KABANATA II- Bad News

1100 Words
"Cindy, may bad news. Wala na 'yung author ng book," my manager said on the other line. "Si Celine? What do you mean wala na?" "Patay na siya Cindy." "What?! Paano? Ano'ng nangyari?" I can't believe what I just heard from my manager. What happened to her? I just met her and it feels so sad to hear that news. "Uminom daw ng lason. Wala pang naririnig mula sa pamilya niya about sa nangyari." Hindi ko mapigilang pangilabutan sa nangyari. What happened to her? Interesado pa naman akong makilala pa siya ng lubusan. I just met her pero ano itong nabalitaan kong wala na siya? Nakakakilabot. Naaawa ako sa nangyari sa kanya. "Are you okay?" my manager asked nung bigla akong natahimik. "Nakakalungkot lang isipin. Itutuloy pa ba 'yung project?" tanong ko. Ewan ko ba kung bakit naitanong ko samantalang bayad na naman 'yung story. "We'll be having a meeting about what happened. Kailangan nating makiramay pero tuloy pa rin ang project," my manager said. Ano kayang reaksyon ng boyfriend niya? Sana mabigyan ng kasagutan ang mga tanong tungkol sa pagkamatay niya. Parang nag-aalinlangan na ako sa project. No, umayos ka Cindy! Hay, ganahan pa kaya akong magtrabaho nito? Una, katrabaho ko 'yung ex ko at pangalawa, curious ako about sa pagkawala ni Celine. Napagdesisyunan kong magpunta sa bahay nina Celine kasama ang manager at personal assistant ko. Hindi ko masyadong nakausap ang mga magulang ni Celine kasi sobra silang nagdadalamhati sa pagkawala ng anak nila kaya umalis kami nang wala pa ring alam sa totoong dahilan ng pagkawala ni Celine. At dahil tuloy ang buhay, tuloy ang paggawa ng pelikula. Okay na ang lahat, ilang linggo rin bago kami nagpatuloy sa pag-shoot ng pelikula. Hindi ko alam pero hindi pa rin ako maka-move on sa pagkawala ni Celine. Minsan nga parang naiisip kong magpasalamat sa pagkawala ni Celine kasi hindi ko na masyadong naiisip ang ex ko. Hay, sorry, pangako Celine gagalingan ko ang pag-arte sa pelikula. Nasa Tagaytay na kami para sa taping ng pelikula. Nag-re-ready na kami para sa isang eksena nang makaramdam ako ng malakas na hangin. Napapikit ako at pagkamulat ko ay okay na ulit. "Okay lang po kayo?" tanong ng personal assistant ko na si Jaz. "Yeah," matipid kong sagot kahit may kakaiba akong nararamdaman. Maya-maya ay kinuha ko 'yung script para rebyuhin pero laking gulat ko nung may mapansin ako. Bakit nagbago ang mga linya? Tama ba 'tong nakikita ko? "Uhm, Jaz, pakikuha naman nung script, mali yata 'tong nakuha ko," pagsisiguro ko. "Miss Cindy, iyan na nga po 'yun, iyang hawak niyo," sabi niya. What? Binasa ko ulit para mas makasiguro. "Jaz, hindi ito ‘yun. Nasaan si direk?" tanong ko. Hindi ako nagkakamali, hindi ito 'yung gagawin kong pelikula. Bakit nag-iba? Pinuntahan ko ang director namin para sabihin ang napansin ko. "Direk, akala ko ba walang babaguhin sa libro, bakit po nabago ang kuwento?" tanong ko. "Hindi naman binago 'di ba? Ano bang sinasabi mo?" tanong niya kaya inabot ko sa kanya 'yung script. "Hindi po 'yan 'yung nasa libro, sigurado po ako," sabi ko. "Alam naman ng script writer nitong movie na wala siyang papalitan, na lahat ng nasa libro makikita dito sa pelikula." "Please direk, we need to double check it kung wala nga bang nabago, please," pakiusap ko dahil sigurado naman akong merong nagbago. "Pero ang daming masasayang na oras Cindy, sa halip na makakapag-shoot na tayo." "Direk please," pakiusap ko. "Okay, okay." "Thank you, direk," sabi ko. Mabuti na lang mabait si Direk Nel. Ilang oras din ang ginugol para i-double check ang script at ang libro. Hawak ko ngayon ang libro at ang script, at tama sila, walang binago sa libro. Lahat nasa script. Paano nangyari 'yun? Sigurado akong hindi ito ang nabasa ko sa binigay ni Celine na libro. "See?" sabi ni Direk. "Pasensiya na po," iyon lang ang nasabi ko. Kailangan kong malaman kung ano'ng nangyayari, bakit ako nagkakaganito? Sigurado akong may mali. "Okay, get ready," sabi ni direk habang napapailing. Wala akong nagawa kung hindi i-memorize ang linya ko sa eksena namin ni Gary mamaya. Ayon dito sa script na binabasa ko ay mahuhuli ko siyang may kahalikan na ibang babae which is nangyari sa amin sa totoong buhay, kaya kami naghiwalay. Pero sabi ko nga, hindi ito ang nasa libro, ang nasa libro ay masaya sila, nag-d-date, nag-ce-celebrate ng anniversary. Oo, ang weird, kahit ako ay naguguluhan na sa nangyayari sa akin ngayon. Binasa ko 'yung ilang eksenang nauna na sa eksenang gagawin namin ngayon, iba rin. Paanong nangyari ‘yun eh ang na-shoot namin noon bago mamatay si Celine ay 'yung mga sinasabi kong nasa libro, 'yung original story. "Jaz," tawag ko sa assistant ko. Wala na akong pakialam kung magmukha akong tanga. "Na-shoot na ba namin 'to?" tanong ko at tukoy ko sa mga naunang eksena sa script. "Yes, Miss Cindy. Bakit hindi niyo po alam eh ang galing-galing niyo nga po diyan?” What? Wala akong natatandaang may ginawa akong ganitong eksena. May na-shoot na kami pero bakit hindi ko makita dito sa script 'yung mga eksenang alam kong na-shoot na namin? Diyos ko, ano bang nangyayari? Hays. "Cut!" sigaw ni direk. "Cindy, akala ko ba komportable ka na, bakit parang kinakabahan ka?" tanong niya. "Ang hina nung sampal, parang takot na takot ka, 'di ba dapat galit na galit ka? Matapang ka dito Cindy, remember? Okay, take 2." Ginagawa kasi namin 'yung eksena na nahuli ko ang kasintahan kong may kahalikan na ibang babae. Bigla ko kasing naalala nung mahuli ko si Gary at ang babae niya. Katulad ng eksenang 'to, pero sa totoong buhay, hindi ko siya sinampal, nag-walkout lang ako. "Walanghiya ka! Sinungaling! Manloloko!" "Cut!" sigaw ng direktor. "Very good!" Nagpalakpakan sila habang nagpapahid ako ng luha. "Are you okay?" tanong ni Gary sa akin habang inaabutan ako ng tissue. "Oo naman, kailangan ng luha sa eksena 'di ba?" sabi ko pero deep inside ramdam ko pa rin ang sakit. "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo niyan kasi ikaw ang sinampal ko?" mataray kong sinabi at iniwan siyang mag-isa dahil bumalik ang galit sa puso ko. Hindi ko tinanggap ang tissue. Bahala siya sa buhay niya, nabibwisit ako sa mga nangyayari. Naiinis din ako sa kanya. Bakit kailangang ipaalala pa ng pelikulang 'to ang mga nangyari sa amin ni Gary? Hays, pag-uwi ko, hinanap ko agad ang librong binigay ni Celine. "s**t, nasaan na 'yun.." Hirap na hirap na akong hanapin 'yung libro, tinanong ko na sa kasambahay ko wala rin silang alam. Ano'ng nangyayari? Celine, tama ba 'yung librong binigay mo sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD