"Ate Margie kailan ang flight mo?" Tanong ni Anaki sakin habang naghahapunan kami. "Bakit saan ang punta mo? Akala ko mag stay kana dito for good dahil ikaw na magma-manage ng textile." Takang tanung sakin ni Aarush. "Sa makalawa na. Mayroon akung mga gown na kasali sa fashion show. Kaya kailangan ako duon. Marami din akung aayusin." aniko na hindi man lang nag-angat ng tingin dahil ramdam kung sakin silang lahat nakatingin. "Kailan ang balik mo? Huwag kang magtatagal duon. Gusto ko andito kayung lahat na magkakapatid." ani tanda na mukhang nalungkot sa mga nadinig. Maging si sungit masamang nakatunghay lang sakin. "Babalik din po ako once na matapos ko ng lahat ng mga trabaho ko. Siguro isang buwan lang ako duon. Iiwanan ko nalang po ang mga anak ko dahil sayang naman yun mga lesson

