bc

The Author’s Last Note

book_age18+
844
FOLLOW
3.3K
READ
sex
fated
curse
drama
bxg
horror
addiction
actor
actress
seductive
like
intro-logo
Blurb

❗️WARNING❗️Rated SPG. ROMANCE/ SUSPENSE/ DRAMA

Gaano kasarap magmahal ng taong sobrang mahal na mahal ka rin? Sapat na bang mahal niyo lang ang isa't isa para ipagpatuloy ang isang relasyon? Ito ay kuwento ng dalawang sikat na artista, magka-love team, at magkasintahan sa totoong buhay. Sobra ang pagmamahal nila sa isa't isa at sobra din ang natatanggap nilang suporta sa mga tagahanga nila ngunit walang alam ang ibang tao kung gaano kalalim ang pagmamahalan nila. Hindi nila kayang mag-away ng matagal gaano man sila kadalas hindi magkaunawaan sa totoong buhay. Sa klase ng pagmamahal nila sa isa't isa ay hindi nila kayang mawalay ng matagal sa isa't isa. They are sexually compatible at doon na lang umiikot ang relasyon nila hanggang sa isang pagsubok ang makakapagpatibay ng relasyon nila. Pero gaano karaming pagsubok ang dapat harapin para mapatunayang para kayo sa isa't isa? Narito ang kuwento ng pagibig na nakaranas ng nakakatakot na pagsubok, masakit na pinagdadaanan, at masarap na pagmamahalan.

Sobrang mahal na mahal nina Gary at Cindy ang isa't isa kahit madalas silang hindi magkasundo. Kung gaano sila kadalas mag-away ay ganun din sila kadalas magtalik. Hindi nila kayang mawala ang isa't isa kaya kahit anong hindi pagkakaunawaan ay mabilis din silang nagkakaayos.

(All names, characters, locations and incidents are products of the author's imagination, or have been used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead, locales, or events is entirely coincidental.)

chap-preview
Free preview
KABANATA I- Never Ending Love Story
Sa klase ng trabaho ko, napakahirap mag-move on kapag nasaktan ka dahil sa pagibig. Ang hirap ding magpanggap na okay ka sa harapan ng ibang tao. Mahirap, pero kinakaya ko. Hindi ko kasi inaasahang magagawa ni Gary 'yun sa'kin sa ilang buwan naming magkarelasyon. Nagtiwala ako sa kanya pero sinira niya. I saw him kissing other woman inside that club and I was so disappointed. Nabago ang pagkakakilala ko sa kanya, so I broke up with him. Gary is in his early thirties. Akala ko ako na ang huling babaeng mamahalin niya pero nagkamali ako, niloko niya ako. I know lapitin siya ng mga babae at maraming nagkakagusto sa kanya dahil artista siya katulad ko. Isa siya sa mga artistang guwapo, malakas ang s*x appeal, at mayaman, dagdag pa ang kasikatan niya, pero hindi lang 'yan ang napansin ko sa kanya simula nung lubos ko siyang makilala. Maraming katangian si Gary na hinahanap halos lahat ng mga kababaihan, maalaga, mapagbigay, maalalahanin, matiyaga, at mapagmahal. Ang suwerte ko, hindi ba? Sa sobrang suwerte ko sa kaniya, natakot ako na mawala siya sa buhay ko kaya hindi ko maiwasang magselos ng madalas. Bawat pagseselos ko ay pinapatunayan naman niya kung gaano niya ako kamahal pero hindi na kailangan ngayon, hindi na niya ako mapapaniwala dahil kitang-kita ng dalawa kong mga mata. I know, marami rin namang nainggit kay Gary dahil ako ang naging nobya niya. Dalawang taon ang tanda niya sa akin. May mga nagsasabi na mala-diyosa ang kagandahan ko at maraming lalaki ang naaakit dahil sa taglay kong kaseksihan. Nung una, nahihiya talaga akong tumanggap ng mga papuri pero nasanay na rin ako dahil nasa showbiz ako. Milyon-milyon din ang sumusunod sa akin sa mga social media accounts ko dahil mabait daw ako at very down to earth person kaya maraming humahanga at sumusuporta. Marami ring nagkakagusto sa akin at nagbabalak manligaw pero si Gary talaga ang gumising ng natutulog kong puso. Dahil sa tiyaga ni Gary sa akin, nahulog ako at agad niyang sinalo pero sa huli, ako pala ang talo. "Miss Cindy, naka-schedule po ngayon 'yung meeting niyo sa author," sabi ng personal assistant ko sa kabilang linya. Nagising kasi ako sa tunog ng telepono ko sa kuwarto at wala akong nagawa kundi sagutin ang tawag. "Yeah, I know," sabi ko habang nag-iinat ng katawan. Puyat kasi ako, gumimik kasama ang mga kaibigan ko para makalimot kahit saglit sa ginawang panloloko ni Gary sa akin. I heard idol daw ako nung author ng libro na ngayon ay gagawing pelikula at ako nga ang gaganap na bidang babae. The author was really happy nung makumpirma raw niyang ako na nga talaga ang gaganap sa isa sa mga bidang karakter ng istoryang isinulat niya. I want to meet her to thank her and also to ask something about the book. "Hi," I smiled after removing my shades but I noticed her shyness, "Celine, right?" I said at tumango naman siya. Celine, the author of that book. We met in an exclusive restaurant. She's pretty, and simple. "Nice meeting you, Miss Cindy," she said habang iniaabot niya ang kamay niya sa'kin para makipag-shake hands. "Same here," I said nang nakangiti habang nakikipagkamay. Ang lamig ng kamay niya, halatang kinakabahan. "Upo tayo?" yaya ko sa kanya at tumango naman siya. "Celine, are you okay?" tanong ko nung makaupo kami. Napansin ko kasing kanina pa siya hindi mapakali. Nakatungo siya habang nasa ilalim ng mesa ang mga kamay niya. Napatingin naman siya nung tanungin ko siya. "Pasensiya na po Miss Cindy, nahihiya lang po talaga ako. Idol ko po kasi kayo matagal na. Gustung-gusto ko po talaga kayo," pagtatapat niya. "Hey, please don't be shy. Thank you, Celine. And it's nice seeing you kasi part ka ng gagawin kong project since ikaw ang nagsulat ng story. It's such an honor that you want me to be part of your story," sabi ko. "Ang bait-bait niyo po, akala ko kapag nabili na nila 'yung story ko ay hindi na ako mapapansin, pero kayo po mismo ang lumapit sa'kin. Salamat po talaga," sabi niya. "Ano ka ba, siyempre kung hindi dahil sa'yo wala ang project na ito, so salamat din sa'yo kasi nagtiwala ka sa amin," I said. I feel so grateful, kaya siguro lahat talaga ng bagay tungkol sa pagsuporta sa akin ay na-a-appreciate ko. I always thank my fans for supporting me. Medyo pasaway lang ako pero never daw lumaki ang ulo ko, sabi nila. "Naku, salamat po. Masayang-masaya po ako na sa inyo po ibinigay ang project. Uhm, puwede po bang magpa-autograph?" tanong niya atsaka iniabot ang isang libro. "Of course!" sabi ko habang kinukuha ang libro. "This is the book na gagawing movie, right?" I asked habang tinitingnan ko ang libro nung hawak ko na. “Opo,” sagot niya. Honestly, wala pa akong idea kung ano'ng klaseng love story ang gaganapan ko. Wala naman akong tinatanggihan. Yes, I already know the title but hindi ko pa nababasa 'yung libro. Wala pa rin akong nababasang script. Actually, this is my first meeting regarding this project. I want to meet her first before anyone else kaya nga ako nandito para magka-idea na rin mismo mula sa may gawa ng libro. 'Never Ending Love Story' is the title of the book. "I'm sorry, I didn't read it yet but I am sure this is a very beautiful story kaya nga maraming nagbabasa. Paano mo nagawa 'to? I mean, do you have an inspiration?" I asked while signing the book. "Actually, it's our love story, my boyfriend and I," she said. "Wow, nice! Ang saya naman ng ganyan, sigurado na kayo.. and walang ng makakahadlang pa," sabi ko habang ibinabalik ang pinirmahan kong libro sa kanya. Sana nga lahat ng love story hindi nagtatapos. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit. "Ang totoo po niyan, hindi boto ang mga magulang ko sa kanya," sabi niya nung maiabot ko ang libro niya at napansin ko bigla ang lungkot sa kanyang mga mata. "Bakit naman?" tanong ko. Napansin ko ang pagyuko niya. "Okay, masyado na yata akong matanong, pasensiya na Celine ha, but I think your love story with your boyfriend will never end. Trust the title of your story, Celine. Never Ending Love Story. Just claim it." Napansin kong may kinuha siya sa bag niya nung hindi na siya makapagsalita. "Salamat, Miss Cindy, para po sa inyo 'tong copy ng libro ko," sabi niya. "Thanks, Celine," sabi ko. Maayos kaming nag-usap hanggang sa nagpaalam na kami sa isa't isa. "Good morning!" bati ng manager kong gay na si Mama B. "Good morning," bati ko atsaka nagtanggal ng shades. "Gumimik ka na naman ba ng hindi mo ipinapaalam sa akin? Bakit ganyan ang mga mata mo?" tanong niya. Halatang-halata kasi ang eyebags ko lalo at wala pa akong make up. "Binasa ko 'yung libro," tukoy ko sa kopya ng librong ibinigay sa akin ni Celine kahapon. "Buong magdamag?" tanong niya. "I can't help it, maganda, and interesting eh," paliwanag ko. I was right, it's a very beautiful love story and I think the author also wanted to end their love story with her boyfriend like she ended it in the book. It has a very beautiful ending, 'yung tipong sa hinaba-haba ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy. Naisip ko tuloy si Gary, umasa akong siya na pero parang hindi naman. Ang tagal kong naghintay ng tamang lalaki para sa akin, in-enjoy ko ang single season ko bago pumasok sa isang relasyon pero bakit parang hindi pa pala ito ang tamang panahon? "By the way, Gary will be your leading man," Mama B said. "What?" sabi ko nung malaman ko na ex-boyfriend ko ang magiging bidang lalaki. "Oh, why? Cindy, you are an award winning actress, hindi mo ba kaya?" tanong sa akin ng manager ko na si Mama B. "I didn't say I can't. I just did not expect kasi kaka-break lang namin. I hope you understand. But of course kaya ko naman," sabi ko kahit may pag-aalinlangan. Shit, of all people na puwedeng itambal sa'kin 'yung lalaki pang naging dahilan ng fresh na fresh na sugat sa puso ko ngayon. Hindi lang halata pero broken hearted ako. Best actress nga eh. Hays. Nag-meeting kami, nagbasa ng scripts, and of course nagkita ulit ni ex. Sa klase ng trabaho ko, importanteng maging professional, katulad nang magpanggap na inlove pa kayo sa isa't isa sa shooting kahit ang totoo, sobrang hapdi ng puso mo sa tuwing kaharap mo ang taong nanakit sa'yo. "Cindy, I'm telling you now, hindi ka muna gigimik. Napakalaking pelikula nito, itodo mo na," Mama B said. s**t, walang gimik? "Mama B, paano ko hindi magagawang gumimik ngayon eh 'yung dahilan ng pag-gimik ko nitong mga nakaraang mga gabi ay halos araw-araw ko ng makikita?" tanong ko sa manager ko. "Focus sa pelikula. Kalimutan mo na muna na ex mo siya," sabi niya. Napa-inhale, exhale na lang ako. s**t, I'm not a robot! May pakiramdam ako at may mga nararamdaman tayo na mahirap kontrolin. "Mama B, paano ko makakalimutan 'yung lalaki na 'yun kung sa tuwing tititigan niya ako kapag nasa shooting na kami eh maaalala ko ang ginawa niya sa'kin?" tanong ko. "Please, Cindy... Kaya mo 'yan, hindi puwedeng hindi, dahil okay na lahat, nakapirma na tayo ng kontrata, malaki na ang nailalabas na pera dito sa pelikulang ito kaya please, pag-usapan niyo ni Gary 'yan." Hay, kailangan kong panindigan ang pagiging artista. Mahal ko ang trabaho ko kaya kakayanin ko. Kailangan ko ring magtiis para sa career ko. "Mama B, don't worry, I will not disappoint you," sabi ko na lang. "That's the Cindy Saavedra I know," my manager said. Oh yes, I have to be Cindy Saavedra, the award winning actress!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook