Pag-baba niya ng pampasaherong jeep sa tapat ng Hernaiz building dahan-dahan na siya naglakad pasok sa loob, dati rati masigla at magaan ang pakiramdam niya sa tuwing papasok siya sa entrada palang ng building pero ngayon bumibigat na ang kalooban niya at patuloy na nagpapahina sa kanya dahil limang linggo nalang siya makakapasok at labas sa pintong yun.
Nalulungkot siya dahil minahal na niya ang trabaho niya maging ang mga kasamahan niya, mami-miss niya ang mga ito. Huminto siya sa tapat ng nakasaradong pinto ng elevator upang maghintay kasama ang iba pang empleyado.
Nag-ayus na siya ng table niya upang simulan na ang kanyang mga gagawain, sinilip pa niya kung nasa loob ng opisina ang boss niya pero wala pa ito kaya naupo na siya sa swivel chair niya at binuksa ang laptop.
"Good morning madam, ito po mga schedule niyo for today madam. 9am Mr. Julian Samaniego of Samaniego Group of Company, 11:45 Mr. Armando Antonio Hernaiz, 3:30, Magallanes & Company " litanya niya dito pagkababa niya ng tasa ng coffee sa table nito.
"Yan talagang asawa ko oo, pati ba naman siya nagpa-schedule pa para sa lunch namin." anito na tumatawa pa ng mahina.
"Ang sweet nga po madam halatang mahal na mahal kayo ni Sir, perfect couple." sagot niya dito na may panunukso, makapalagayan na niya ito ng loob, mabait ito sa kanya minsan na siyang nagkamali sa mga paper work niya pero hindi man lang ito nagalit bagkos tinuruan pa siya nito kung anong dapat gawin.
"Ganun na nga siguro pero hindi naman perpekto ang naging relasyon namin dumating din sa puntong muntik na kaming maghiwalay, marami din kasing babaeng umaaligid sa asawa ko ilan bases ko din siya nahuling may kasamang babae, hindi ko na nga mabilang kung ilan na ang naging babae niya, madalas din namin pinaawayan ang mga babae niya. Marami ding pagsubok na dumaan sa aming buhay mag asawa at alam kung meron pang mga darating pero handa akung harapin lahat ng mga yun at sana kayanin ko pa, alam kung may edad narin ako pero kakayanin ko para manatiling boo ang pamilya ko." mahabang litanya nito.
"Madam mawalang galang na po. Sabi niyo po madaming naging babae si Sir. Paano po kung isang araw may magpakilalang anak siya ni Sir? Ano po gagawin niyo magagalit po kayo sa naging anak niya sa iba?" tanong niya dito, gusto nitang malaman kung ano magiging tugon nito.
"Alam mo bang naisip ko na yan nuon pa, na isang araw may kakatok sa pintuan namin at sasabihin anak siya ni Armando Hernaiz o kaya isang babaeng nabuntisan niya at magde-demand ng sustento. Sa akin naman walang kasalanan ang bata ang asawa ko at ang babae ang may sala diyan lalo na ang mga babaeng pumapatol sa may asawa, pero kung meron man naging anak si Armando kailangan ko munang masigurong anak nga niya by DNA test result. Masakit tanggapin yun pero wala akung magagawa kung sakaling meron man, maging ang anak ko tatangapin daw niya kung meron man siya kapatid sa labas. Alam mo bang gusto ng anak ko ng kapatid kaya lang hindi na kasi ako pwedeng mag-anak pa uli at baka ikamatay ko na ayun sa doctor." paliwanag nito. Alam niyang nalulungkot ito ayun sa hitsura ng mukha nito pero hindi niya alam kung dahil ba sa hindi na ito nag-kaanak pa uli o dahil baka nga may anak sa labas ang asawa nito.
Totoo naman kasing walang perpektong tao kaya wala din perpektong relasyon, kung ang dila at ngipin nga daw makasama na pero nakakagat pa ng ngipin ang dila. Marami lang talagang tukso kahit saan ka pa magpunta.
Kasabay niya kumain ng lunch ang iba pang empleyado sa pantry malapit sa may opisina niya, masaya silang ng kukuwentuhan habang kumakain dahil wala ang boss kaya bigay todo ang tawanan nila.
"Alam niyo ba ang tsismis ngayon na kumakalat?" tanong ng isang kasamahan niya.
"Ano naman tsismis yun, tungkol saan? sinong natsi-tsismis?" tanong uli ng isa.
"Baka naman hindi totoo gawa-gawa lang yun, alam mo na marami talagang mapag-gawa ng maling kwento may masabi lang." aniya para huwag ng patulan pa kung ano man ang kumakalat na tsismis dahil hindi siya interesado sa kung ano man tsismis.
"Hindi ka ba interesado, alam mo bang kasama ka sa tsismis, kaya nasabi ko para malaman ko kung totoo ba o hindi?" nanglalaki pa ang mata nitong tanong sa kanya, kaya napataas naman ang isang kilay niya.
"Ano bang klasing tsismis yun at kasama pati ako?" balik tanong niya dito
"Ikaw talaga dakilang tsismosa sige nga ano naman yun aber?" ani pa ng isa.
"Ang sabi sa tsismis nagkagulo daw sa bar na pinuntahan niyo at isa ka daw doon, nang gulpi ka daw ng lalake." anito, hindi siya nakakibo sa sinabi nito, hindi niya akalain na kakalat pa ang nangyaring yun sa bar na pinuntahan nila, ilang linggo nabang nakakalipas, mahigit tatlong linggo na nga yata.
"Saan bar yun? kailan pa nangyari?" tanong uli ng isa pang kasamahan nila, samantala siya wala lang imik
"Nuong ground-breaking ceremony daw sa Cebu" sagot nito
"Hala matagal na yun ah, bakit ngayon lang kumalat ang tsismis" ani pa ng isa.
"Ngayon lang kasi pumasok si Amie na-truma yata dahil nabastos daw, nahipuan daw siya ng lasing na lakake" dagdag pa nito. kaya napatutup pa sa bibig ang iba nilang kasamahan.
"Margie totoo ba yun di ba kasama ka dun" tanong pa ng isa.
"Ikaw daw nagligtas sa kanila" wala pa din siya imik, ayaw na niyang pag-usap pa kung anong nangyari dun, may pagkukulang din kasi ang mga kasamahan niya kundi ba naman kasi naglasing at nagwala sa dance floor di hindi sana mababastos tapos ang mga suot halos wala ng itinago.
"Huwag nalang niyong patulan kung ano mang kumakalat na tsismis." usal nalang niya dahil sa kanya nakatingin lahat ng kasamahan niya hinihintay kung ano sasabihin niya. Naiiling nalang siya at nagligpit na ng pinagkainan, tahimik nalang din tumayo ang mga kasamahan niya at nag-ayus na, hanggang sa makabalik siya sa mesa niya wala padin siya imik.
Naalala niya ang mga ka-team niya, yun iba kasi bumalik na ng Cebu para mag supervise lalo na sila Architect Roy at Engineer Santos, kailangan ma-check mabuti ang mga materials na gagamitin, kailangang matibay ang mga pundasyon na gagawin. Kahit gusto niyang sumama sa mga ka-team niya hindi rin pwede dahil sa tambak na gawain niya, meron din isang pang proposal na pinagagawa sa kanya ang boss niya.
Nakita niya dumaan sa may harapan niya ang mag-asawang Hernaiz na masayang nag-uusap kaya hinayaan nalang niya, hindi na siya nag-abala pang batiin ang mga ito, pinagpatuloy nalang niya ang pagre-review sa mga folder na nakatambak sa ibabaw ng mesa niya, gusto na niya matapos lahat yun para masimulan na niya ang proposal na pinagagawa ng boss niya bago pa matapos ang kontrata niya.
Nagsisikip ang dibdib niya tuwing maaalalang malapit na siyang mawalan ng trabaho paano na ang pamilya niya, kailangang-kailangan pa naman niya ng malaking halaga. Nung isang linggo nagkayayaan sila ng mga kasamahan nilang pumunta ng Tagaytay may nakita siyang isang bahay na luma Spanish style yun mukhang maingat ang may-ari dahil napanatili ang ganda nun, ang sabi-sabi binebenta na daw yun ng mga anak ng dating may-ari dahil sa ibang bansa na daw nakatira. Gusto sana niya yun, kaya nga pasimple niyang pinasok yun ng hindi siya nakikita ng mga kasamahan kinausap niya ang caretaker at kinuha din niya ang contact number ng mga ito kaya lang ang problema wala siya sapat na pera. Napabuntong hininga nalang siya sa naalala.
Alas diyes na ng gabi siya lumabas ng opisina at habang nakatayo siya sa tabing kalsada para maghintay ng taxing masasakyan ng may bumusinang itim na sasakyan sa tabi niya na siyang ikinagulat niya.
"Hop in Miss Rio hatid na kita masyado ng gabi mahihirapan kanang mahintay ng masasakyan" ani ng baritonong boses.
"Mr. Alvarez kayo po pala, good evening po" bati niya dito anak ito ng isa sa mga investor nila, nakilala niya ang lakake nung nag-present siya ng proposal niya. Nahihiya man siya pero sumakay nadin siya.
"Ginagabi ka yata" anito pagka-upo palang niya, sinabi nadin niya kung saan siya nakatira.
"Let's eat first bago kita ihatid nagugutom na ako." anito, nun napansin niyang ibang daan ang tinatahak nila. Dinala siya nito sa isang Italian Restaurant ito nadin ang pinapili niya kung ano ang kakainin nila dahil alam niya mahal ang mga pagkaing ise-serve dito. Mistisohin ito ayun sa pagkakaalam niya German ang ina nito ang ama naman nito ay half Filipino half Brazilian, pero dito daw sa Pilipinas ito lumaki dahil itinago daw ng ama nito sa ina nito, itinira daw ito sa probinsya kung saan may sariling hacienda pag-aari ang mga magulang nito kaya laking lola ito. Alam din niyang sa edad nito thirty five wala pang sineryosong babae ito, sakabila ng hindi mabilang na mga babae na nagdadaan sa buhay nito ginagawa lang daw nitong laruan ang mga babae ibig sabihin hanggang kama lang ang mga yun, pero kahit ganun marami parin nagkakandarapang mga babae dito. Dahil nadin siguro sa gwapo at mayaman ito.
"Musta kana Miss Rio or should i say Margie para hindi naman masyadong formal" anito kaya nabaling ang pansin niya dito.
"Okay lang naman ako" sagot niya.
"Mukhang ginagabi ka, pinahihirapan kaba sa trabaho ng mga Hernaiz?"
"Hindi naman talaga lang madaming trabaho ngayon." aniya pero sa isip niya mas pabor sa kanya kung lagi siyang nag-o-overtime mas malaki ang sweldo niya, mas malaki din ang maipapadala niya sa pamilya niya.
Naalimpungat siya ng mag-ring ang cellphone niya kaya agad niyang kinuha yun.
"Hello" aniya
"Huhulaan ko nagising na naman kita" ani sa kabilang linya na may halong tawa.
"Musta na kayo dyan mukhang sobrang busy niyo ah?"
"Oo medyo busy talaga lalo na ngayon nagsisimula ng mag-tayo ng mga pundasyo kaya kailangan talagan tutukan namin. ani Roy, madami pa silang napag-usap nito bago nag-paalam.
Samantala sa mansion ng mga Hernaiz isang tawag mula sa security guard sa entrance ng gate ng isang kilalang subdivision ang natanggap nila.
"Sir Al ito na po miryenda niyo" ani ng isang kasambahay nila habang nakaupo siya sa may hardin nila dito niya gusto kumain bago matulog dahil pagod na pagod pa siya sa mahabang biyahe hindi rin kumpleto ang tulog niya ng mga nagdaan gabi.
"Salamat" mahikling tugon niya ng maibaba na ang miryenda niya sa lamesa
"Sir Al meron po palang tumawag galing po sa security guard sa labas sa may gate po ng village may babae daw pong nagpipilit pumunta dito, Kristel daw po pangalan.
"f**k" sigaw niya at nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng mansion nila, kinuha niya ang susi ng kotse niya at mabilis siyang sumakay dito, kumabila siya ng daan upang hindi niya masalubong ang babae, ayaw na niya itong makita pa.Huminto muna siya at nag-isip kung saan ba siya pupunta.
"Damn that woman, after what she did to me may lakas pa siya ng loob na magpunta dito." kausap niya sa sarili.
Ng mai-park na niya ang sasakyan lumabas na siya at nagmamadaling pumasok sa loob na muntik pa nga siya harangin ng mga security guards ng building nila dahil sa hitsura niya buti at nakilala siya agad.
Sinusundan siya ng tingin ng mga taong nasasalubong niya nagtataka ang mga ito. Bago palang siya makapasok sa opisina niya napansin na niya ang isang babae sa table ng secretary niya nakayuko ito at tutuk sa laptop nito, napahinto siya at pinagmasdan ito, naaliw siya sa ginagawa nito pinaiikot-ikot pa nito ang ballpen sa mga daliri nito habang malakas na nagbabasa sa hula niya ay isang proposal yun, nangmatapos magbasa.
"Done.. i'll wish na ma-appove ka uli ng mga board at investors para may commission uli ako dahil kailangan ko ng malaking halaga total patapos nadin ang kontrata ko dito...Lord please po" wika niya habang abala padin sa pagtingin sa laptop.
Ng mag-angat siya ng tingin nabigla pa siya sa nakita niya. May isang lalaking nakatunhay sa kanya na mukhang galing kung saan.
"Excuse me may kailangan ka, may kaanak kaba dito, dun ka nalang maghintay sa may lobby bawal dito." aniya dito, sinuri pa niya ito gwapo ito kahit wala sa ayus ang suot, itim na jersing boxer short at puting t-shirt na luma ang suot nito naka beachwalk na kulay asul ang sapin nito sa paa. Pero umiling-iling lang ito at nilapitan na siya ito.
"Ano bang kailangan mo nagsu-solicit kaba, bawal dito yun, bigyan nalang kita ng 100 tapos umalis kana at baka mapagalitan pa ako ng boss ko pag-nakita ka" aniya dito, pero laking gulat niya ng hawakan nito ang braso niya at hinila siya nito palapit sa katawan nito kaya na-out of balance siya at nasubsub ang dibdib niya sa katawan ng lalake halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha nila, kaya nakita niya ang asul na mata nito at dahil sa takot, siya naman ang humawak sa isang kamay nito pinilipit niya yun papunta sa likod nito at itinulak kaya naman nabitiwan nito ang braso niya at sinamantala naman niya yun at kinabig niya ito sa leeg kaya hindi ito makagalaw, malakas din niyang siniko ito, isusubsub na sana niya ito sa semento ng lumabas si Mrs. Hernaiz.
"Ohh my God!.... My son...Miss Rio" bulaslas nito dahil sa gulat.
.........................................................please follow my account and add my stories in your library
......"Lady Lhee"......
....thanksguys...loveu....
.........................................................