Episode 6

2303 Words
Kanina pa siya hindi mapalagay sa kinauupuan niya para siyang sinisilihan hindi talaga siya komportable sa ngayon, ito ang unang araw niya na ang CEO ang boss niya. Maaga siyang pumasok dahil yun ang sabi nito kahapon pero kanina pa siya silip ng silip sa opisina nito pero hanggang ngayon wala pa din ang CEO. "You, follow to my office" maawtoridad na utos nito sa kanya na mukhang galit, kaya naman nagmamadali na siyang sumunod dito pero bigla itong huminto kaya napasubsub ang mukha niya sa matigas na likod nito. "What the f**k are you doing" singhal nito na halos magbuga na ng apoy ang bunganga nito. "Sorry sir" pakumbaba niya. "Kasalanan mo din kasi, bakit kasi biglang kang huminto" bulong niya. "What? What did you just said?" sigaw nito sa kanya kahit magkatabi lang sila, napabaling naman sa ibang direksyon ang mata niya dahil ayaw niyang magkasalubong ang nagliliyab na mata nito sa galit. "Nothing." anas nalang niya. "Siguraduhin mo lang na ikaw lang ang makakarining ng bulong mo" angil pa nito. "Give me a cup of coffee" utos nito "Black coffee or with cream sir" tanong niya dito. "Damn what's that" sigaw nito sa kanya. "First time ko sir kayung ipamtitimpla ng kape kaya nga nagtatanong, masama ba yun?" taas kilay niyang sagot dito, habang halos magdikit na ang mga kilay ng boss niya. Dahil sa inis lumabas nalang siya ng opisina nito. "Bahala ka nga" bulong niya. "Here's your coffee sir" sabay lapag ng tasa ng kape sa table nito, aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita. "Anong mga gagawin ko ngayon?" tanong niya sakin "Wala sir schedule ng meeting ngayon" sagot ko. "Ano 'tong mga ito" sigaw na naman nito sabay turo sa mga folder sa ibabaw ng mesa niya. "Eh di mga folder ano pa ba?" singhal na niya dito. "Hindi yun ang ibig kung sabihin." singhal din niya sakin kala naman niya uurungan ko siya. "Sir 'bat ako tinatanong niyo bakit hindi nalang niyo i-review at pirmahan ang dapat pirmahan, anong alam ko dyan sa trabaho niyo" wika ko na at pinagtaasan siya ng kilay. "May nilagay na kung mga code diyan kaya madali ng masundan, isa pa kabisado naman niyo siguro kung anong ibig sabihin ng mga code, di ba sir?" pang-aasar kung sabi at mabilis ng lumabas ng opisina niya. "Damn that woman, matapang pa sakin may araw karin sakin babae ka, naunahan mulang ako" bulong niya pagkalabas ni Margie. Hanggang ngayon masakit pa braso niya hirap pa din siya lumunok dahil sa pagkakasakal nito sa kanya. Ni hindi man lang ito natakot sa kanya wala din "sorry" matapos siyang atakihin nito. Nakarinig ako ng mahihinang katok. "What the hell r.." sigaw niya sa pag-aakalang ang secretary nanaman niya ang kumakatok. "Whoa dude mukha yatang mainit ulo mo ah" ani ng kaibigan kung si Noel na siyang pumutol sa sasabihin ko, isa itong doctor, kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit mo nga pala ako pinatawag, kung ang itatanong mo sakin kung anong gamot sa init ng ulo mo isa lang sagot diyan babae." anito at sinabayan pa ng malakas na tawa. "Maglubay ka nga.. Ano gamot dito, masakit 'tong braso ko at lalamunan" ani ko at ipinakita ko pa ang braso kung medyo namamaga. "Napaano yan nakipag-away kaba? Mukhang napalipit yan?" sinipat pa ni Noel yun braso ko at pinanganga pa niya ako pero umiling-iling lang ito. "May mga pasa ka pa dude sinong may gawa niyan sayo at resbakan natin, bakit pumayag kang matatoan ng ganyan" ani Noel na biglang nagseryoso. Kung sasabihin ko naman dito baka pagtawanan lang ako nito, kaya nanahimik nalang ako. Ng bumakas uli ang pinto ng opisina ko pumasok naman dun ang dalawa ko pang kaibigan. Dahil alam nilang ngayon ang pasok ko. "Dude what happened to your f*****g face." Gulat na tanong ni Steve lumabas pa ito para hanapin kung sino man ang may sala. Alam na niya agad dahil pinagtaas na siya nito ng kilay. "She's different simple and yet gorgeous ..yung tipong pinakakasalan" dagdag pa nito na ikinainis niya. "Kadarating mo lang nagpabugbug ka agad, sinong may gawa niyan, sabihin mo't kami na ang bahala" ani Brando na may pag-alala. "Dude ganda ng bago mong secretary, ipakilala mo naman ako" ani Tristan pagpasok palang ng opisina ko. Habang nag-uusap sila ng mga kaibigan niya bumukas na naman ang pinto ng opisina niya iniluwa ang kanyan ina. "Oohh..iho kumusta na ang pakiramdam mo ayus na naba braso mo?" tanong ng kayang Mommy. "Tita sino po may gawa niyan, san po ba siya napaaway sabihin niyo lang Tita at kami ng bahala." wika ng mga kaibigan niya matapos bumati sa Mommy niya. "Naku baka pag-nalaman ninyo kung sino may gawa niyan baka wala din kayung magawa" ani Mommy niya. "Mom stop it" aniyang pagpipigil sa sasabihin nito. "Sige na Tita sabihin ninyo at igaganti namin si Al" dagdag pa ni Brando. "Babae ang may gawa niyan kay Al" ani mommy niya. "Babae" bulalas ni Noel. "Babae" sabay sabay na bigkas ng mga kaibigan niya na ikinasimangot niya. "Dude mahina naba ang karisma mo at nabubugbug kana ng babae o baka wala kanang karisma ngayon" ani naman ni Steve na tumatawa. "Yes madam" ani Margie pagpasok niya sa opisina, agad siya pumasok matapos niya marinig ang boses nito sa intercom. "Paki ayus naman ang mga ito" utos ni Mrs. Hernaiz sabay turo sa dalawang paper bag na may lamang pagkaing dala nito. "Tita pakilala mo naman kami sa maganda mong secretary" ani Tristan na may ngiti sa labi. "Miss Rio ito nga pala mga kaibigan ni Al" pagpapakilala ni Mrs Hernaiz isa-isa sa kanya, dahil hindi naman siya inretesado ngitian nalang niya ang mga ito isa-isa na hindi na pinag-aksayahan makipag-kamay, ng maayus na niya ang mga pagkain nagpaalam na siya sa mga iyon at lumabas na. "Suplada" ani Noel "Huwag niyo ng pansinin at hindi kayo uubra kay Miss Rio she's different, binabalan ko kayo boys layuan ninyo siya" may pagbabantang turan ni Mrs Hernaiz sa mga kaibigan ng anak. Ng sila nalang mag-ina ang naiwan sa loob ng opisina tinawag niya uli si Margie matapos nila pagusapan ang tungkol sa trabahong ipapasa ng ina sa kanya. "Miss Rio natapos mo naba yung proposal na pingagawa ko sayo, ikaw din magpre-present niyan" ani Mrs. Hernaiz kaya inabot na niya dito ang folder na hawak niya, nakita niyang ipinasa nito sa anak ang folder. "Here ikaw na bahala diyan basahin mo kung papasa sayo" utos ng kanya mommy. "Alam ko ng ilalaman niyan" ani Al na hindi man lang tinapunan ng tingin ang folder na binigay ng Mommy niya. "Paanong alam mo, nabasa mo naba yan" takang tanong ng kanyang Mommy. "No need to read" sagot niya na nakasimangot, galit parin siya kay Margie dahil hangga ngayon masakit parin ang katawan niya. Hindi nga niya alam kung galit ba siya dito o takot siya. Nakita rin niya na matapang siya nito hinaharap na para bang may galit ito sa kanya samantala ngayon lang sila nagkita nito. Lumipas pa ang isang linggo na ito ang kasama niya bilang secretary, pero ni minsan hindi man lang niya ito nakitang ngumiti sa kanya laging pormal lang kung makipagusap. Kaya kung minsan napapaisip siya kung may atraso ba siya dito dati. Nababanaagan niya sa magandang abuhing mata nito na may galit para bang gustong manakit. "Did we met before?" tanong niya sa sarili niya. hanggang ngayon nagtataka siya kung bakit ganun nalang kung tratuhin siya nito pero pag ang Mommy niya ang kausap nito napaka lambing, nakangiti rin ito kaya makikita mo kung gaano ito kaganda. Nag-iinit ang katawan lupa niya pag-naaalala niya ang first encounter nila ng ma-out of balance ito ng hilahin niya bigla ang braso nito na naging sanhi ng pagkakadikit ng dibdib nito sa katawan niya, parang hanggang ngayon dama parin niya ang malambot na katawan nito na nagpapainit sa kanya na ngayon lang nangyari. Alam din niya umiiwas ito sa kanya ni ayaw nga nitong nagkakalapit sila na para bang may virus siyang nakakahawa kaya ganun nalang kung tratohin niya ito. " I'll find out who the hell are you Miss Margie Rio" bulong niya sa sarili dahil torture ito sa kanya. "Get ready Miss. Rio we're going to Cebu tomorrow early in the morning, we stay there for three days" maawtoridad na wika niya pagpasok palang nito sa opisina niya, nakita pa niya kung paano napakunot noo ito, matalim din nakatitig ito sa kanya, kung hindi lang sa utos ng kanyang ina hindi niya ito isasama. Baka ano pa magawa niya dito, nag-iiba ang pakiramdan niya pag nalalapit ito sa kanya. "You may leave now tapusin mo na mga ginagawa mo para maaga kang nakauwi" pagdi-dismiss niya dito, dahil torture ito sa kanya pag nalalapit ito sa kanya. Maganda ang secretary niya ngayon pero sa malayo lang niya ito malayang pinagmamasdan, maganda at may katangkaran ito balingkinitan ang katawan, maputi ang makinis nitong balat, hindi lang niya alam kung gaano kahaba ang kulay chokolateng buhok nito dahil laging nakapaikot na nakapusod iyun, perpekto ang guhit ng natural na kilay nito na bumagay sa malantik na pilikmata nito. Ito lang ang babaeng pinagpantasyahan niya ng ganito kaya naiiling siya, ilan beses naba siyang nakipag-date sa babae buhat ng first encounter nila pero parang nawalan na siya ng gana sa mga babae hindi tulad ng dati kaya niyang tumagal kahit ilan round ngayon nakaka-isa round lang siya iiwan na niya ang babae, dati iba't ibang babae kasama niya gabi-gabi ngayon iba na buhat ng bumalik siya naka-tatlo palang siya ng babaeng nai-date nawawalan na siya ng gana. Naiiling siya sa naiisip dahil sa tingin niya iisang babae nalang ang nagpapainit ng katawan lupa niya. Mukhan ito lang din ang tugon para maibsan ang init na nararamdam niya pero paano. Napabuntong hininga muna siya bago niya itinutuk sa laptop ang buong attention niya. Paglapag palang ng private plane niya natanaw na niya ang mga tauhan nila, ito ang sundo nila pero hindi sa kanya nakatingin ang mga ito kung hindi sa kasama niyang dalaga kaya nag-iinit na naman ang ulo niya, ano ba ang meron sa babaeng kasama niya at halos lahat nalang ay humahanga dito, aminado naman siyang maganda ito kaya takaw pansin, idagdag pang naka suot ito sleeveless na bistedang hindi pa umabot sa tuhod, kaya kita ang makinis nitong kutis. Hindi na siya nagaksayang tugoning ang mga pagbati ng mga tauhan dahil sa inis niya kaya pumasok nalang siya agad sa sasakyang laan para sa kanila, nakita pa niya kung paano asikasuhin ng mga tauhan niya ang dalaga at mas lalo pa siya nabwesit ng tudo ngiti pa ang dalaga, naibalibag niya tuloy ang pinto ng sasakyan pagpasok niya. Tahimik lang sila habang nasa biyahe katabi niya ang dalaga sa back seat na hindi man lang siya pinagaksayahan tingnan ni lingon nga hindi nito ginawa, malayo din ang agwat nila nakasiksik ito malapit sa pinto. Ito ang una niyang makikita ang bago nilang project nasabi na ng Mommy niya ang tungkol dito malaki daw ang naiambag dito ni Miss Rio kaya nga pinasama ito ng Mommy niya, nakita rin niyang mas excited pa itong makita ang project kaya dumiretso na sila sa site. Nakita niyang maganda ang mga disenyo, ang interior and exterior design maging sa landscaping madami narin daw natatangap na mga E-mail's from here and abroad, napansin din niya kanina may mga tarpaulin na sa nadaanan nila ibig sabihin may advertisement na, ang may ideas daw nuon ay iisang tao lang at yun ay si Miss Margie Rio. Kaya napagkasunduan nila ng mga board at investors na magkaroon ng kaunting salo-salo sa susunod na gabi. Gusto sana niyang nasa tabi lang niya si Margie bilang secretary pero mas madalas pa nitong kasama ang mga Architect at Engineer alam naman niya ka-team ito ng dalaga, pero iba ang nakikita niya mula pa ng dumating sila sa site laging nakaalaylay ang kanilang Arkitekto dito ganun din ang ibang mga tauhan nila, mas kumulo pa ang dugo niya ng hapitin ni Architect Santiago sa bewang ang dalaga na hindi man lang tumutol. Tanaw niya mula sa kinauupuan niya ang secretary niya katabi nito si Architect Roy na halos yakapin na ang dalaga sa sobrang lapit ng katawa ng dalawa at ayaw niya ng nakikita niya.Tumayo na siya at wala siyang pakialam pa kung anong sinasabi ng mga kasama niya sa table niya. "Miss Rio sumunod ka sakin may paguusapan tayo" utos niya dito at agad naman tumalima ito, dinala na ito sa lugar na alam niya walang dumadaan tao. "Tungkol ba sir saan ang paguusapan natin" anito agad sa kanya. "Hindi kita isinama dito para lang makipaglandian sa kung sino-sinong mga lalake, kung alam ko lang ganyan ka kalandi hindi na dapat kita sinama, o baka nakulangan ka lang kagabi, sino-sino bang katabi mo kagabing natulog ku.." Pero isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ang ng patingil sa sasabihin niya mula sa dalaga. "Wag na wag kang magbibintang agad ng kung ano-ano dahil hindi mo ako kilala para paratangan ng ganyan" mahina pero madiin singhal niya dito. "Huwag ka ng magmalinis Miss Rio dahil alam na alam ko ang mga galaw ng mga babaeng tulad mo, pero huwag kang mag-alala hindi ako pumapatol sa babaeng pinagsawaan na ng kung sino-sinong lalake." sigaw niya dito, sa pangalawang pagkakataon hindi lang sampal ang natikman niya buhat sa dalaga binigyan pa siya nito ng isang malakas na suntok sa sikmura na siyang ikinauklo ng katawan niya, dahil kinakapos siya sa paghinga kaya dahan dahan siya kumapit sa pader malapit sa kanya upang lumakad palapit sa isang bench para makaupo pag lingon niya kung saan nakatayo ang dalaga kanina wala ng tao dun. ......................................................... please follow my account and add my stories in your library... ....... "Lady Lhee".... thanksguys..loveu...lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD