Habang ako'y naglalakad sa lobby papunta sa aking table binabati ako ng ibang mga katulad kung empleyado, kaya naman hindi mawala-wala ang ngiti ko sa mga labi. May masaya meron din naman mga nakataas ang kanilang kilay, meron pang nagsabi mayabang daw ako. "tsk" ano naman ipagyayabang ko. Meron talagang taong walang kasiyahan mga taong ayaw ng nakakakita ng umaangat ang kapwa nila.
"Next week nagiging abala kana, kaya kailangan mo ng makipag-usap sa mga engineer at architect natin ipaliwanag mo sa kanila ang project natin dahil ikaw ang nakakaalam niyan. Kailangan mo din makita ang site pati na ang mga disenyo. Huwag kang mag-alala darating na ang asawa ko, mauuna siyang umuwi kaysa sa anak ko kaya makakasama natin siya." wika ni Mrs. Hernaiz sa kanya.
"Sige po mada'am makikipag-unyan po ako sa kanila, magse-set po ako ng meeting sa mga taong may kaunayan sa project. aniya dito, hindi parin siya makapaniwala sa isang iglap lang nagbago yata ang ihip ng hangin.
"Huwag kang mag-alala at may additional incentive ka naman makukuha dito, magiging busy kana ngayon dahil madadagdagan na trabaho mo patulong ka nalang kay Michelle" anito na lihim na ikinatuwa niya.
Naging busy nga siya nitong sunod na dalawang araw, lumilipas ang oras na hindi niya namamalayan ni hindi nga niya maalalang kumain kanina kung hindi pa siya niyayang mananghalian ng kaibigan baka hindi rin siya kumain.
"Miss. Rio come to my office now" rinig niyang tawag ng boss niya mula intercom.
"Have a seat Miss. Rio.The investors wants your presence on the meeting tomorrow at nine o'clock in the morning together with Architect Santiago and Engineer Santos. Gusto nilang masimulan na ang project next week alam mo naman mga busy din yun sa mga sarili nilang business" anito pagkaupo palang niya.
"Copy ma'am inform ko din po sila Architect at Engineer" aniya na may baka sa dibdib.
Naalimpungatan siya sa tunog ng kanya cellphone kinapa niya yun lump shed table nakita niya unknown number kaya ibinalik nalang uli niya it's three fifteen in the morning, wala pang isang minuto tumunog uli ang kanyang aparato gusto pa niyang matulog kaya winalang bahala nalang niya sa ikatlong pagtunog sinagot na niya yun pero hindi siya nagsalita.
"Good morning Miss Rio, did i waking you up?" ani baritunong boses sa kabilang linya kaya napadilat agad ang kanyang mga mata. Inaalala niya kung kanino boses yun, "Sino naman kaya itong magaling na lalakeng itong kaaga-agang nambulahaw" bulong niya sa isip niya bago pa sagutin kung sino ang nasa kabilang linya.
"Yes..good morning. May i know whow's on line please" magalang niyang tanong dito, nadinig pa niyang tumikhim ito.
"This is Architect Roy Santiago sorry for distrubing your peaceful sleep Miss Rio pero remind ko lang sana na five ang flight natin and i'll fech you in your apartment at four para hindi kana mahirapan pang kumuha nag masasakyan. See you." anito at ibinababa na agad ang tawag kaya napanganga nalang siya. Ang galing ng lalake ito ni hindi nako pinagsalita, lumabas na ako ng silid ko para makapag kape bago pa makaligo. Mamaya na ang ground breaking ceremony para sa project nila, isang fifty storeys building hotel yun na itatayo sa gitna ng maraming ibat-ibang naglalakihang puno.
Natuwa naman ang mga tao dun dahil wala kahit isang puno ang matatanggal maliban nalang sa mga sangang magiging sagaban sa building. Marami din sila natatanggap na E-mail, mga turistang nagtatanon na kung kailan daw matatapos ang nasabing hotel. Nagpakalat na kasi siya ng mga tarpaulin kasama ng disenyo ng Hotel. Maganda ang pagkakagawa ng disenyo ng building sa pagtutulongan ng mga architect at engineer, malaking bagay yun para sa kanya at sa kompaya nila, kaya ganun nalang kung madaliin ng mga investor na masimulan na agad.
Ng makadinig ako ng sunod-sunod na busina hinila ko na ang aking maleta alam kung si Roy na yun. Nakita ko siyang natayo sa tabi ng kanyang Mitsubishi Pajero, naka v-neck na white shirt ito na pinatungan ng gray na coat, at maong jeans, mukha itong kagalang-galang, matangkad, malaki din ang pangangatawan nito medyo pangahan na ng bigay ng seryosong aura ng mukha nito, moreno ang balat nito dahil narin siguro sa trabaho nitong laging naaarawan.
"Hi! good morning" bati niya sakin, lumakad pa siya pasalubong sakin para kuhanin ang aking dalang maleta.
"Good morning too, aga mo ah" ani ko,
"Baka kasi tanghaliin tayo nakakahiya kung ma-late tayo, okay na 'tong dala mo, five days tayo dun" pagpapa-alala nito, tumango nalang ako at pinangbuksan na niya ako sa pintuan.
"Saan nga pala pamilya mo bakit mag-isa mo lang dyan" basag niya sa katahimikan namin habang sana biyahe.
"Nasa probinsiya sila, ako lang talaga andito.
"Hhmm..may boyfriend kana ba Margie"
"Bakit mo naman natanong" balik tanong ko sa kanya, nakita kung nagkibit balikat lang ito.
"Baka kasi may masagasaan akong tao mahirap na" may kahulugan anito na tumingin sa sakin sabay kindat.
Nakapalagayan loob ko ito mula ng mapag-usapan namin ang disenyo ng proposal ko, inilatag ko dito ang sarili kong concept ng hotel building sumang-ayon naman ito kasama pa si Engineer Santos, kaya naman mas naging maganda ang kinalabasan maging ang mga investor natuwa ng makita ang boong disenyo, kasama na ang interior design concept, landscaping design.
"Pwede naman tayung mag-extend ng kahit ilan days dun para makapag-relax naman tayo, nakakapagod din yun puro trabaho." anito na nakapag pabalik sa kasalukuyan saking pag-iisip.
"Yes kung papayagan tayong buong team ni boss." aniko
"Papayag yun total after this busy na uli tayo, baka magtagal kami dun ng team." wika nito.
Sumakay kami ng private plane ng mga Hernaiz, sabi ng piloto nito fifty passengers daw ang kayang lulan nito, maganda ang kabuoan ng airplane maluwag ito, sixteen lang kami ng team plus dalawa ang piloto lima ang strewardess, nauna na daw ang mag-asawang Hernaiz kagabi pa.
Sa pagbabago ng buhay niya nalulungkot pa din siya dahil hindi rin magtatagal at lilisanin din niya ang kumpanya ng mga Hernaiz ang kumpanyang minahal na niya once na bumalik na yun secretary nila. Kaya ngayon palang nag-iisip na siya kung saan at kung ano naman ang mapapasukan niyang trabaho, lalo na at nalalapit na ang binigay na palugit ng tiyahin nila.
"Ayus ka lang ba" ani Roy sa kanya.
"Oo naman" sagot niyang naiilang, ito ang katabi niya sa upuan, halos ayaw na nga nitong lumayo sa kanya.
"Para kasing ang lalim ng iniisip mo, may problema ba, care to share". anito.
"Wala naman, tungkol lang sa trabaho" pagsisinungaling niya.
Ng makarating na siya sa destination nila nagkanya-kanya na sila ng kwartong tutuluyan sa isa hotel, dalawa sa bawat kwarto.May dalawang oras pa bago mag-umpisa ang ceremony.
Maraming dumalo sa Groundbreaking Ceremony, may mga kilalang tao sa lipunan, at business industries, maging mga sikat na celebrities at modelo at syempre hindi mawawala ang mga international at local media para sa advertising issues. Marami din sari-saring pagkain at inumin.
Nakita niya ang mga asawang Hernaiz ang kanilang boss kasama nito ang mga investors, mga board members, mga local officials. Napapangiti siya ng makita niyang abala lahat ang mga tao sa paligid niya. Ng magumpisa ng magsalita ang EMCEE natahimik na ang lahat, gusto nilang lahat na masaksihan ang mahalagang okasyon ngayon, pero hindi parin mawala-wala ang mga bulong-bulongan, nadinig din niyang may naghahanap sa nag-iisang anak daw ng mga Hernaiz.
"Hayy salamat naman at natapos din, nakakapagod yun ah" ani Luz ang kanyang kasama sa kwarto na mukhang pagod na pagod, maging siya man ay napagod.
"Oo nakakapagod talaga" aniya ay humiga na siya sa kama.
"Nagyaya sila Engineer mamayang gabi labas daw tayo wala naman daw tayung gagawin bukas." anito, na nagpataas ng kanyang kilay, ibig sabihin mababawasan na naman ang pera niya, nag-iipon nga siya para sa pamilya niya kaya halos ayaw niyang lumalabas ng bahay.
"Mag-celebrate naman daw tayo sa successful ng project ng kompanya, diba ikaw ang may proposal nun" dagdag na tanong nito, naiiling nalang siya sa tinuran nito.
"Wala akung isusuot" pagdadahilan nalang niya dito.
"Yun lang ba problema mo? meron ako dito apat pa nga dala ko, wait lang at kukunin ko, hindi naman nagkakalayu ang size natin mas sexy ka lang ng kunti sakin, isa pa madali nalang remedyuhan yun." litanya nito, wala talaga siyang lusot dito.
"Hindi lang talaga ako sanay sa night life." aniya dito. Dahil sa pagtitipid talagang kinalimutan na niya lumabas pare mag-relax dahil para sa kanya gastus lang.
Ng sumapit na ang gabi naglipatan pa ang iba nilang mga kasama sa silid nila duon daw masisipagbihis ang mga ito. Nakita niya ang mga isusuot ng mga ito na pawang mga sexy na halos wala ng itago, talagang sanay nga ang mga ito sa night life, sa mga bar. Pang alis daw ng stress sabi ng mga ito, kaya napilitan nadin siya isuot ng ibinigay na damit sa kanya.
"Wow ang ganda mo Margie para kang modelo, bagay sayo yan damit na suot mo" ani ng isang kasamahan nila. Napangiwi naman siya dahil hanggang kalahati lang ng hita niya yun suot niya na kulay pulang spaghetti strap na backless kaya kita na ang cleavage niya, malambot lang tela nun kaya lumapat sa hubog ng katawan niya, nahihiya man siya sa suot niya wala din siyang magawa, ganun din kasi ang mga suot ng mga kasama niya.
"Sexy mo nakakaingit ka naman" ani pa ng isa.
"Upo ka na dito Margie at aayusan na kita at baka naiinip na satin yun mga boys sa baba" ani Luz at inilugay nito ang hanggang bewang niyang buhok at kinulot ang dulo, nilagyan din siya ng mga ito ng light make-up at red lipslick lang naman pero mas lalong lumutang ang akin niyang kagandahan, nagsuot din siya ng three inches silver sandal na dala niya.
"Wow ang ganda mo talaga" puri pa ng isa nilang kasama
"Mai-in-love lalo sayo si Architect niyan" ani pa ng isa na nagpapula sa kanya pingi, kaya naman nagtawanan nalang sila sa mga biruan nila.
Nagmakababa na sila tama nga ang mga kasama nila dahil kanina pa daw naghihintay ang mga lalake nilang kasama.
"You look gorgeous" puri ni Architect Roy, pagkalapit nito sa kanyang nakakunot noo at agad din hinubad ang suot na jacket at ipinatong sa balikat niya. "Huwag mong tatanggalin baka lamigin yan likod mo." dagdag pa nito na ikinatango niya.
"Wala kanang itinago" anito kaya napakangat labi nalang siya. Inalalay na siya nito papunta sa parking lot.
Maingay mausok at may ibat ibang kulay ng mga dim light ang nabungaran nila pagpasok, hindi naman ito ang first time niya makapasok sa ganitong lugar, hindi lang talaga niya hilig mag bar hopping, ayaw niya ng mausok at maingay hindi rin siya mahilig maginum. Umupo sila sa corner kung saan may mas malaking table para kumasya sila, nag-order na rin sila ng maiinum at makakain, juice lang ang inorder niya, ayaw niyang malasing.
"Hindi kaba umiinum" tanong ni Architect Roy sa kanya, umiling lang siya dito dahil malakas ng sound, katabi niya ito sa upuan na halos maskiskisan na ang mga braso at hita nila kaya talagang naman naasiwa siya dito nasa kabila nman niya si Luz. Nagdumating na ang order nila nagkanya-kanya na kuha ng baso ang mga kasama niya samantala siya ay juice lang.
"Margei try mo to hindi ka naman malalasing kung kunti lang iinumin mo." Kumbinsi pa sa kanya ng isa nilang kasama, umiling lang siya dito, ayaw na talaga niyang malasing dahil sa isang bangungot sa buhay niya at ayaw nadin niyang maulit yun. "not now, not ever again" bulong niya sa isip niya. at paninindigan niya yun.
"Hayaan mo na siya wag niyo ng pilitin" ani Roy sa kanila.
Nakita niyang nag-e-enjoy naman ang mga kasama niya at alam din niya madami ng nainum ang mga ito kaya naman halos magwala na ang iba niyang kasama sa dance floor, nakita pa niya may mga lalakeng lumalapit sa mga kasama niyang babaeng nasa dance floor pero bali wala lang sa mga ito. Naalerto siya dahil may ibang pakiramdam siyang nararamdam alam niyang may magyayaring di maganda ngayon gabi dahil sa pagwawala ng mga babae niyang kasama, tatlo lang ang kasama nilang lalake yun isa umalis pa kasama ang babaeng lumapit dito alam na niya kung saan yun pupunta. siyam silang babae hindi sumama yun ibang may asawa, yun isa four months pregy daw, nilingon niya si Roy mukhang ayus pa naman dahil hindi naman malakas uminum peron yun isa mukhang may tama na.
Maya-maya nga nagkagulo na sa dance floor dahil tatlo sa mga kasama nila ay binabastos at hinihila ng mga lasing na lalake, nakita pa niya hinawakan yun isang kasamahan niya sa maselan bahagi ng katawan kaya napatayo na siya pero pinigilan siya ni Roy hinawi niya ang kamay nito at nagmamadali na siya nagtatakbo upang tulungan ang mga kasamang babae.
Hinatak niya ang kamay ni Luz upang mabawi sa dalawang lasing na lakake pero sinampal siya nito kaya naman binigyan niya ito ng isang malakas na uppercut punch na nagpatumba dito, isa pang undercut punch para naman sa isa pang lasing kaya namam mas lalong nagkagulo, nagpawala din siya ng mga pamatay niya flying kick sa iba pang lasing na ikinasira ng ng suot niya damit. Naawat lang siya ng dumating ang mga bouncers ng bar.
Siya na ang nag-alalay sa mga kasama siya mga babae na sa tingin niya ay nawala ang pagkalasing ng mga ito, maging si Roy ay hindi makakibo sa nasaksihan, napatumba nito ang anim na lalake kahit nakasuot ito ng high heels. Nganga silang lahat sa ginawa niya at walang makakibo sa kanila kahit isa.
...........................................................please follow my account and add my stories in your library...
......"Lady Lhee".....
....thanks guys loveu"......