Episode 2

2148 Words
Napabalikwas ng bangon si Margie ng may kumatok sa pintuan, agad niyang nakita ang kaibigan na may ngiti sa mga labi nito pagpasok sa kwartong inaakupa niya. "Are you ready?" Trina asked her with a smile in her face. "Yes i am but a little bit nervous." she said in a cold tune. Sumakay na din siya sa kotse ng kaibigan, ayun dito nabili daw nito yun sa dating officemate nito na nag-migrate na sa US, ibig sabihin secondhand lang ang kotse nito pero muka pang bago, kulay pulang toyota yun. "Alam mo bang itong kotse kung ito ang kauna-unahan kung naipundar mula sa sweldo ko sa pinapasukan ko." may pagmamalaking wika nito. "Buti kapa may naipundar na kami kasi nagbayad ng mga utang, awa ng Dios nakaraus nadin." aniya "Sa una kung sweldo ipapadala ko kila mama" dagdag pa niyang parang nangangarap "Don't worried maayus din ang lahat Margie. Kaya mo yan ikaw pa kilala kitang matapang, matalino, walang sinusukuan." anito sabay kindat sa kanya kaya matawa nalang siya sa mga sinasabi nito kabisado na nila ang isat-isat, sabay silang lumaki nito, magkalapit lang dati ang mga bahay nila, mag-kaklase muna elementary hanggang high school. Lumipat lang ang mga ito sa Manila ng mag-college na ito, pero siya din ay nag-aral sa Manila nuon college magkaiba nga lang sila ng school nito. Working student siya nun college kaya lahat ng trabaho pinasok niya, binibigyan naman siya ng pera ng mga magulang niya pero tumangi siya alam niya kaya siyang pag-aralin ng mga magulang niya pero gusto niyang tumayo sa sariling mga paa, dahil sa katigasan ng ulo niya muntik pa siyang hindi maka-graduate nun, nahinto siya ng isang taon pero ng gum-graduate, c*m laude naman siya kaya proud ang pamilya niya sa kanya. "We're here Margie, be ready" anito, napatango nalang siya dito. Namamangha siya sa ganda ng building ng kompanyang pinagtratrabahuhan ng kaibigan napakaganda nito. Sumunod nalang siya dito hanggang sa may elevator, maraming empleyadong naghihintay sa pagbukas ng elevator, naghintay nadin sila, pansin niya maraming bumabati sa kaibigan niya, dahil siguro matagal na itong nagtratrabaho dito kaya madami na ding kaibigan. Pinaghintay nalang siya ng kaibigan sa may lobby, ang sabi wala pa daw ang boss nilang si Mrs Hernaiz ang siyang acting CEO. Ito daw ang pansamantalang CEO ngayon dahil nasa business trip ang anak nitong siyang CEO. Kaya naman naisipang nalang niyang magpunta muna ng restroom. "Bago ka dito?" tanong sa kanya ng isang babae na hula niya ay empleyado dito ayun sa suot nitong uniporme at ID. "Oo kaya lang hindi ko pa alam kung matatanggap ako, hintayin ko pa daw si Mrs. Hernaiz." aniya "Aahhh.. baka ikaw yun ini-recommend na pansamantalang substitution secretary ni boss" sabi pa ng isang babae may mahabang buhok. "Oarang ganun na nga yata dahil naka maternity leave daw yun secretary ng boss" sagot niya dito. Marami pa silang napag usapan ng mga babaeng naayus sa loob ng cr bago siya lumabas. "Mukang mabait naman sila" bulong niya sa isip niya, pero may ilan naman nakaismid lang na kung makatingin akala mo may sakit akung nakakahawa. May mga tao talagang mapanghusga kahit wala naman silang alam sa tunay na buhay ng kapwa nila, hinuhusgahan ka nila ayun lang sa panlabas na kaanyuan mo. "Bakit ano bang masama sa hitsura ko, pangit ba damit o mumurahin lang."bulong niya. Kanina pa niya kinokutkut ang kanyang kuko naiinip na siya na may kahalong kaba, naiisip niya baka hindi siya makapasa sa magiging boss niya. Napatayo siya ng may makita siya isang sopistikadang matangkad na babaeng naglalakad papunta sa gawi niya, maganda ito kahit halata na ditong may edad narin sa tingin niya nasa mid fifty na ito ng matapat sa kanya ito binati niya ito sabay yuko ng kunti, ngumiti lang ito sa kanya. Ipinakilala siya ng kaibigan niya kay Mrs. Eleonor Hernaiz ang ina ng CEO "Ma'dam siya po yun sinasabi kung friend ko, si Miss Margie Rio" anito na nakangiti. Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa. Pakiramdam niya inuuri siya nitong mabuti, nagsalubong pa ang retukado nitong kilay bago tumaas yun. "Bueno iwan mo na kami Miss Domingo kakausapin ko lang siya may gusto lang akung itanong sa kanya." ani Mrs. Hernaiz. "Hhmm...miss Rio right?" "Yes ma'am Margie Rio po" aniya na may kaba sa dibdib. Napansin niyang nakatitig lang ito sa kanya na parang may malalim na iniisip. "Are you related to Don Juan Crisanto Del Mondrio the great business tycoon?" tanong nito na nagpakaba sa kanya. "No ma'am" aniya nagpasalamat siya at hindi siya nautal ng pagsagot dito. "Okay kalimutan mo yun may naalala lang ako medyo kahawig mo kasi" wika nito na may ngiti sa labi. "Madami naman po ma'am na magkakahawig" aniya na gumanti ng ngiti dito. Madami tinanong ito sa kanya, mukha lang pala itong suplada pero napakabait pala nito, laging naka ngiti pag-nagsasalita, kaya napalagay agad ang loob niya dito. "Gusto kung magumpisa kana ngayon tambak na ang mga paper works dito, nahihirapan nadin si Michelle. Patuturuan na kita para masimulan mo ang dapat gawin, kung hindi mo maintindihan pwede kang magtano kahit sakin para walang mali sa gagawin mo maliwanag ba?" saad nitong tanong. "Yes ma'am. Aaralin ko pong mabuti" aniya na may ngiti sa mga labi dahil tanggap na siya agad may trabaho na siya. "Pangbubutihin ko para hindi naman mapahiya ang aking kaibigang nag-recommend sakin dito, sana lang maabot ko yun standard nila" bulong niya sa isip niya. "Ako na tatawag sa HR para sa mga papales mo" anito sa kanya na laking pasasalamat naman niya dito. First day niya ngayon sa trabaho niya mag-hapon siyang tinuruan ni Michelle, tinatandaan niya bawat sabihin nito, hindi naman bago sa kanya ang ganitong trabaho, dati nadin siyang nagtrabaho sa isang kompanya nun nasa New York pa siya. Kaya lang naninibago pa siya, pero kaya naman niya. Habang iniisa-isa niya ang mga folders na nasa ibabaw ng kanyang table, tumunog ang intercom na naguugnay sa opisina ng boss niya na siyang ikinagulat niya. "Miss Rio come to my office now" rinig niya ang boses ng boss niya, kaya dali-dali siyang tumayo. "Paki lagyan naman ng code ang mga ito para madaling sundan baka kasi mahirapan ang anak ko pag siya na uli ang naupo, tatlong linggo mula ngayon darating na yun, kung walang sagabal" anito pagpasok palang nila sa opisina nito. Malaki ang opisina nito halos puro salamin ang dingding nito white ang gray ang kulay, malamang ang anak nito ang nasunod sa kulay, ang kisame kulay white sa pinaka gitna may chandelier na napakalaki, may kulay ginto at kristal na kimikintab, may kurtinang asul sa kabilang side may dalawang pinto sa may dulo hula niya isa dun ay cr. Kinuha na niya ang mga folder na nasa ibabaw ng table nito, lalabas na sana siya ng napahinto siya. "Dito mo nalang gawin yan, gamitin mo nalang yan isang table diyan." utus nito sa kanya at tinuro pa ang isang table malapit sa may pinto. "Pagnatapos mo diyan paki xerox ang mga ito" dagdag pa nito. "Sige po madam." aniya at kinuha niya ang mga papels. "Anong oras ba yun meeting ko kay Mr. Suarez" tanong nito. "Mamaya pa pong 4:30pm madam, last na po yun sa araw na ito." aniya. Umupo na siya sa table dala niya ang mga folder. Kailangan pa niya reviewhin ang mga yun bago lagyan ng mga code, may nakita pa siyang folder dun sa tingin niya ay isang project proposal para sa mga Del Mondrio, ibig sabihin nag-i-invest ang mga Del Mondrio sa Company ng mga Hernaiz, kaya kinabahan siyang bigla. "Sino kaya sa mga Del Mondrio ang uma-attend ng mga business transaction" tanong niya sa sarili. "Hindi pa dapat mag-krus ang mga landas natin not now Del Mondrio, alam ko darating din ang araw na iyon sana lang handa nakong harapin kayo." aniya na nagtatangis ang mga ngipin nanglilisik din ang kanyang mga mata. Napahawak nalang siya sa kuwintas na suot niya, dati rati ayaw niya sinusuot ang kuwintas na yun pero ng makiusap ang kanyang ina, isunot nadin niya, ayun dito karugtong daw ng buhay niya yun bilang isang prensesa ng pamilya, kaya pagnalulungkot siya hinahawakan at idinidikit nalang niya yun sa kanyang mga labi na nagpapakalma sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa niya alam kung ano bang hiwaga ang meron ang kuwintas na yun dahil wala naman maipaliwanag ang kanyang ina. Mahihinang katok sa pintuan ang kanyang narinig na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan, kasunod nuon ang pagpasok ng isang babaeng napakaganda, maputi ang makinis nitong kutis may mapupulang mga labi dahil sa kapal ng lipstick nito, naka bisteda ito ng pula na hanggang kalahati lang ng hita kaya kitang kita ang makinis nitong balat, kitang kita din ang nahuhumiyaw na dibdib nito dahil sa spaghetti strap na sout nito, naka four inches silver clear lace stiletto heels ito, kaya napa kunot noo siya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na nakataas ang mga nakaguhit nitong kilay. "Who are you? What are you doing here, Where's my fiancee?" taas noong tanong nito sa kanyan. Nataon naman wala si Mrs. Hernaiz pumasok yun sa cr kaya siya ang naabutan nito sa table ng CEO. Napanganga siya sa inakto nito, "Kung ganon ito pala ang girlfriend ng CEO, supistikada nga wala naman itinago halos lahat nakalabas, singkapal din ng make-up niya ang mukha niya" bulong niya. "What did you just say" tanong ulit nito sa kanya ng maulinigan nitong may binubulong siya. "Wala po mam, sabi ko nasa business trip po si sir Al, si madam lang po andito." aniya na ibinalik ang tingin sa mga folder sa table. "Bago ka dito nuh" tanong uli nito na nakapameywang pa. "Yes ma'am bago lang po ako, ako po substitute ng secretary" aniya. naiirita siya dito akala mo kung sinong makaasta, mukhang tama nga sabi ng kanyang kaibigan masasama ang ugali ng mga girlfriend ng boss nila, mukhang mayaman ito ayun sa suot nitong damit at mga alahas na nagkikintaban at ang bag nito na sa pagkakaalam niya ay nagkakahalaga ng kung ilan daan libong peso. Isang tikhim ng nagpalingun sa kanila, bumaling siya ng tingin sa babaeng naka pula nakita niya itong malawak na ngumiti kay Mrs. Hernaiz. "Hi po Tita"anito na kinakunot naman ng noo ni Mrs. Hernaiz. "Yes may maipaglilikod ba kami sayo?" tanong ni Mrs. Hernaiz. "Tita ako po si Suzzy girlfriend po ako ni Al, dalawin po sana siya?" anito na may matamis na ngiti sa labi. "What girlfriend?... Wala dito ang anak ko at ayaw na ayaw kung ginagawang pasyalan ng kung sino-sinong babae ang opisina ko." iritableng usal nito. Na ikinangisi ko. "Tita sabi po ni Al pwede naman daw akung dumalaw dito sa opisina niya anytime" aniya pa. "Sa lahat ng ayaw ko yung ipinagduduldulan ang sarili niya sa isang lalake, kaya makakaalis kana" mariing asik ni Mrs. Hernaiz. "Gusto lang naman p..." pinutol na ni Mrs. Hernaiz kung ano man ang gusto niyang sabihin ng itaas nito ang kamay para pahintuin na siya. "Sinabi ko na makakaalis kana naiisturbo mo na kami sige na. you may leave now." ani Mrs. Hernaiz kaya nagdadabog itong tumayo at lumabas ng pinto, nahilot naman ni Mrs. Hernaiz ang sintido nito, lihim naman siyang nangiti sa nasaksihang pangyayari. "Kailang pa kaya magtitino ang aking anak, sumasakit na ang ulo ko sa dami ng mga babae niya." anito na nagpalingun sa kanya. "Miss Rio umorder ka nalang ng lunch natin dito na tayo kumain" utus nito sa kanya, ng tumingin siya sa wrist watch niya 12:24 na pala, kaya dali-dali na siya tumayo. "Mis Rio halika samahan mo ako sa meeting ko kay Mr. Suarez." tumayo siya at kinuha na niya ang kakailanganin sa nasabing meeting na gaganapin sa conference room, isa daw ito sa sisu-supplyan nila ng mga tela, may textile industry pala ang mga Hernaiz ngayon lang niya nalaman sabagay hindi naman talaga niya kilala ang mga ito. Ayun pa dito isa daw itong Mexicano na nagpapadagdag pa ng pruduktong ie-export papuntang Mexico. Kaya nagulat siya sa sinabi nito. Kung saan-saan palang bansa nakakarating ang mga pruduktong tela ng mga Hernaiz kaya pala napakayaman ng mga ito, bukod sa mga hotels at airline meron din pala silang textile" bulong niya. Halos gabi na ng matapos ang meeting nila, napagbigyan naman ang demands nitong additional tones of garment. Galing pa daw sa bansang Mexico sila Mr. Suarez, kasama ang anak nitong lalake na susunod daw na hahawak ng kompanya ng mga ito. Kaya masaya din ang boss niya dahil madaming tumatangkilik ng mga produkto nila. "Miss Rio pwede kanang umuwi para maaga ka bukas at baka mag-o-overtime kadin marami tayung gagawin ngayon, tambak ang trabaho natin" litanya nito. "Sige po madam, mauna na po ako" paalam niya dito kaya nakahinga siya ng maluwag. ......................................................... ..please follow my account & add my story in your library... thanks. ....."Lady Lhee"...... .....loveyouguys....lrs....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD