Hindi ko alam kung paano ko ididispatsa itong babaing 'to. Lagi nalang nila akong ginigipit sa kasal na hindi ko naman gusto. Basta nalang pumapasok dito sa opisina ko. "Hi! honey sa bahay ka nalang daw mag dinner mamaya sabi ni Mommy." aniya at hinalikan nanaman niya ako sa labi na ikinaiirita ko. Kung makaasta para asawa niya ako. Hindi pa man hinahawakan na niya ako sa leeg. "Hindi ako makakapunta marami akung trabahong tatapusin." pahinamad kung wika. "Lagi ka nalang walang oras pagdating sakin. Baka makakalimutan mong malapit na ang kasal natin." aniya na may pagbabanta pa. "Wala akung pakialam sa kasal na sinasabi mo. Kayo lang ng Mommy mo ang nagplaplano niyan at hindi ako interesado sa kasal niyong mag-ina." asik ko sa kanya dahil lagi nilang pinagpipilitan ang kasal daw nami

