JASMINE LOPEZ
Ngumiti ako at dahan-dahang umupo sa bakanteng upuan, pero ang totoo, hindi ako mapakali.
Panay ang sulyap ko kay Mr. Devier. Grabe naman ‘to… parang hindi tao. Para mnma akong baliw, kung ano ano na ang tumatakbo sa isip ko.
Ang linis ng features niya, matangos ang ilong, matalim ang panga... tapos yung titig niya? Mapapa 's**t ANG GWAPO' ka talaga.
Kahit hindi naman sa akin naka tingin, parang kaya kang i-scan mula ulo hanggang paa.
Kalma, Jasmine… CEO’s office ‘to, hindi ka nasa K-drama. Saway ko pa sa sarili ko. Napairap ako sa sarili ko pero hindi ko pa rin mapigilan ang imagination ko. Pero kung K-drama man ‘to… siya talaga yung male lead. At ako naman ang female lead niya.
Napakagat ako ng labi, pinipigilan ang ngiti. Ayaw ko namang isipin niya na kinikilig ako sa kanya.
“Mr. Devier, as I was saying…” seryosong sabi ni Daddy, ibinalik ang atensyon sa meeting nila.
Samantalang ako... Heto at hindi matapos-tapos ang mga side comments ko tungkol sa kanya.
Pasimple ko siyang tintigan kahit na anaka side view siya, medyo pamilyar talaga ang mukha niya sa akin. Pero hindi ko maisip kung saan ko ba siya nakita.
Bigla akong napatigil. Hindi dahil sa naalala ko kung saan ko siya nakita. Kundi dahil, bigla siyang napatingin sa akin. Parang nahuli niya akong nakatitig pa sa kanya.
Nanlaki ang mata ko at agad akong napaiwas ng tingin, kunwari’y abala sa pag-aayos ng buhok ko. Ay Diyos ko, nakita niya ba akong nakatingin?
Pero ilang segundo lang, may kung anong nagtulak sa akin para sumulyap ulit.
At doon ko nakita, bahagyang nakaangat ang gilid ng labi niya.
Bigla siyang ngumiti sa akin, kaya ang puso ko biglang tumibok-t***k at ang digidig digidig dahil sa saya. Pero syempre, hindi ko yun pinahalata sa kanya. Umakto ako na parang normal lang ang lahat. Pero ang totoo, parang gusto ko ng himatayin dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.
“Alright,” biglang sabi ni Daddy matapos ang ilang minuto. “We’ll finalize this by next week.”
Tumango si Mr. Devier at tumayo. At doon ko lalo siyang nasilayan ng buo. Grabe… mas matangkad pa pala siya sa inaakala ko. Automatic akong tumayo nang mapansin kong tapos na ang meeting.
“Mr. Devier, this is my daughter—Jasmine,” pakilala ni Daddy.
Napatuwid ako ng tayo at ngumiti.
“Hi,” maayos kong bati, pero sa loob ko.. Parang may libo libo ng kabayo na nagtatakbuhan sa tyan ko.
Please lang, wag kang magkamali ng sasabihin. Inabot niya ang kamay niya, kaya nakipagkamay ako sa kanya.
“Anton Devier,” kalmado niyang sagot.
At nung maramdaman ko ang hawak niya, parang may kung anong kuryente na dumaloy sa balat ko.
Ano ba ‘to, Jasmine… simpleng handshake lang yan!
“Nice to meet you, Mr. Devier,” sabi ko, pilit pinapanatiling steady ang boses ko.
Saglit niya akong tinitigan, hindi yung bastos, parang casual lang.
“At ikaw pala ang anak ni Mr. Lopez,” dagdag niya.
“Unfortunately, yes,” biro ko, sabay tingin kay Daddy.
Napailing si Daddy. “Don’t mind her.” ani pa ng daddy ko.
Bahagyang natawa si Mr. Devier.
At bigla ko na lang na pansin na maslalo pala siyang nagiging gwapo kapag ngumingiti.
Pero bago pa ako tuluyang malunod sa kakaibang charm niya naalala ko kung bakit ako nandito.
“Dad,” bigla kong sabat, medyo bumalik ang inis ko. “About Miss Karen," Napatingin agad sa akin si Daddy.
“Later, Jasmine,” babala niya.
Pero hindi ako tumigil.
“No, Dad. I think this is important.” giit ko.
Bahagyang natahimik ang kwarto.
At ramdam ko, nakatingin din si Anton sa akin.
“Pinamimigay niya ako ng flyers,” dire-diretso kong sabi. “Is that even part of my job description?” tanong ko kay daddy sa iritableng tono.
Tumahimik si Daddy.
Habang si Anton, dahan-dahang uminom ng kape niya, pero hindi inaalis ang tingin sa akin.
Parang interesado siya sa naririnig niya at parang nag-eenjoy pa siya?
“Field work ka, Jasmine,” kalmadong sagot ni Daddy. “It’s part of learning the business.”
“By handing out flyers under the sun?” hindi ko napigilan ang tono ko. “Dad, I didn’t study for years just for that.” paliwanag ko.
Isang sandaling katahimikan ulit.
Tapos... biglang nagsalita si Anton.
“Actually…” mababa at kalmado ang boses niya.
Napatingin kaming dalawa sa kanya.
“May point siya.”
Napaangat ang kilay ko. Oh? Kakampi ko siya? Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.
“Miss Lopez shouldn’t stay too long in basic tasks,” dagdag niya. “Sayang ang potential kung hindi siya ma-eexpose sa mas critical na trabaho.” ani pa niya.
Parang may kung anong nagliwanag sa loob ko.
Finally, someone gets it. Ngumiti ako ng bahagya, hindi ko napigilan.
“Thank you,” sabi ko, medyo proud.
Pero biglang nagbago ang ekspresyon niya.
Mas lalong naging seryoso.
“But,” dugtong niya, “that doesn’t mean she should skip the fundamentals.”
Nawala ang ngiti ko.
"Excuse me?" mabilis kong sagot.
“Understanding the ground level is important,” tuloy niya. “Kung hindi mo kayang gawin ang simpleng trabaho, mahihirapan kang mag-manage ng mas malaki.”
Parang may sumampal sa pride ko.
At this time hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o ita-take ko ito as a challenge para patunayan sa kanya na kaya ko ang trabahong ibinibigay sa akin.