CHAPTER 12

717 Words
JASMINE LOPEZ "Akala ko kakampi ko si Anton, yun pala ilalaglag ako sa dulo. Grrrrr.... nakakainis siya. Sayang gwapo na sana epal lang." sabi ko sa utak ko. Gusto ko na siyang tirisin kung pwede lang sana. “Anton is right, iha. You must start at the ground para mas maintindihan mo kung paano patakbuhin ang company kapag ikaw na ang mamahala nito.” Ani pa ni daddy, na lalong ikinainis ko. Parang may kumurot sa pride ko sa sinabi ni Daddy. Hindi ako sanay na kinokontra lalo na sa harap ng ibang tao. At lalong hindi ako sanay na may kakampi… tapos biglang babawiin. Napatingin ako kay Anton. Tahimik lang siya, nakatayo nang tuwid, parang walang pakialam kung na-offend ba ako o hindi. Pero halata sa mga mata niya sinadya niya ‘yon. Epal talaga… Pinilit kong ngumiti, pero ramdam ko ang paninigas ng panga ko. “So… you’re saying na dapat magbilad ako sa araw at mamigay ng flyers?” tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko pero may halong diin pa rin. Hindi agad sumagot si Daddy. Si Anton ang naunang nagsalita. “Hindi lang ‘yon,” sagot niya, kalmado pa rin. “You should understand why you’re doing it.” Napakunot ang noo ko. “And what exactly is that supposed to mean?” mataray kong sabi sa kanya. Dahan-dahan siyang humakbang palapit, hindi naman sobra, pero sapat para maramdaman ko ang presensya niya. “Marketing isn’t just about strategy and presentations,” sabi niya. “It’s about people. Kung hindi mo kayang kausapin ang market mo sa pinaka-basic level… paano mo sila maaabot sa mas malaking scale?” paliwanag niya. Napatitig ako sa kanya. Gusto kong sumagot. Gusto kong kontrahin ang sinabi niya. Pero nakakainis kasi may punto siya. At mas nakakainis pa dahil alam niyang may punto siya. Napabuntong-hininga ako at napalingon kay Daddy. “Fine,” sabi ko, medyo may konting inis pa rin. “I get it. Pero hindi ibig sabihin na okay lang yung paraan ng pagtrato sa akin.” Tumango si Daddy. “Then prove it,” sagot niya. “Hindi sa pamamagitan ng reklamo. Kundi sa trabaho.” hamon ni Daddy sa akin. Napatahimik ako. Challenge, hindi sermon. Hindi pabor, kundi challenge. At doon ay may kung anong nag-click sa loob ko. Dahan-dahan akong ngumiti. “Okay,” sabi ko, mas kalmado na. “Then I’ll prove it.” mayabang kong sabi. “Good,” sabi ni Anton. Isang simpleng salita. Pero iba ang dating. Parang hindi lang approval, parang may halong interes. Napatingin ulit ako sa kanya. At this time medyo hindi na ako naiirita. “Don’t disappoint yourself, Ms. Lopez,” dagdag niya. Myself? Hindi ikaw? Napairap ako nang bahagya. “Don’t worry,” sagot ko. “I don’t plan to.” Pagkalabas ko ng office ni Daddy, mas mabilis ang lakad ko kaysa kanina. Hindi na dahil sa galit. Kundi dahil sa desisyon. Pagpasok ko ulit sa elevator, napatingin ako sa reflection ko sa salamin. Inaayos ko ang buhok ko. Inaayos ko ang postura ko. Jasmine Lopez… mamimigay ka ng flyers. Napangiti ako, fine! Pero hindi ibig sabihin nun na gagawin ko ‘yon nang basta-basta. Pagdating ko sa labas ng building, mainit pa rin ang araw. Nasa passenger seat pa rin ang mga flyers. Dahan-dahan ko itong kinuha, tinitigan. Then, ngumiti ako ulit. “Kung gagawin ko ‘to…” bulong ko, “I’ll do it my way.” Makalipas ang ilang minuto... hindi na ako mukhang simpleng namimigay ng flyers. Nakatuon na ang mga tao sa akin. Hindi dahil pinipilit ko sila, kundi dahil gusto nilang lumapit. “Hi! Have you heard about this?” malambing kong bati sa isang grupo. Ngiti. Eye contact. Confidence. Yan ang ginamit ko para mabilis kong maibigay ang mga flyers ng walang kahirap- hirap. At unti-unti nauubos ang hawak kong flyers. Sa kabilang banda, mula sa loob ng sasakyan na nakaparada sa di kalayuan tahimik na nakamasid si Anton. Nakababa ang bintana, habang pinapanood ako. At sa unang pagkakataon may kakaibang ngiti sa labi niya. “Interesting…” mahina niyang bulong. Hindi dahil sa maganda ako. Kundi dahil hindi ako sumuko sa hamon niya at hindi ko tinaasan ang pride ko. Ginawa ko kung anong gusto niya para mapatunayan ang kakayahan ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD