JASMINE LOPEZ
Pagkatapos kong mamigay ng flyers, pakiramdam ko parang buong araw akong nakipagbakbakan.
Pagod ang paa ko, medyo nangingitim ang balat ko sa init ng araw, pero may kakaibang satisfaction.
Hindi ko akalain na matatapos ko ‘yon. At higit sa lahat nagawa ko nang maayos. Nag enjoy ako na kausap ang mga tao na hindi ko madalas nagagawa. Nakakatuwa din pala na makipag chismisan sa kanila habang nagtatrabaho ako.
Pagbalik ko sa office, diretso ako sa desk ko. Tahimik lang, pero ramdam ko ang mga tingin ng ilang empleyado. Nagpahinga lang ako saglit saka ako gumawa ng report at ipinasa ko kay Ma'am Karen.
Mga documentation lang naman ng mga ginawa ko sa labas mostly picture para lang maprove ko na namigay talaga ako ng flyers.
Pagbalik ko sa table ko galing sa office ni Miss Karen ay napansin kong nakatingin yung iba kong kasamahan sa akin. Yung ang talim ng tingin nila na parang may nagawa akong kasalanan sa kanila.
Naririnig ko pa silang nag bubulungan...
"Sino ba yan? Akala mo kung sinong magaling? Masyadong pabida." Sabi ng isang babae na kanina pa nakatingin sa akin.
Hinayaan ko lang sila na pagchismisan ako. Ayaw ko naman silang mawalan ng trabaho dahil lang sa hindi nila ako kilala.
Bandang hapon, habang palabas na ako ng building, napansin ko ang isang pamilyar na sasakyan.
Itim. Malinis. Halatang mamahalin.
At gaya ng inaasahan ko— nasa loob siya.
Si Anton.
Bumaba ang bintana ng sasakyan niya, at saglit kaming nagkatitigan.
Tapos kumaway siya. Simple. Walang effort.
Pero ewan ko ba parang may kung anong tumalon sa dibdib ko.
Napairap ako ng konti pero napangiti rin.
“Feeling close…” bulong ko sa sarili ko.
Pero hindi ko rin maiwasang sundan ng tingin ang sasakyan niya hanggang sa tuluyan itong mawala.
Napabuntong-hininga ako. Ano bang meron sa lalaking ‘yon…
Mukha naman siyang mas matanda sa akin... late 30s, siguro. Pero hindi siya mukhang “old.” Mas bagay sa kanya yung salitang… dangerous.
Yung tipong alam mong dapat mong iwasan, pero gusto mo pa ring lapitan.
At mas nakakainis may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.
Stop it, Jasmine. Isang beses mo pa lang siyang nakilala.
Kinagabihan, matapos akong magbihis at mag-ayos, diretso na ako sa bar kung saan kami magkikita ng mga kaibigan ko.
Pagpasok ko pa lang sumalubong agad ang malakas na tugtog, ilaw na umiikot, at halakhakan ng mga tao.
“JAS!” sigaw ng kaibigan kong si Jiecel, sabay kaway sa akin.
Lumapit ako sa table nila.
“Finally!” reklamo ni Naji. “Akala namin hindi ka na sisipot.”
Umupo ako at inilapag ang bag ko.
“Sorry, napagod ako today,” sagot ko. “You won’t believe what happened.”
“Ay nako, mukhang may chika ‘to,” sabi ni Jiecel, nakangisi.
“Spill.” pamimilit naman sa akin ni Bea.
Napailing ako, pero hindi ko napigilang ngumiti.
“Pinamigay ako ng flyers,” sabi ko.
“WHAT?!” sabay-sabay nilang sigaw.
“Oo,” natatawa kong sagot. “As in sa labas. Under the sun.”
“Girl, that’s illegal sa level mo!” biro ni Bea.
“Exactly!” sagot ko. “Kaya nga nagreklamo ako—diretso sa CEO.”
“Wait… sa daddy mo?” tanong ni Naji.
Tumango ako.
“At guess what... may ibang tao doon.” sabi ko, nakita ko naman ang mga kaibigan ko na matamang nakikinig sa akin at halatang interested sila sa chika ko.
“Hmm?” sabay yuko nila palapit sa akin.
Doon ako medyo natigilan. Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang pisngi ko.
“May lalaki,” sabi ko, casual kunwari.
“Ohooo…” sabay taas ng kilay ni Bea. “Continue.”
“Business partner yata… or something,” dagdag ko. “Name niya Anton Devier.”
Tahimik sila saglit.
“Wait… Devier?” ulit ni Jiecel. “Parang narinig ko na ‘yan.”
“Same,” sabi ni Bea. “Big time yata ‘yan.”
Napakibit-balikat ako.
“Basta…” napahinga ako nang malalim, “ang gwapo niya.”
“AYYYY!” sabay hampas nila sa mesa.
“Finally! Jasmine Lopez admitting someone is gwapo!” tili ni Naji.
“Hindi lang gwapo…” dagdag ko, hindi ko namalayang lumalalim ang tono ko. “May dating siya. Yung tipong… kahit hindi siya magsalita, mapapansin mo.” kinikiling ko ding sabi.
“Uh-oh,” sabi ni Bea, nakangisi. “Delikado ‘yan.”
“Bakit?” napakunot-noo ako.
“Those are the dangerous ones,” sagot niya. “Yung hindi obvious pero… nakakakuha ng attention mo.” dagdag pa ni Jiecel.
Natahimik ako sandali. Dangerous… Bigla kong naalala yung tingin niya kanina. Yung paraan ng pagsasalita niya.
Yung… kung paano niya ako kinontra, pero hindi ko nagawang magalit nang tuluyan.
Napailing ako.
“Wala ‘yon,” sabi ko agad. “One time lang ‘yon.”
“Sure ka?” pang-aasar ni Naji.
“Of course,” mabilis kong sagot.
Pero sa loob ko, hindi ako sigurado.
Habang tumatagal ang gabi, dumadalas ang tawanan, kwentuhan, at inuman. Pero kahit anong pilit kong mag-focus sa mga kaibigan ko, may isang mukha na paulit-ulit bumabalik sa isip ko.
Yung titig. Yung ngiti. Yung boses.
Uminom ako ng drink ko at napailing.
Ano ba ‘to, Jasmine… Hindi ko namalayang napatingin ako sa paligid at sa gitna ng maraming tao parang hinahanap ko siya.
Kahit alam kong wala siya doon. At doon ko na-realize delikado nga yata talaga.
Nagpatuloy kami sa pag inom, minsan inaaya din ako ng mga kaibigan ko na sumayaw. Pinilit kong mag enjoy at inalis ko muna sa isip ko si Anton, ewan ko ba pero parang pamilyar talaga siya sa akin.