Nasa biyahe na kami ni Gary papunta sa bahay nila. Sakay kami sa kanyang sports car. Mabuti na lang sampung minuto lang ang biyahe bago makarating sa bahay nila. "Kuya!" tawag ni Bea pagkakita kay Gary. Bea is nineteen years old if I'm not mistaken. "Ate Cindy?" pagsisiguro niya pagkakita sa akin at ngumiti naman ako. "Hi, how are you, Bea?" bati ko. "Wow, you're so beautiful in person!" sabi ni Bea habang nakatitig sa akin na may paghanga. "Thanks, you too," sabi ko naman. "Bea, where's Mom and Dad?" Gary asked his younger sister. "Wait, tatawagin ko sila," sabi ni Bea atsaka iniwan kami saglit. Iginiya naman ako ni Gary sa Sala at doon ay naupo muna kami. Maya-maya ay dumating na nga ang mga magulang ni Gary kaya ako ay tumayo para bumati sa kanila. "Good morning po," bati ko sa

