bc

Let’s Get Wild Forever

book_age18+
2.9K
FOLLOW
20.1K
READ
dark
sex
fated
heir/heiress
drama
bxg
serious
realistic earth
addiction
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

❗️WARNING ❗️Rated SPG. ROMANCE/ DRAMA

Sa kabila ng pagkawasak ni Sandy dahil sa pagkamatay ng asawa niyang matandang mayaman na si Hajie ay nahirapan na ulit siyang magmahal muli. Gusto na lang sana niyang mag-focus sa magiging anak nila ng namayapa niyang asawa ngunit muli silang nagtagpo ng childhood best friend niyang si Jerry. Matagal ng may lihim na pagtingin si Jerry kay Sandy ngunit nagkahiwalay sila ng landas at nagkaroon ng kanya-kanyang buhay habang magkalayo. Nang malaman ni Jerry ang nangyari kay Sandy ay naglakas loob na itong sabihin kay Sandy ang lihim niyang pagtingin dito noon pa man. Inamin ni Jerry ang pagmamahal niya kay Sandy pero hindi pa ulit handa si Sandy na pumasok sa isang relasyon kaya nagtiyaga si Jerry na maghintay hanggang sa nahulog na rin si Sandy sa kanya at doon mas napatunayan nilang dalawa na noon pa ma'y sila na ang para sa isa't isa. Naging madalas ang pagtatalik nina Sandy at Jerry dahil sobra silang naaakit sa isa't isa lalo at maraming karanasan si Sandy sa namayapang asawa pagdating sa kama.

(All names, characters, locations and incidents are products of the author's imagination, or have been used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead, locales, or events is entirely coincidental.)

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
SANDY I am Sandy Wu, the wife of late Hajie Wu who is a billionaire businessman. Hajie is an old wealthy divorced man, a humble, generous, understanding and kind man I met in South Korea during my vacation there. He is half Filipino half Korean while I am pure Filipino. Humanga siya sa hitsura ko nung makita ako doon at naglakas siya ng loob na makipagkaibigan sa akin hanggang sa tuluyan na siyang nahulog dahil sa personalidad ko bilang babae. I am aware that I have an angelic face, I'm a mestiza, and I have a slender body. Sanay na ako na maraming nagkakagusto sa aking lalaki pero hindi ako 'yung tipo na madaling bolahin, at lokohin. I am friendly pero pinipili ko ang mga taong pagkakatiwalaan ko, lalo sa mga lalaking gustong makipagrelasyon sa akin. I don't want a toxic relationship with any men. Kaya siguro na-inlove din ako kay Hajie kasi maunawain si Hajie at hindi niya ako hinigpitan sa naging relasyon namin. Sa madaling salita, pinagkatiwalaan niya ako kaya kami nagtagal, kaya kami nagpakasal. Masaya kami, nagmamahalan at maayos ang s*x life naming mag-asawa regardless of the age gap. Marami akong natutunan sa kanya, ipinaramdam niya sa akin kung gaano siya kasabik palagi na angkinin ako hanggang sa marami akong natutunan pagdating sa kama. I was twenty five when Hajie and I first met each other in South Korea and got married here in the Philippines after few months. Nabuntis ako pero namatay ang bata pagkaanak. Dalawang taon niya akong inintindi, inunawa na hindi ko pa kayang mabuntis ulit dahil sa trauma. We just enjoyed our married life, and s*x life at the same time, pero napansin kong madalas na siyang mahirapang huminga. Pinakiusapan ko siyang magpatingin sa doktor pero ayaw niya, simpleng sakit lang daw 'yun. I trusted him pero hindi ko maiwasang mag-alala hanggang sa sinabi ko na sa kanyang handa na ulit akong mabuntis. He was happy at that time, and me too. We were so excited, we made love so often but after few weeks, he died due to heart disease. Nalaman ko na lang na inilihim ni Hajie ang sakit niya sa puso. Matagal na pala siyang nagpapatingin sa doktor pero hindi sinabi sa akin dahil ayaw niya akong mag-alala. Hindi ko naiwasang mainis kay Hajie dahil sa ginawa niya pero wala na akong magagawa, wala na siya. I was so lost when Hajie left me. No one knew how painful it was for me. My husband, true love, and best friend. He made me feel the love I was longing for ever since. I had past relationships with some other men before Hajie but those relationships were toxic. I didn't want toxic relationships with anyone so I always found myself ending them. Fortunately, I found the relationship I always dreamed of, and it was with Hajie. Despite the age gap, we proved how much love we were willing to give to each other. I loved him and I will always love him even if it is painful because he is already gone. Marami siyang naiwang yaman sa mga taong parte ng buhay niya pero siya lang ang importante sa akin. Kung puwede nga lang na huwag ko ng tanggapin lahat ng naiwan niya sa akin bumalik lang siya sa akin pero imposible. Hindi ko alam kung kailan ako makaka-move on. Sa katunayan, ayoko pang mag-move on, gusto ko lang siyang manatili sa puso ko kahit masakit. Walang may kayang pumalit kay Hajie sa puso ko ngayon, but I know life must go on even without him. Mahirap mang tanggapin pero kailangan kong magbukas ng pinto para sa iba balang-araw. Gusto ko rin namang magkaroon ng sariling pamilya, matagal ko ng pangarap 'yun pero hindi ko akalaing iiwan agad ako ng lalaking akala kong makakasama ko sa pangarap na 'yun. Ilang linggo ang nakalipas simula nung mawala si Hajie at marami ng nagpaparamdam sa akin, some of those are single, some are divorced, and some are freaking married. Wala akong pakialam sa kanila. Hindi pa ako handa, they have to respect kung ano'ng gusto ko at ayaw ko. Gusto kong lubayan muna nila ako at ayaw ko silang kausapin. f**k, ilang linggo pa lang buhat nung mawala ang asawa ko! Sa Quezon Province ako nagdalaga at wala akong masyadong kaibigan dito sa Maynila. Nagkaroon naman ako ng mga kaibigan kaso lumayo na ang loob sa akin buhat nung mag-asawa ako ng matandang mayaman. Dinalaw naman ako dito sa Maynila ng pamilya ko sa probinsiya pero hindi rin nagtagal at bumalik din agad sila ng probinsiya. Nagpapasalamat naman ako sa mga kasambahay namin ni Hajie sa mansion na parang pamilya ko na rin dahil inaalagaan nila ako habang nagluluksa ako sa pagkamatay ng asawa ko. Hindi sila nagsasawang pilitin akong kumain, maligo, at kung anu-ano pang puwedeng magpalakas sa akin. Pagdating nga lang ng gabi, hindi ko maiwasang mag-isip at alalahanin na naman si Hajie bago matulog. "Iha, Sandy, nakahanda na ang hapunan sa baba," sabi nung matandang kasambahay namin na parang anak na ako kung ituring. "Sige po, bababa na ako," sabi ko na lang. Nanonood ako ng TV sa kuwarto kaya pinatay ko na dahil bigla akong nakaramdam ng gutom. Bumaba ako at kumain kasabay ang mga kasambahay dahil iyon ang ipinakiusap ko sa kanila kapag nasa bahay ako at walang bisita. Napakalungkot kasing kumain ng mag-isa, lalo ko lang naaalala si Hajie. Pagkatapos kumain ay umakyat ako at binisita ang kuwartong madalas naming gamitin sa tuwing kami ay magtatalik noon ni Hajie. Naisip ko ngayong maglinis para may magawa at pagkatapos ay inalala si Hajie at wala akong nagawa kundi maiyak lamang. I remember those moments after naming magtalik, nag-uusap kami kung gaano namin kamahal ang isa't isa at maya-maya'y magtatawanan at magkukulitan. I miss that. I miss him. Nagtanggal ako ng mga suot at nagdiretso ako sa banyo. Binuksan ko ang shower at pumikit habang inaalala ang mga halik ni Hajie hanggang sa mapahikbi na lang ako sa pag-iyak dahil sa katotohang malabo ng mangyari 'yun dahil wala na siya. Nakahiga ako sa kama at kinuha ang phone ko at binasa ang mga messages na karamihan ay pinadala ng hindi ko kilala dahil unregistered ang numbers. May mga 'hi', 'hello', 'how are you?', etc. May mga iba namang nagsabi ng pangalan nila pero hindi ako interesado. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang contact number ko pero hindi ko na lang sila pinansin lahat. Bahala sila sa buhay nila, hindi pa ako ready na mag-entertain ng manliligaw. Okay lang ba sila? Isang buwang mahigit pa lang buhat nung mawala si Hajie eh naglalakas loob na silang magpapansin lahat sa akin. Nasa kuwarto ako at nagpapahinga habang kausap ang mga magulang kong nasa probinsiya. I miss them a lot. Sanay naman akong wala sila sa tabi ko pero simula nung dumalaw sila dito ilang araw pagkawala ni Hajie para samahan ako eh minsan hinahanap-hanap ko na rin sila. "Ano, madalas pa bang sumama ang pakiramdam mo? Bakit ba ayaw mong magpatingin sa doktor?" tanong ni Mama. "Ma, natatakot ako, ayoko muna ng masamang balita baka mamaya niyan may sakit ako," sabi ko. "Ano ka ba, bakit iyan ang iniisip mo? Sige nga, paano kung may sakit ka nga at kailangan ng gamutin, ha?" "Ma, magpapatingin din ako, hindi pa lang ako handa kasi nga natatakot ako," paliwanag ko. Ewan ko kung bakit ang negative ng utak ko ngayon. "Gusto mong magbakasyon ka muna dine?" tanong ni Mama. "May mga inaasikaso pa po ako, balik na lang po kayo dito." "Maraming gawain dito anak, alam mo namang gusto ng Papa mo na kami mismo ang gumagawa ng trabaho namin sa lupain natin dito. Kahit may mga tao naman eh ayaw pa rin naming pabayaan ng wala kami sa paningin nila." "Okay, siguro once maging okay na 'yung inaasikaso ko dito sa Manila, magbabakasyon muna po ako diyan." "Ganun na nga anak, para makalanghap ka naman ng sariwang hangin." "Opo." "Anak, natatandaan mo ba si Jerry?" Napatigil ako ng ilang segundo bago nagsalita. "Opo, bakit po?" I will never forget Jerry. He was my childhood best friend. Matanda si Jerry sa akin ng dalawang taon. Nagkaroon kami ng gap when we were teenagers and I didn't know why, iniwasan na lang niya ako bigla. Ang dami nga ring nagkaka-crush kay Jerry noon kasi guwapo ito, matangkad, moreno, matipuno at maginoo. "Nandito na ulit sa probinsiya," sagot ni Mama. "Hindi ba galing Taiwan si Jerry?" Iyon kasi ang alam ko kasi bihira naman akong umuwi sa amin kasi nga dito ako nagtapos ng pag-aaral, nagtrabaho at tumira sa Maynila ng maraming taon. Nakaipon ako ng pera sa pagtatrabaho sa call center at nagbakasyon sa South Korea kung saan nagkakilala kami ni Hajie. Hindi naman ako nagtatanong sa Probinsiya kung kailan ang uwi ni Jerry basta ang alam ko, factory worker siya sa Taiwan. "Nagbalikbayan na. Palagi kang kinakamusta ng kababata mong 'yun, sabi ko naman ay tawagan ka na lang at marami namang paraan dahil sa internet. Nakakamusta ka ga niya?" Wow. Kinakamusta ako ni Jerry? After so many years na hindi siya nagparamdam? After avoiding me na hindi ko alam ang dahilan? After niyang mangibang bansa nang walang paalam? Tss. "Hindi ho. Hindi ko po pala alam kasi marami pong nagte-text sa akin na unregistered numbers." "Ay, baka hindi pa dahil magpapakilala naman 'yun kung sakali. Nahihiya siguro dahil nalaman ang nangyari sa'yo." "Kahit noon pa man po ay mahiyain na talaga si Jerry," sabi ko with bitterness. "Nakikiramay sila ng nanay niya sa nangyari sa'yo, anak. Kamusta ka na ngayon? Nakakatulog ka na ng maayos?" "Minsan po, minsan kasi hindi ko maiwasang maalala ang nangyari. Nami-miss ko pa rin si Hajie." "Naiintindihan ko, basta maging okay na ang lahat diyan, dito ka muna ha," sabi ni Mama. "Opo." I miss Hajie so much but when my mother mentioned Jerry's name, I remembered those moments when I was with Jerry, our happy moments together and the feeling he showed me how important I was to him.. as a friend. I can't deny that I miss him too. Kamusta na kaya siya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook