Matapos maligo ni Astriece ay agad siyang bumaba sa hagdan. Nakita niya si Kenney na nakasuot ng apron at busy sa paggagayat ng mga pagkain na hindi naman niya alam kung ano ang tawag. Pasimple siyang pumunta sa lababo at ang dami no'n, hindi niya alam kung ano ang lulutuin nito. Biglang nakaisip ng hindi maganda si Astriece, lalo na medyo okay na ang pakiramdam niya. Pakiramdam ramdam din niya na wala ang asawa niya, kaya naman napangiti siya bigla. Kaso paglingon niya, nakita niya ang nakangiting mukha ni Kenney at napairap siya bigla. "May nakakatuwa ba?" malditang sambit ni Astriece at umiling naman si Kenney at napansin nito na hindi nakatingin sa hinihiwa ang dalaga na parang mga chef sa bahay niya. Kinuyom niya ang kamay at agad tinulak ang dalaga at kinuha ang kutsilyo. "Tabi

