni Mr. Akito yung contract. Habang busy ako sa pagte-take down ng mga inportanteng sinasabi nito napansin kong panay ang tingin ng anak ni Mr. Akito sakin, halos kaidadad ko lang ito. Kaya naman nag-fucos nalang ako sa ginagawa ko nakikinig din ako sa pinag-uusapan nila baka makakuha ako ng tips pag nagtayo nako ng maliit na business dahil hindi ko maitatangging magaling sa business ang boss ko, ayun sa ina nito mula daw ng ito na ang nag-manage ng negosyo nila ay naboble na daw ang profits ng negosyo nila, kaya believe siya dito kahit masama ang ugali nito.
Ng matapos ang mahaba-habang usapang business itinaas pa ng mga ito ang basong may laman wine at mahagyan pinag-untog
"Cheers" magkapanabay pang bigkas ng mga na may kalakas.
"Kumusta naman ang Mommy mo iho matagal na kaming hindi nakikita" ani Mrs. Akito sakin boss.
"Ayus naman po, minsan po pasyal naman kayo sa bahay" anito
"Hayaan mo pag hindi na ako busy at may time nako dadalawin ko din Mommy mo. Ikaw ba wala parin asawa."Tanong nito kita ko namang umiling lang ang boss ko. "Aba pareho kayo nitong anak ko." wika pa nito.
"Wag po kayung mag-alala malapit na po" pagmamayabang naman ng boss kung masungit.
"Abay dapat lang hindi na kayo bumabata, hindi naman nagkakalayo ang edad niyo ni Zaky." Tugon pa nito.
"How about you Miss Rio, do you have a boyfriend?" tanong dito ni Zaky
"Yes she's taken." ani boss niya bago palang siya makasagot, kaya napataas ang kanyang kilay, kaya tiningnan niya ito at nakita niya itong naka ngisi.
"But your not married right?" ani Zaky tumingin pa sa kamay niya.
"She's getting married very soon" ani uli ng boss niya, kaya pasimple na niyang kinurot ito sa tagiliran hinuli naman nito ang kamay niya at hindi na binitawan.
"behave" bulong nito sa punong tenga niya. Kaya naramdaman niya ang nainit na hininga nito na nagpataas ng mga balahibo niya.
"possessive" bigkas ni Zaky na nakatingin sa boss niya.
Alas tress na ng hapon ng makabalik sila sa opisina nila. Na hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang boss niya sa buong biyahe nila.
"Be thankful at naitaboy ko yung lalakeng gustong lumandi sayo" usal nito bahang nasakay silang dalawa sa elevator.
"Napaka baho talaga ng bunganga nitong lalakeng ito" bulong niya na alam naman niyang umabot sa pandinig nito.
"What mabaho" itinaas pa nito ang palad at itinapat sa bibig saka binugahan ng hangin, nagmakita niya ang ginawa nito napatingin siya sa taas at tagumpay na ngumisi, kaya naman sinamaan siya nito ng tingin.
.........................................................
please follow my account and add my stories in your list...
......"Lady Lhee"....
....thanksguys...loveu...lrs...