CHAPTER 10

1137 Words
JASMINE LOPEZ Binigyan ako ni Miss Karen ng mga flyers na hindi ko alam kung para saan. Napakunot ang noo ko, 'anong gagawin ko sa mga flyers na ito? "Excuse me, Miss Karen, may I asked kung ano po ang gagawin ko sa mga flyers na ito." sabi ko sa kanya. "Di ba ang work mo is sa field, ano ba sa tingin mo ang gagawin mo d' yan?" medyo mataray niyang sabi. Hindi ko agad nasagot si Miss Karen. Napatingin lang ako sa hawak kong makakapal na flyers, mga papel na may naka-print na promosyon ng kumpanya. Magandan kulay, simpleng design, at halatang pang-masa ang target. Halatang pinag isipan ang layout. Pero hindi ito ang trabahong in-expect ko. Alam kong magsisimula ako sa mababa, pero grabe naman na mamigay ng flyers sa kainitan ng araw. Hindi ako ng aral ng halos limang taon para lang mamigay ng flyers sa labas. Ano lang lang ang sasabihin ng mga taong makakakilala sa akin? Maliit lang ang Metro Manila, at kahit saang parte ay may kakilala ako. Paano kung may makasalubong ako or makatukan ko ang bahay na kakilala ko? No! This is not happening to me. Hindi to pwede! Ayaw ko! Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang sarili ko na sumagot nang pabalang. “Miss Karen,” pilit kong pinakalma ang boses ko, “I mean… I understand na field work ako, pero… hindi naman po siguro ito ang klase ng trabaho na babagay sa position ko?” Tumaas ang isang kilay niya at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. “Talaga?” malamig niyang sagot. “At ano ba sa tingin mo ang ‘babagay’ sayo, Ms. Lopez?” Napatikom ako ng labi. Gusto kong sabihin na hindi ako basta-bastang empleyado. Hindi ako kumuha ng degree para lang mamigay ng flyers sa kalsada. Hindi ako pinalaki ng daddy ko para mapunta sa ganitong sitwasyon. Pero pinigilan ko ang sarili ko, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Ayaw kong mag mukhang mayabang sa harap nila. Dahil pwede itong ikasira ng image ng pamilya ko. “Marketing staff po ako, ‘di ba?” sagot ko, medyo mas maingat na. “I was expecting na mas… involved ako sa planning, strategy, ganun po kasi ang alam kong trabaho ng marketing.” magalang at malumanay ko pa ring sabi. “Lahat nagsisimula sa baba, Jasmine.” putol niya, may diin ang bawat salita. “Kung hindi mo kayang gawin ang simpleng trabaho, paano ka aasahan sa mas malaki?” Parang may kung anong sumikip sa dibdib ko. Hindi ako sanay na kinakausap ng ganito. “Pero—” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita. “No buts,” malamig niyang sabi. “You have the whole morning. Distribute those flyers. Ang target mo ay at least 300. Report back to me after.” maawtoridad niyang sabi. Hindi na siya naghintay ng sagot ko. Tinalikuran niya ako at naglakad palayo na parang wala lang. Naiwan akong nakatayo, hawak ang mga flyers, habang unti-unting umiinit ang ulo ko. Three hundred? Seryoso ba siya? Ganoon kadaming papel ang ipamimigay ko. That's bullshit! Sabi ko sa isip ko. Napabuntong-hininga ako at mariing napakagat sa labi. “Hindi ito ang pinasok ko…” bulong ko sa sarili ko. Lumabas ako ng building, pero hindi ako dumiretso sa kung saan dapat mamigay. Sa halip, dumiretso ako sa kotse ko. Pagkasara ko ng pinto, doon ko na inilabas ang inis ko. “Unbelievable…” mariin kong sabi habang ibinabagsak ang flyers sa passenger seat. Kinuha ko agad ang phone ko at mabilis na tinawagan ang isang number na kabisado ko. Ilang segundo lang at agad naman sumagot si Daddy. “Hello, sweetheart?” malambing na boses ng daddy ko ang sumagot. “Dad,” agad kong sabi, hindi na pinatagal. “We need to talk.” Natahimik siya sandali, parang naramdaman ang bigat ng tono ko. “Anong nangyari?” nag aalala ring tanong niya. Napahawak ako sa noo ko. “I didn’t sign up for this,” dire-diretso kong sabi. “Pinamimigay ako ng flyers. Sa labas. Under the heat. Like… seriously, Dad?” nagmamaktol kong sabi. “Flyers?” halatang nagulat siya. “Who assigned you that?” “Miss Karen,” sagot ko, halos kumulo ang dugo ko sa pangalan pa lang niya. “She’s treating me like I’m… I don’t know, like I’m nothing.” inis kong sabi. Para akong bata na nagsusumbong sa daddy ko. Parang may biglang anghel na dumaan sa amin, isang katahimikan ang saglit na namagitan sa aming dalawa. Alam ko kapag ganun si Daddy ay hindi niya gusto ang narinig niya. “Nasaan ka ngayon?” tanong niya, mas mababa na ang boses. “I’m outside the office. Im in my car. " umuusok pa din ang bunbunan kong sabi. “Pumunta ka sa taas. Sa office ko,” utos niya. “Now.” Hindi na ako nagtanong. “Okay, Dad.” mabilis kong sagot. Pagkababa ko ng tawag, napasandal ako sa upuan. Tapos, napatingin ako sa mga flyers sa tabi ko. Dahan-dahan kong kinuha ang isa at tinitigan iyon. Mahigpit kong nilamukos ang papel bago ko ito ibinato sa upuan. “Miss Karen…” malamig kong bulong. “You picked the wrong person to mess with.” Pagpasok ko sa elevator, ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa galit. Isa-isa kong pinindot ang floor number papunta sa CEO’s office, ang lugar na bihira lang mapuntahan ng mga ordinaryong empleyado. Pero hindi ako ordinaryong empleyado. Pagbukas ng elevator, sinalubong ako ng tahimik at malamig na hallway. Malinis, elegante, at halatang mataas na tao lang ang nakakapunta sa lugar na ito. Mga importanteng tao na may malaking ambag sa lipunang ginagalawan ko. Diretso akong naglakad papunta sa pinto. Hindi na ako kumatok. Binuksan ko agad ito. “Dad—” Natigilan ako, hindi ko alam na may ibang tao pa pala bukod sa daddy ko. Hindi lang siya ang nasa loob. May isa pang lalaki na nakaupo sa sofa, relaxed, naka-cross ang legs, habang hawak ang isang baso ng kape. Napatitig ako sa lalaki, parang pamilyar siya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. 'Shemay, ang gwapo niya, parang amperfect niya. Bumabakat pa yung muscle niya namumutok sa long sleeve niyang humapit sa katawan niya. "Jasmine, maupo ka muna saglit at tatapusin ko lang ang meeting ko kay Mr. Devier." Sabi sa akin ni Daddy. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis, hoping na mapansin ako ng lalaking kausap ni Daddy. Tingin ko nasa late 30's na siya pero jusko po makalaglag panty naman ang kagwapuhan. May ganitong lalaki pa pala.... Pero bigla din akong napaisip. Lalaki ba siyang tunay? Madalas kasi ang mga ganitong lalaki ay pamin na... Short for paminta. TO BE CONTINUE.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD