Once there was a girl who became addicted into reading romance novels and tried to write her own stories until writing became her passion. Eventually, she grew up into a woman who embraced the struggles in her life while she can’t figure out her purpose. Hiatus there, hiatus everywhere, until someone offered her a great opportunity to showcase her works on their online platform. The woman has full of dreams, despite her flaws, failures, and imperfections. And here she is now, the frustrated writer, finally became a D R E A M E author.
To the author of miracles, thank You Lord! 🙌 From being a WATTPADer to being a DREAMEr. Hallelujah! DREAME come true!
❗️ALWAYS REMEMBER❗️ “If you are single, SEIZE THE MOMENT! Have this season in your life when you are determined to date only JESUS.”
I was that innocent lady who fell in love with a man who made her special at that time. I trusted him because my mind asked me to follow my heart for the first time, but he did something bad to make me realize that he wasn’t deserving of that love from me. Well, in fact, I just thought I was in love at that time. I was young and wasn’t sure about what I really felt for him at that time until one day I realized that what I felt for him wasn’t really love at all. It was just a challenge, something that I had to experience to learn a lesson. It was just something that my mind wanted me to feel because I was curious about being in love. Maybe I was in a hurry to experience ‘a love’ so that I got hurt. And I learned because of that. It taught me how to wait patiently because true love waits. I’ve learned to love myself first while praying for the one to come at the right time. I’ve learned to be a better person first to have the love I deserve and just wait to be with the one who will see my worth.
❗️WARNING❗️Rated SPG. ROMANCE/ SUSPENSE/ DRAMA
Gaano kasarap magmahal ng taong sobrang mahal na mahal ka rin? Sapat na bang mahal niyo lang ang isa't isa para ipagpatuloy ang isang relasyon? Ito ay kuwento ng dalawang sikat na artista, magka-love team, at magkasintahan sa totoong buhay. Sobra ang pagmamahal nila sa isa't isa at sobra din ang natatanggap nilang suporta sa mga tagahanga nila ngunit walang alam ang ibang tao kung gaano kalalim ang pagmamahalan nila. Hindi nila kayang mag-away ng matagal gaano man sila kadalas hindi magkaunawaan sa totoong buhay. Sa klase ng pagmamahal nila sa isa't isa ay hindi nila kayang mawalay ng matagal sa isa't isa. They are sexually compatible at doon na lang umiikot ang relasyon nila hanggang sa isang pagsubok ang makakapagpatibay ng relasyon nila. Pero gaano karaming pagsubok ang dapat harapin para mapatunayang para kayo sa isa't isa? Narito ang kuwento ng pagibig na nakaranas ng nakakatakot na pagsubok, masakit na pinagdadaanan, at masarap na pagmamahalan.
Sobrang mahal na mahal nina Gary at Cindy ang isa't isa kahit madalas silang hindi magkasundo. Kung gaano sila kadalas mag-away ay ganun din sila kadalas magtalik. Hindi nila kayang mawala ang isa't isa kaya kahit anong hindi pagkakaunawaan ay mabilis din silang nagkakaayos.
(All names, characters, locations and incidents are products of the author's imagination, or have been used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead, locales, or events is entirely coincidental.)
❗️WARNING ❗️Rated SPG. ROMANCE/ DRAMA
Sa kabila ng pagkawasak ni Sandy dahil sa pagkamatay ng asawa niyang matandang mayaman na si Hajie ay nahirapan na ulit siyang magmahal muli. Gusto na lang sana niyang mag-focus sa magiging anak nila ng namayapa niyang asawa ngunit muli silang nagtagpo ng childhood best friend niyang si Jerry. Matagal ng may lihim na pagtingin si Jerry kay Sandy ngunit nagkahiwalay sila ng landas at nagkaroon ng kanya-kanyang buhay habang magkalayo. Nang malaman ni Jerry ang nangyari kay Sandy ay naglakas loob na itong sabihin kay Sandy ang lihim niyang pagtingin dito noon pa man. Inamin ni Jerry ang pagmamahal niya kay Sandy pero hindi pa ulit handa si Sandy na pumasok sa isang relasyon kaya nagtiyaga si Jerry na maghintay hanggang sa nahulog na rin si Sandy sa kanya at doon mas napatunayan nilang dalawa na noon pa ma'y sila na ang para sa isa't isa. Naging madalas ang pagtatalik nina Sandy at Jerry dahil sobra silang naaakit sa isa't isa lalo at maraming karanasan si Sandy sa namayapang asawa pagdating sa kama.
(All names, characters, locations and incidents are products of the author's imagination, or have been used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead, locales, or events is entirely coincidental.)
❗️WARNING❗️ Rated SPG. ROMANCE/ DRAMA/ COMEDY
Nagkakilala sina James at Crystal sa isang seafood restaurant. Unang nagpakilala si James kay Crystal at naging komportable agad sa isa't isa. Kinuha ni James ang mobile number ni Crystal at doon nagsimula ang lahat. Ilang beses silang nag-date hanggang sa magkaroon sila ng relasyon at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nalaman nilang may hindi pala pagkakaunawaan ang kanilang mga magulang na naging dahilan upang itago nila ang kanilang relasyon. Sa kabilang banda, gusto ng ama ni James na mas mapaunlad ang kanilang kumpanya, gumawa ang ama ni James ng plano kasama ang isang kaibigan at iyon ay ang ipakasal ang anak nito kay James. Pinipilit si James na pakasalan ang isang babaeng hindi niya naman kilala, kaya pinakiusapan niya si Crystal na pakasalan na siya ng palihim sa London dahil sa takot na makasal sa iba. Lihim silang ikinasal doon ni Crystal. Pagbalik nila ng Pilipinas, nakilala naman ni James ang babaeng gustong ipakasal sa kanya ng kanyang mga magulang na nagngangalang Karren. Walang ideya ang dalawa na sila ang ipinagkakasundong ipakasal ng kanilang mga magulang hanggang sa malaman nila at naging malapit silang magkaibigan habang sinasakyan ang kanilang mga magulang sa plano nila dahil hindi naman nila gusto ang isa’t isa habang hindi alam ni Karren na may asawa na pala si James. Nagpatuloy ang lihim na pagkikita nina Crystal at James hanggang sa makilala din ni Crystal si Karren dahil walang inililihim si James kay Crystal. Ipinaliwanag ni James kay Crystal ang nangyayari. Naging magkaibigan sina Crystal at Karren hanggang sa inamin ni Karren kay Crystal na may gusto na ito kay James. Nakokonsensiya si Crystal sa mga nangyayari, walang nakakaalam na kasal na sila ni James. Ilang beses na silang magkasama at walang ideya ang mga kaibigan nina James at Crystal na may itinatago sila. Ang alam lang nila ay single si Crystal kaya gustong ligawan siya ng best friend niyang si Mark pero kapatid lang ang tingin ni Crystal dito. Nakilala rin ni Crystal si Steve na nagtangkang ligawan siya. Mahirap para kay James at Crystal na itago ang kanilang tunay na relasyon pero kailangan, dahil magkakagulo ang kanilang pamilya kapag may nakaalam. Habambuhay ba silang magtatago? Paano nila ipaglalaban ang kanilang pag-iibigan kung sa simula pa lang ay sila lang ang nakakaalam?
(All names, characters, locations and incidents are products of the author's imagination, or have been used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead, locales, or events is entirely coincidental.)
❗️WARNING❗️ Rated SPG. ROMANCE/ DRAMA
Naranasan mo na bang mawalan ng pag-asa sa buhay?
Naranasan mo na bang mawalan nang ganang bumangon sa umaga dahil alam mong matutulog ka lang ulit sa gabi ng may problema?
Hanggang kailan ka magtitiis lumaban kahit sobrang sakit na?
Nabaliw ka na rin ba kakaisip kung ano nga ba ang makakabuti para sa'yo?
Narito ang kuwento ng isang babaeng pinaglaruan ng tadhana.
Ang babaeng naniwalang may himala kahit dala-dala niya'y puro kabiguan sa buhay.
Tunghayan natin ang kapalaran ng babaeng ito, maging masaya pa kaya siya sa bandang huli?
Magbago pa kaya ang kapalaran niya kung ang isa sa mga pinakaiingatan niyang bagay sa buhay niya ay ipagpalit niya lang ng salapi sa isang gabi lamang?
Inakala ni Zayl na may sakit siya at malapit ng mamatay kaya nilustay niya lahat ng naiwan sa kanyang mana bago siya mamatay. Dahil nga hindi niya alam na wala namang katotohanan iyon ay tumagal pa ang kanyang buhay nang hindi niya inaasahan ngunit paubos na ang pera niya. Kasama niya sa paglustay ng pera niya ang bestfriend niyang si Bianca na sinabihan niya ng tungkol sa sakit niya. Makalipas ang ilang buwan ay buhay pa siya ngunit paubos na ang pera niya. She was so stressed until she decided na ibenta na lang ang virginity niya tutal mamamatay na lang din naman siya dahil iyon ang alam niya. Hiniling niya kay Bianca na tulungan siyang maghanap ng buyer na hindi niya kakilala pero walang ideya si Zayl na nilapitan ni Bianca si Jack na ex-boyfriend niyang bilyonaryo na kararating lang galing ibang bansa at pinakiusap na siya na lang ang bumili ng virginity ni Zayl dahil ayaw ni Bianca na mapahamak ang kaibigan sa ibang tao. Nung malaman ni Zayl na ex-boyfriend niya ang buyer ay tumanggi siya ngunit hindi titigil si Jack hangga't hindi siya sumasang-ayon sa kanya. Ginawa ni Jack ang lahat ng kanyang makakaya at sa huli ay napapayag din si Zayl. Magpatuloy pa kaya ang relasyong dati ng naputol because of that one night negotiation?
(All names, characters, locations and incidents are products of the author's imagination, or have been used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead, locales, or events is entirely coincidental)