Episode 3

2192 Words
Maaga siyang bumangon ngayon, araw ng linggo, ito ang araw na napag-usapan nila ng may ari ng apartment na sinabi ng isang kasamahan niyang empleyada, naka-videocall na niya ang may-ari nito nun isang araw, ayun sa may-ari kaaalis lang daw ng dating umupa dun. "Hello po ate andito napo ako sa tapat ng apartment niyo, saan napo kayo" tanong niya sa may-ari ng apartment tinawagan na niya ito pagkadating niya dito, pinasadahan pa niya ng tingin ang paligid kung may kakaiba ba, nakita niya na may sariling gate bawat pintuan ng apartment, yun sana dulo malaki ang gate nun may hagdanan paakyat para sa second floor bali walong pinto yun, apat sa taas apat sa baba. Naka kadena yun gate sa pinakauna naka padlock yun kaya hindi basta-basta mapapasok, mukha din tahimik ang paligid may mga teenager sa may waiting shed na pawang naka-focus sa kani-kanilang gadget. "Excuse me ikaw ba si Margie Rio" tanong ng isang babae sa aking likuran, kaya nilingun ko ito. "Ako nga ate, ito po ba yun bakante" aniya dito sabay turo sa gate sa tapat niya. "Oo yan nga teka lang at bubuksan ko para makita mo yun loob" anito at pinasadahan siya ng tingin at luminga-linga pa ito na parang may hinahanap. "Halika tingnan mo kung magugustohan mo, bagong pintura lang yan, yun kasing dating umuupa dito may anak na kambal na lalake, naku eh kalilikot lahat halos ng dingding sinulatan ng krayulang ibat-ibang kulay kaya ayan pinapinturahan ko para gumanda ng kunti, mga bata nga naman kahihirap pagsabihan, tulad din ng mga apo ko, pangpunta mo sa bahay namin ay sus mula sa kusina hanggang sa sala papunta sa kwarto nila puro sulat grabe sila." anito na natatawa, napakamut pa ito sa nuo. "Ganun po talaga ang mga bata ngayon" aniya naman dito. Nakita niya maganda naman ang kulay ng mga dingding maaliwalas tingnan, may isang k'warto may kama sa gitna na walang kutson, may closet at may isang pinto ng buksan niya yun nakita niyang banyo. Nakita niya din may air condition, isa sa k'warto at isa sa sala magkasama na ang sala't kusina. "Maganda napo ito kurtina nalang ang kulang" wika niya. "Yang kama sakin yan at yun four seated na dinning table gamit ko yan dati sa bahay kaya lang wala nakung paglagyan kaya dito ko nalang inilagay gamitin mo nalang matitibay yan, mga narra yan" anito sa kanya, nakita niya yung kama mukhang queen size bed yun malaki para sa kanya. Pag nasa sala ka kita mo na ang kusina kailangan may divider para medyo matago ang lutuan. bulong niya. "Ayus napo sakin ito, malapit pa po sa pinagtratrabahuhan ko" aniya dito. "Saan kabang kumpanya pumapasok?" tanong nito. "Diyan lang po mga Hernaiz." tugon ko naman. "Naku sa Hernaiz ba kamo eh kasungit daw ng may-ari niyan masyadong daw istrekto, buti at napasok ka, diyan lang yan malapit mga 15 to 20 minutes lang ang layo mula dito pero kung ma-traffic aabutin ka kalahating oras mahigit, diyang ka nalang sa kanto sumakay tumawid ka, dun ang sakayan dun ka mismo sa tapat ng building ng Hernaiz bababa." Mahabang wika nito, habang nakaturo pa ang mga daliri nito, kaya napalingon siya, malapit lang ang kantong tinutukoy nito mga apat na bahay lang mula sa apartment. Nagpaalam nadin ito matapos siya mag bigay ng down payment at advance na dalawang buwan, kaya naiwan na siya. Binuksan niya yun dalawang pinto sa kusina nakita niya na ang isa ay cr ang isa naman ay laundry area may mga grills yun kaya hindi agad mapapasok ng magnanakaw, may dalawang planganang itim dun isang malaki at isang maliit kaya hindi na siya bibili ng batya. Tiningnan niyang mabuti ang kabuoan ng bahay, mga pang kusina ang naisip niya unahing bilhin. Matapos niyang suriing maigi ang kabuoang bahay niya, lumabas na siya kailangan na niya bumili ang mga pangunahin pangangailangan. "Kung susuwertehen ako baka dito ko nalang ding pag-aralin sila Drew, p'wede din mag-part-time job si Drew o kaya makakuha ng scholarship" kausap niya sa sarili bago lumabas ng gate ng bahay niya. Naglakad-lakad nalang siya, "ayun sa may-ari ng apartment meron daw malapit na bulihan ng mga gamit pambahay lumiko daw ako sa may kanan" kausap niya sa sarili niya. Kaya napabuntong hininga nalang siya. Nakakita nga siya ng maliit na appliances center, pumasok siya dun upang tumingin ng mga kakailanganin niya. "Yes ma'am, good morning po, pasok po kayo ano po ba ang kailangan nila para po matulungan ko kayo" tanong sa kanya ng isa clerk na lalake pagpasok niya. "Titingin lang sana ako ng stove, ano bang maganda" tanong niya dito. "This way po ma'am, marami po kayung mapagpipilian" anito "Gusto ko single buner gas stove at LPG tank lang magisa ko lang naman." usal niya dito "Ma'am baka po gusto niyo itong may oven na para kung gusto niyong mag-bake may magagamit na po kayo" suggestion nito. "Baka hindi kayanin ng budget ko bibili din kasi ako kutson at sala set, mga kitchen utensil" aniya na may lungkot sa mukha, naalala niya ang kanyang mama mahilig mag-bake ng tinapay, yun sana ang gusto niyang bilhin para sa kanya ina kaya lang nagka-problema sila financial. Ngayon inaalok siya ng oven. "Huwag po kayung mag-alala ma'am pwede naman pong installment ang bayad, pwede po kayung kumuha kung ano mga kailangan niyong mga appliances, pwede po kayung kumuha ng tv, ref., air con. washing machine, kahit ano po ma'am p'wede naman po niyong hulugan buwan-buwan maliit lang po ang pa-interest namin, magkano po bang budget niyo baka pwede nating pag-usapan." Mahabang paliwanag nito. Kaya nanglaki ang kanyang mga mata pwede na siyang kumuha ng mga kakailanganin niya sa bahay. "Paano ba ang proseso" tanong niya dito dahil nagka-interest siya sa offer nito. "Dito po ma'am, kausapin po natin si ma'am Liza para makakuha na po kayo ng mga gamit sa bahay niyo." Anito at iginiya na siya nito sa may naka hilarang mga mesa kung saan may mga babaeng nakaupo sa bawat mesa. "Ma'am Liza maga-apply si ma'am ng loan para sa mga appliances niya sa bahay niya" anito sa isang babaeng tinawag na Liza. "Ma'am dito po upo po kayo dito para ma-interview na po kayo. Anito. "Ma'am coffee po or juice" tanong pa nito na siyang ikinangiti niya. "P'wede ba tubig nalang, salamat" aniya. "Sige po ma'am kukuha ko lang kayo." Maraming tinanong sa kanya yun Liza ang pangalan nagmatapos sila, nalulula siya sa pinag-usapan nila, magaling sa sales talk ang mga ito nakumbinsi siya kumaha ng mga appliances, may tv, ref., sala set, kutson, mga kawali, kaserola, kaldero, plato, baso, halos lahat yata ng kailangan niya nakuha na niya. Mukhang mapupuno ng appliances ang bahay niya natatawa nalang siya ng mahina. "Ma'am may bibilin pa po ba kayo o ihahatid na namin mga gamit niyo. "Wait lang may bibilhin pa ako diyan malapit lang" aniya dito. "Pakihintay nalang ako." Dagdag pa niya at nagmanadali na siyang lumabas para mamili ng ibang kailangan. Nakalipas ang ilang oras natapos na din ang lahat, nagkalaman nadin ang kanyang bahay, may natira padin siya pera para allowance niya sa dalawang linggo. "Miryenda muna kayo bago kayo umalis" alok niya sa mga nagbuhat ng mga gamit niya. bumili na siya kanina ng mga soft drink at tinapay, nakabili na din siya ng lahat ng kailangan niya. Nalabhan na niya ang mga kobre kama at punda na nabili niya para magamit na niya yun mamayang gabi, plano na niyang dito matulog. Minsan pa niyang pinasadahan ng tingin ang bago niya bahay bago niya nilisan ito upang pumunta naman sa bahay ng kanyang kaibigan, magpapaalam na siya sa mga ito, nahihiya siya sa mga ito, napakabuti ng mga ito sa kaniya maging sa pamilya niya. "Kung ako lang talaga ang masusunod hindi kita papayagang umalis pa dito, malaki naman itong bahay para samin tatlo, malulungkot ako at hindi kana namin makakasama" ani ng tita Eva niya ng magpaalam siya sa mga ito. "Huwag po kayung mag-alala tita Eva dadalaw po ako pag may free time ako." paglalambing niya dito. "Talaga bang ayaw mong magpahatid sa bago mong bahay Margie, siguruhin mo lang safe ka diyan sa bahay mo huh." wika naman ng kaibigan niya na may pagbabanta, kaya natawa siya ng mahina, niyakap niya isa-isa ang mga ito at nagpaalam na bago pa siya sumakay sa grab ng tinawagan niya. Bago pa siya matulog tinawagan niya ang pamilya niya masaya niyang ibinalita dito ang mga nangyari sa buhay niya kasama na ang paglipat niya sa bago niyang bahay, masaya din ang mga iyon ng malaman ang magandang balita niya. "Good morning po madam coffee po niyo, may board meeting po kayo ng 10:00am, 1:00pm po Santiago Construction Group of Co., 4:00pm Mrs. Felomina Saldoval, yan lang po ang schedule niyo ngayon." Saad niya sa mga meeting schedule nito matapos niya ibaba sa table nito ang paborito nitong kape. "Hhmm.. kung hindi lang kabastusan hindi ako makikipagkita d'yan sa Sandoval na iyan." anito na mukhang naiinis sa pagbangit niya sa pangalang Sandoval, mukhang hindi nito gusto yung tao. "Yung mga proposal ba natin nagawa mo na, pagbutihin mo dahil ikaw ang magpre-present niyan bukas kailangan ma-impress mo ang mga boards at investors natin." anito na nagpakaba sa kanya. "Madam baka po hindi ko maabot ang standard ng mga investors." usal niya na may kaba sa dibdib. "Kaya mo yan just focus to our goals, isipin mong hindi lang ikaw, hindi lang tayo ang makikinabang ng mga projects natin madami tayong matutulongan taong nangangailan, nakasalaylay dito ang kompanya natin, relax ka lang, think positive always, andito lang ako." litanya nito na nakapag palakas ng kanyan loob. Paglabas niya ng opisina ng CEO dumiretso na siya sa opisina ng marketing department gusto niya makausap kahit na sino dun para makakuha siya ng mga ideas na gagamitin niya sa mga proposal niya. Halos maghapon siyang abala sa pag-review sa kanyang proposal hindi siya mapalagay nag-aalala siya baka pumalpak ang presentation niya. Minsan pa niyang pinasadahan ng basa ang kanyang proposal bago i-print. Nanalangin siyang ma-approve ng mga investors at mga board yun. Hating gabi na pero gising parin siya iniisip parin niya ang magiging presentation niya, kinakabahan siya pero hindi lang naman ito ang una niya pagpe-present, lagi na nga niyang ginagawa ito nuon. Minsan pa niyang tiningnan ang kanya pepleksyon sa salamin sa kuwarto niya kung ayus na ba ang hitsura niya, naglagay siya ng light make-up at magpahid ng kunting lipstick. Nanglalamig ang kanyan mga kamay ng makita niyang isa-isa ng nagdadatingan ang mga board at investor. Naka-ready na ang conference room kung saan gaganapin ang mahalangang pagpupulong ng mga board, investors at iba pang tao na may mataas na position sa ibang companies alam niyang sa kanya nakasalalay ang tapumpay ng proyengto ng kompanya. Kanina pa siya nagdadasal lahat yata ng santong alam niya tinawag na niya. "You ready Miss. Rio" ani Mrs. Hernaiz na nagpalik sa kanya sa kasalukuyan. Tinapik pa siya nito sa balikat. "Just relax and focus. okay. kaya mo yan, may tiwala ako sayo." dagdag pang wika nito na may ngiti sa mga labi, ayaw naman niyang masira ang tiwala nito sa kanya. Nang mag-umpisa na ang meeting tahimik ng nakaupo ang bawat isa sa kanilang designated chair, katabi niya si Mrs. Hernaiz. Ng tinawag na ang pangalan niya para sa presentation sa project nila uminom muna siya ng tubig sa basong nakatapat sa kanya bago dahan-dahan tumayo, ipinakilala muna niya ang sarili niya gayun din ang kompanya nila, bago niya inumpisahan ipaliwag kung ano ba ang kahalagahan nito sa tao at maging sa inviroment, kung paano makakatulong, kung sino-sino ba ang dapat makinabang, kung paano sila pupuwedeng kumita ganun din sa lahat ng nakapaligid sa kanila. Habang nagsasalita siya pinagmamasdan din niya ang mga tao sa loob ng bulwagan wala man lang nagsasalita o nagtatanong sa kanya pawang nakatingin lang ang ito sa kanya, maging si Mrs. Hernaiz ay tahimik lang pero kita niyang may ngiti sa mga labi ito. Uminom siya uli ng tubig ng matapos na siyang mag-present. "Meron pa po ba kayung gusto itanong or malaman about sa presentation k..." "Miss Rio right?" ani isang may edad ng lalake na isa sa mga investor na pumutol sa sasabihin niya sana. "Yes...po Margie Rio sir" sagot niya dito na may ngiti sa mga labi. "Ano pa ba ang itatanong ko kung nasabi mo ng lahat pinakyaw muna" anito na natatawa, tumayo pa ito at pumalakpak ng mahina na ginaya naman ng iba pang mga tao sa loob. Matapos ang breaktime para sa konting snack nag-resume uli ang meeting. Dito malalaman kung maap-prove ba ang project proposal nila kaya mas todo kaba siya, nakaupo lang siya at tahimik na nakatingin sa monitor ng projector kung saan makikita ang pangalan ng ibat-ibang company. Dahil wala siya sa sarili hindi niya namalayan na 70% ng vote ang nakuha nila para sa project. Ibig sabihin sa kanila mapupunta ang proyekto. Malakas na palakpak nalang ang nagpagising sa nahihimbing niyang diwa kasabay nun ang pagyakap sa kanya ng mahigpit ni Mrs. Hernaiz. "Congratulations Miss Rio" ...........................................................please follow my account. ..and add my stories in your library .....thanks...."Lady Lhee"...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD