CHAPTER 4

5000 Words
Hindi ko alam kung ano ang trip netong lalaking to basta-basta pa naman akong hinila na akala niya ata ay close na kaming dalawa. Ewan ko rin ba kung bakit ako nagpahila sa kanya hindi naman kasi ako kinakabahan dahil bukod sa regular customer na namin siya ay mukha namang hindi niya ako kakatayin ng buhay. Hindi niya sana ako ibenta sa kung sino-sino lang, alam ko nagbebenta ako ng lumpia pero hindi ko naman ibibenta ang sarili ko. Nagdadasal ako sa utak ko dahil nandito na kami sa parking lot “sumakay ka na, bilisan mo dahil may next subject pa tayo.” sabi niya habang nagmamadali. Sumakay naman ako sa kotse niya pero syimpre hindi ko napidilang hindi magtanong. “Saan ba talaga tayo pupunta? Kung makahila ka naman sakin ay parang hindi susugatan mo na yung mga kamay ko.” Hindi niya ata ako naririnig dahil hindi man lang niya ako sinagot, tao ba tung sinamahan ko? Nakalabas na nga kami ng station road inofferan niya pa ako ng softdrinks kasi meron siyang cooler sa car niya na may lamang tubig, gatorade at softdrinks. SIguro kaya may ganito sa car niya dahil basketball player siya beneficial naman sa kanya ito. He suddenly stops the car at pagtingin ko sa paligid may katapat na fine dining restaurant ito na sikat sa lugar namin. Ito ay ang Bansay Portside Restaurant napaisip agad ako baka gusto niya akong maging kasama sa pagkain niya, ito naman gusto lang pala ng kasama sa pagkain eh hinila pa talaga ako. “Follow me.” ma-awtoridad niyang sabi sa akin. Ano pa nga bang magagawa ko malamang dinala na niya ako rito edi sasama na ako sa kanya napaka harsh naman mag invite ng date ng lalaking ito. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko kaagad na lumapit siya sa may parang bar corner. He’s talking to an employee at napaisip na naman ako baka nag-oorder na siya ng pagkain saktong-sakto naman dahil gutom na ako. Ilang minute ang nakalipas may babaeng dumating na napakaganda at makikita mo talaga na sobrang classy at elegante siya. Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at nagpakilala. “Hi Good morning, I assume that you are the owner of the lumpiang shanghai by the way I am Angelie Castillo and I am the owner of this restaurant.” she calmly said. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pagkabigla ko sa narinig ko how did she know about our lumpia? “uhm hi po, I am Anna Concepcion Delos-Reyes and may I ask lang po if how did you know about our lumpiang shanghai?” sabi ko sa kanya pabalik na may halong kuryosidad. She smiles widely napakaganda naman ng babaeng ito halatang anak mayaman at may narating na sa buhay. “Oh well, I guess you don’t have any idea kung bakit ka nandito for sure hindi ka sinabihan ni Christian about it kaya ako nalang siguro ang magsasabi Christian brought us a lumpiang shanghai during our family dinner and when I taste it sobra akong namangha sa sarap the reason why I ask him who made such a very delicious delicacy at ikaw nga yung sinabi niya.” sabi niya. Nahiya ako kaagad dahil sa ginawa ni Christian pero napakaganda ng sinabi niya tungkol sa negosyo namin ni mama. “Maraming Salamat po dahil nagustuhan niyo yung luto ni mama, sa katunayan nga po ay tuwing may okasyon lang kami gumagawa ng mga lumpiang shanghai ngayon lamang po nagkaroonn ng negosyo na nagbebenta ako sa school namin.” sagot ko sa kanya. “Great! I’ts a good decision na ginawa niyo ng mama mo, dahil diyan sasabihin ko na ang sadya ko I want your mom to cook for us and be our supplier ng lumpiang shanghai at ilalagay ko ang delicacy niya sa menu namin yun ay kung okay lang sa inyo?” sabi niya sa akin habang nakangiti. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil sa sobrang galak na nararamdaman ko. Napakagandang offer ang sinasabi niya sa akin ngayon hindi lamang sa school yung mga customers ni mama kung hindi nakarating na rin sa fine dining restaurant ang lumpiang shanghai niya. Hindi agad ako nakapagsalita sobrang napakalaking biyaya ang ipinukol ng Diyos sa amin. “Ah pasensya na po kayo maam kung nakatulala ako napakagandang opportunity kasi itong sinasabi niyo sa akin para sa business namin ni mama ngunit hindi ko po kasi masasabi kung papayag ba si mama siguro pag-uusapan po muna namin bago kami makapagpasya.” Sagot ko sa kanya dahil hindi rin naman ako pwedeng mag yes kaagad kelangan muna naming pag-isipang mabuti. Sana naman ay maintindihan niya, dahil si mama naman talaga ang may gawa ng lumpia at ako’y katuwang niya lamang. “No it’s okay I understand that’s why I want to talk to you so that you can be able to tell about this good news to your mom, hindi lang naman sainyo yung opportunity na ito dahil malaking bagay sa akin kung papayag kayo sa offer ko.” sabi niya at binigyan ako ng napakalaking ngiti. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagdesisyon na kami ni Christian na magpaalam dahil may next subject pa nga kami. “Thank you po Ma’am Angelie tatawag po ako sa inyo kung ano ang magiging desisyon namin.” sabi ko. Tumango siya at ngumiti kaya naman sumakay na kami sa kotse ni Christian. “Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa iyo o magagalit dahil sa paghila mo sakin pero sige thank you dahil sa ginawa mo pwedeng lumago ang negosyo at buhay namin kaya maraming salamat Christian.” sabi ko sa kanya. “It’s no big deal, deserve niyo yun lalo na yung mama mo dahil masarap yung luto niya.” sagot niya sa akin. Tumango na lang ako at ngumiti pero hindi ko pala natanong sa kanya kung kaano-ano niya si Ma’am Angelie kasi parehas sila ng apelido. “Ahm gusto ko lang itanong kung kaano-ano mo si Ma’am Angelie?” tanong ko sa kanya at hindi naman siya snobber kaya sinagot niya ako kaagad “She’s my cousin and she is my closest among others.”sagot niya. Ah kaya naman pala parang may resemblance sila. Mabilis magmaneho si Christian dahil may hinahabol nga kaming klase mabuti na lang at walang traffic ngayon. Bumaba ako sa kotse at sabay na kaming naglakad papunta sa classroom namin. Pagkarating nga namin ay siya ring pagdating ng teacher namin. Atleast hindi kami na late dahil kung hindi ay hindi na kami makakapag attendance. Nagpagawa ng activities ang teacher namin at bigla itong nagpa oral recitation. “When I call your name you stand up and answer my question properly, if you can’t answer my question then better luck next time.”sabi ni Ma’am Zamora. Isa-isa na nga niyang tinawag ang mga kaklase ko hindi kasi alphabetical orders ang pagkatawag niya. Nakikinig ako sa mga sagot ng mga kaklase ko at pumapalakpak ako sa tuwing nakakasagot sila ang tatalino talaga ng mga kaklase ko pagkatapos umupo ni Bianca ay tinawag na si Christian. “Mr. Castillo, what is mitosis?” ani ni Ma’am Zamora. Kinakabahan ako dahil hindi pa sumasagot si Christian siguro ay nag-iisip siya sa tamang sagot ng biglang “Mitosis is the process by which a cell replicates its chromosomes and then segregates them, producing two identical nuclei in preparation for cell division.”sagot niya at malakas na palakpakan ang iginawad namin sa kanya. Matalino naman din pala talaga itong si Christian mahiyain lang siya dahil napag-alaman ko na home school pala siya, kaya pala ay hindi siya sanay sa maraming crowd at maingay na environment. Kita ko sa mata ng guro namin na namangha siya kay Christian sa sobrang pagkamangha ko nga’y ako na ang tinawag. “What is a chromosome?”tanong ni Ma’am Zamora, dahil nag-aral ako ay syimpre alam ko ang sagot “A chromosome is a threadlike structure of nucleic acids and protein found in the nucleus of most living cells, carrying genetic information in the form of genes.”sagot ko at pinalakpakan din ako ng mga kaklase ko. Natapos na nga yung klase namin at lahat naman kami ay nakasagot. Inaya nga ako ng mga kaibigan ko na pupunta kami sa opening lights sa Rizal’s park pero hindi muna ako sasama dahil busy kami ni mama sa orders namin nalaman ko nga na nakagawa na si mama kaninang hapon ng 1,200 na lumpia siguro marami na siyang nagawa ngayon. Kailangan ko munang unahin ang priorities ko at yun ay ang tulungansi mama sa negosyo namin. Malapit na nga ako sa amin ng may nakita akong nagkukumpulan na mga tao. Pagdungaw ko ay may nakita akong taong nakahiga dahil ito ay nadisgrasya mabuti na lamang at buhay siya pero seryoso ang mga natamo niyang sugat. Pumasok na nga ako sa bahay namin at nakita ko si mama na parang hindi man lang napagod sa ginawa niya maghapon. Hindi talaga siya mapapagod dahil ka agapay niya naman pala si papa. Nagmano na ako sa kanilang dalawa at umakyat muna sa itaas upang makapagbihis at ng makatulong. “Ma ako na muna at magpahinga ka diyan dahil sure ako na kanina ka pa gumagawa ng mga lumpiang ito.” sabi ko kay mama at umupo naman siya. “Naku anak sobra talaga akong natutuwa dahil nagugustuhan ng karamihan sa school ninyo ang luto ko lalo na yung regular customer natin hindi na ba nag order yun?” tanong ni mama. Kung alam mo lang talaga mama kung ilan ang order niya. “Ma yung orders ng mga kaklase ko 2,000 pieces lang naman pero yung regular customer natin ay ginawang 2,000 yung sariling order niya lang kaya mas nakakapagod tuloy ang ginagawa mo mama pasensya kana.” Sabi ko. Mukhang hindi naman natinag yung mama ko grabe talaga ang fighting spirit. “Aba’y sobra naman ang batang iyon kung makapag gasta para sa lumpiang shanghai pero okay nayun dahil nagkakaroon tayo ng kita.” sabi ni mama. Well, tama naman si mama negosyo kasi namin ito kaya paninindigan namin. Muntik ko na ngang makalimutan ang offer sa amin ni mama kaya naman nang nakagawa na kami ng 3,800 pieces at bahagya kaming nagpahinga dahil mahaba pa naman ang oras. “Siya nga pala mama alam mo naman na sikat na fine dining restaurant ang bansay at marami itong customers na classy and elegant, hindi kayo maniniwala pero inofferan niya ako/tayo na maging cook at supplier ng restaurant nila yun ay kung payag ka mama.” sabi ko na may halong excitement dahil alam ko na ata ang isasagot ni mama. “Naku anak ang swerte naman natin sa napili nating negosyo alam naman ninyo na dito ako magaling. Napakagandang opportunidad ang ibigay ng restaurant na yan sa atin kaya tatanggapin natin anak, siguro nakakapagod pero kaya natin yan dahil nagtutulongan tayo diba?” sagot naman ni mama na sobrang positibo ng mindset. “Syimpre naman pamilya tayo all in one tayo, at hindi kayo maniniwala kung sino ang dahilan kung bakit tayo na discover ng bansay.” sagot ko kay mama. Nakita ko sa ekspresyon ni mama na parang wala talaga siyang ideya kung sino. “Oo nga noh? Ngayon ko lang naisip na ang mga customers ko ay taga-rito lang sa atin at yung regular customer natin sa school niyo sino nga ba yung nagrekomenda sa atin anak?” curious na tanong ni mama na may pagkakunot pa ng kanyang noo. “Mama yung regular customer natin sa school namin ang nag rekomenda sa lumpiang shanghai mo sa Bansay Portside Restaurant.” sambit ko. Nagulat si mama sa nalaman niya at basta-basta na lamang nagtatatalon sa tuwa ng nalaman kung sino nga ang nag rekomenda pagtingin ko sa direksyon ni papa ay ganun din ang saya niya ng nalaman ang balitang iyon. “Naku anak sobra-sobra na ang tulong na ginagawa ng classmate mo na yan sa atin, sino ba siya at anong pangalan niya ng sa ganoon ay makapagsabi ako ng maraming salamat.” halos maluha-luha na si mama habang nagsasalita dahil sa tuwa. Sasabihin ko na sana kung anong pangalan niya ng biglang nagsalita si papa “Baka naman ang tulong na ginagawa niya ay may kapalit, babae ba iyan Anna o lalaki? Baka naman may gusto iyan sayo kaya kamong palaging nabili ng lumpiang shanghai ng mama mo.” Sabi ni papa na parang may pagdududa sa natulong ni Christian sa amin. “Papa naman kailan ba ako nagkaroon ng interes sa mga ganyan, opo lalaki po yung regular customer natin dahil paborito niya ho talaga yung lumpia pero wala namang kapalit yung ginawa niya dahil napakayaman po ng taong yun tsaka yung may-ari ng Bansay pinsan niya pala yun.” sabi ko kay papa. “Ikaw naman Dad, porke’t may naitulong ang tao eh may balak na kaagad na iba marahil ay nagustohan niya talaga at nung pinsan niya yung ginawa ko kaya nagdesisyon silang kuhanin tayo.” Sabi ni mama kay papa. Ang mukha naman ni papa ay mukhang naniniwala naman sa mga sinabi namin ni mama. “Ano ang pangalan ng kaklase mo Anna?” sabi ni papa. Sumagot naman din ako kaagad at sinabing “SIya po si Christian Castillo.” Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon ngunit nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni papa. Nagligpit na nga si papa pagkatapos ng pag-uusap namin baka guni-guni nga lang iyong nakita ko sa mga mukha ni papa. Pagkatapos ay gumawa na kami ng mas marami pang lumpiang shanghai. Maaga lang naming natapos dahil nga konti na lang din naman ang kailangan para mabuo na yung order at alam ko kailangan ni mama munang magpahinga dahil gigising pa siya ng maaga upang iluto ang lahat ng orders at syimpre gigising din ako ng maaga. Kinaumagahan ay nagising na lamang ako sa tunog at bango ng pagpiprito ng lumpiang shanghai. Bumaba na ako upang makatulong sa pagrerepack dahil alam ko may mga naluto na si mama, time check it’s already 2:30 am madali lang naman iprito itong mga lumpia dahil naluto na ang mga sangkap na nasa ilalaim ng lumpia. Napakasipag naman ng pamilya ko lahat ay gising ng maaga para makatulong at yung iba ko namang mga kapatid na mga maliliit pa ay tulog pa dahil hindi pa naman sila pwedeng tumulong sa mga ganito dahil baka sila pa’y mapaso. Alas sais na nga ng umaga at natapos na lahat ng orders ng mga kaklase ko at ihahatid ako ngayon ni papa dahil mabigat itong mga dala kong orders mabuti na lamang iyon ng hindi ako maglalakad sa napakahabang corridor ng school namin. Pagkarating ko nga sa school namin ay nakita ko ang mga kaklase kong nag-order din sa akin ng lumpia kaya naman humanap na ako ng pwesto kung saan ko edi-dissiminate tung mga orders nila dahil ayoko kasi yung magkakagulo sila dahil papagalitan ako ng dean namin Nagsilapit na nga sila isa-isa at ibinigay ko na ang mga orders nila tuwang-tuwa naman sila at namangha dahil nakayana daw ni mama yung napakaraming orders na iyon. Patuloy lang ako sa pagbibigay ng mga orders nila dahil may listahan nga ako. Naubos na din lahat ng orders nila at ang natira na lamang ang yung 2,000 pieces na orders ni Christian. Kailangan ko nga pala siyang tanungin kong paano siya nakadala ng lumpia sa family dinner nila eh ipinamigay na naman niya lahat sa mga teammates niya yung order niya noong una. Gusto ko rin siyang pasalamatan dahil sa ginawa niya ay tiyak na papatok ang lumpiang shanghai ni mama. Hindi ko pa siya nakikita sa mga pumapasok na estudyante sa school siguro ay late siya. Lunch break na nga at ngayon ko pa lang nakita si Christian kaya naman ay binigay ko na sa kanya yung orders niya. “Ito ng apala yung orders mo at siya nga pala maraming salamat sa rekomendasyon mo tuwang-tuwa ang pamilya ko.” Sabi ko habang nakangiti. “No problem, I am expecting na your mom will say yes to the offer of Abi because I know she’s in good hands.” sabi niya. Tumango-tango naman ako at sinabi ko sa kanya na pumayag nga ang mama, natuwa naman siya na tinanggap namin ang offer ng pinsan niya. Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita “Anna, can I talk to you later when your free?” sabi niya. Hindi ko alam bakit ako kinabahan sa sinabi niya eh usap lang naman ang sinabi niya kaya naman sumagot agad ako “Sige, pagkatapos ng klase natin sa Mathematics.” tumango naman siya at ginawa ko na yung sign para umalis. Hindi pa ako nakakalayo ng bigla kong naalala yung group activity namin kaya naman lumapit ulit ako sa kanya “Ahh tungkol nga pala sa group project natin kailan natin ipagpapatuloy?” sabi ko. “That’s why I wanted to talk to you about it later if you don’t mind? may ginagawa pa kasi ako." sagot naman niya sa akin. “Ay oo sige wala namang problema baka lang kasi nakalimutan mo, yun lang Christian salamat ulit.” dagdag kong sabi at umalis na ako. Papalapit pa lang ako sa room namin ay nakasalubong ko kaagad si Sir Castro syimpre crush ko siya kaya nginitian ko siya. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla siyang nagsalita “Anna, the faculty and staff wants you to arrange and be the head of this upcoming event na gaganapin this upcoming month isasama ka namin sa meeting na gaganapin next week. Anna don’t refuse this kind of opportunity because the whole faculty believes that no one can ever do such good events but you, at isa ako sa naniniwalang kaya mo tung big event na to.” Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pero tumango na lamang ako dahil maski sa pagsasalita niya ay hangang-hanga ako. Gusto kong kausapin pa ako ni sir ng matagal dahil hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko kapag nandyan siya pabakla-bakla lang naman ito pero ako parang baliw kung ma amazed sa pagkatao niya. “Ah okay po Sir, thank you po sa pag inform sakin ng mas maaga dahil mas makakapag-isip pa ako kung kakayanin ko ba.” sagot ko naman sa kanya. “Hello? Walang hindi kayang gawin si Anna I know you anak you’re doing a great job in your studies and I’m sure kakayanin mo ang task na ito.” sagot naman pabalik ni Sir, kung hindi talaga kita crush ay hindi talaga ako maniniwala sa mga compliments mo buti na lang crush kita. Pagkatapos nga ng pag-uusap namin ni Sir Carlo ay umalis na siya at pumasok na rin ako sa room namin hindi ko matago ang saya na naramdaman ko sa konting pag-uusap namin ni Sir Carlo. Mabilis ang oras kaya mabilis rin kaming natapos sa klase. Nagliligpit na nga ako ng mga gamit ko ng biglang may nagsalita “Anna, if you don’t mind pwedeng hindi muna tayo sa student center mag-uusap I want to have a new place kung okay lang yun sa iyo?” sabi niya na nagulat ako dahil saan niya naman balak pumunta? “Ahm okay lang din naman kung saan ka komportable kasi para mas effective yung project natin.” Sagot ko naman pabalik sa kanya. Napagkasundoan nga namin na sa park kami mag-uusap, hindi ko alam pero tempting para sa akin ang lugar nay un dahil napakaraming mga pwedeng laruin at feeling ko talaga madi-distract ako. Sumakay na nga ako sa kotse niya, hindi ko alam kung pang ilang sakay ko na to sa kotse niya pero talagang nakakarami na ako ng sakay. I can really say na maganda ang sasakyan niyang BMW curious tuloy ako kung gaano kalaki yung bahay ng lalaking to dahil magara na kasi sa sasakyan pa lang. “I didn’t know na isa ka pala sa matatalinong estudyante sa school natin pero nalaman ko rin kaagad because everytime you speak, it can really tell na matalino ka nga talaga because you sound so smart.” Biglang sabi niya na hindi ko alam kung saan nanggaling yun. “Hindi naman ako matalino sadyang alam ko lang talaga yung discussion dahil nag-aaral ako every vacant time at tsaka hindi ko rin alam sa mga schoolmates ko why they look at me like I’m a threat to their studies hindi naman ako nakikipag compete to anyone, I just a want a good grades ayoko ng exposure at maging famous kasi di naman ako celebrity.” Sagot ko kay Christian. “I also see that from you. You take compliments lightly and that’s a good thing.” he said. Bakit parang feeling ko his also complementing me. Hindi na muna ako nagsalita dahil wala akong masabi. Nakita ko na palapit na kami sa park ng may nakita kaming nagsusuntokan sa may gilid parang mga lasing na ata. Nagulat ako ng pagtingin ko ay nakita ko si Bianca na nasa gitna at umiiyak siya mag-isa, gusto ko sanang bumaba ngunit baka magtaka si Bianca kung bakit kasama ko si Christian kaya hindi na lang. Napansin at ani Christian na parang worried ako kaya nagtanong siya “What’s wrong?”, sumagot naman ako ng “Pasensya kana nakita ko kasi yung kaibigan ako and umiiyak siya galing siguro siya sa party.” sambit ko. “Kasama niya ba yung nagsusuntokan?” tanong niya. Hindi kaagad ako nakasagot dahil hindi ko naman kilala yung iba pero ang alam ko nobyo niya yung isa sa mga lalaking nakakipagsuntokan. “Hindi ko kilala yung ibang lalaki pero kilala ko yung boyfriend niya at isa siya sa mga lalaking nakikipag suntokan.” sabi ko. Nakita ko sa reaksyon ni Christian na parang nadadala siya sa taranta kong mga kilos. “Christian huwag na tayong bumaba ako nalang ang pupunta kakausapin ko lang si Bianca para kumalma siya.” Sabi ko. “Sige mag-ingat ka Anna.” sagot niya naman pabalik sa akin. Tumango ako at pumunta na sa direksyon ni Bianca. Papalapit pa lang ako nakita na kaagad ni Bianca ang presensya ko kaya tumayo siya at tumakbo sa direksyon ko habang umiiyak. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik mas lalong lumalakas ang hikbi niya ng nakayakap na kami sa isa’t-isa. “Anna hindi ko na kaya gusto ko ng umalis sa lugar na ito hindi ko alam dahil matalino naman ako ngunit bakit pagdating sa ganito bakit parang napakabobo ko.” Sabi niya habang umiiyak. I don’t have any words to say dahil hindi naman perfect lahat ng tao at naiintindihan ko siya. NIyakap ko nalang siya hanggang sa tumahan siya at maging okay na ang pakiramdam niya. “Pasensya kana Anna kung naging emotional ako, hindi ko na kasi kaya yung mga panlolokong ginagawa sakin ni Emman sobrang nakakababa ng confidence para sa isang babae na ipagpalit ka sa iba." sabi niya. "Bianca pasensya kana pero hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa iyo tungkol sa problema mo ngayon dahil hindi ko pa nararanasan yan pero sabi ng mama ko ay dapat raw huwag mong ibigay lahat ng pagmamahal mo sa kanya matuto kang magtira para sa sarili mo dahil walang ibang tatanggap at mamahalin ka kung hindi ang sarili mo lang. “Tama ka Anna if only I could have a reset button hindi ko pipiliin ang lalaking magiging dahilan ng pagbagsak ko.” Sabi niya. “I understand dahil hindi mo deserve na lokohin ka lang ang ganda mo at matalino ka pa besides your too good for him at hindi man lang siya nahiya.” Sagot ko. Nakikinig nga ako sa pinagsasabi ni Bianca ng naalala ko na kasama ko nga pala si Christian. “SIya nga pala Anna ano nga pala ang ginagawa mo sa Rizal’s park ang alam ko hindi ka na lately nakakagala.” sabi ni Bianca at hindi ko alam kung anong sasabihin kong rason na maniniwala siya. Hindi kasi pwede na malaman niya at baka magkaroon pa ng issue sa school, although wala naman talaga kaming ginagawang mali pero alam niyo na ang mga tao sa paligid. “Ah kasi ano may ipinasuyo si mama sa akin dahil mukhang mauubosan kami ng lumpia wrapper.” Sabi ko habang iniisip ko kung kapanipaniwala ba ang sinabi ko at nakita ko naman sa reaksyon niya na mukhang naniniwala siya. “Ganun ba, pauwi na rin kasi ako gusto mo bang sumabay sa akin?” tanong ni Bianca sa akin. Lagot talaga ako neto kalpag hindi ko masisipot si Christian sa ngayon kaya naman nag isip ako ng paraan “Ah Bianca pwede bang i-text ko muna si mama sasabihin ko na sasabay ako sayo?” sabi ko sa kanya at bahagya naman siyang tumango. “Sure, aayusin ko lang yung sasakyan.” Sambit niya. Pagkaalis niya ay agad akong tumakbo papunta sa direksyon kung saan si Christian nagulat nga siya dahil hingal na hingal pa ako at hindi ko masabi kung ano ang sasabihin ko huminga muna ako ng malalim “Pasensya ka na hindi ko kasi pwedeng sabihin na nandito ka kaso nga lang may kaunting problema dahil inaaya niya akong sumabay sa kanya pauwi, kung okay lang sana sayo na sa susunod na araw na lang natin ipagpapatuloy?” sabi ko sa kanya. “Yes, I also think that this is not the right time kailangan niya ng kaibigan we can have this next day.” Sagot niya sa akin kaya naman nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Kaya naman umalis na ako pagkatapos kung magpasalamat at sakto ring kakarating lang ng kotse ni Bianca binaba niya ang salamin ng bintana sa kotse niya at nakangiti sabay sabing “Hey, hop in!” bakit parang kani-kanina lang ay napakalungkot niya at ngayon ay parang nag-iba bigla yung awra niya. “Kanina ka pa nakatingin sa akin Anna, hindi na ako iiyak dahil nailabas ko na lahat sayo kanina kaya huwag ka ng magtaka masaya ako dahil pinakinggan mo ako sa drama ko kanina.” Sabi niya at hindi ko alam pero tumawa na lang kami pareho. Hindi naman gaanong ka layo yung Rizal’s park sa amin mga 30 minutes lang ang biyahe nagulat ako ng ipinasok ni Bianca yung sasakyan niya sa drive thru ng McDonald’s “Huwag kang mag-alala hindi to libre nagugutom kasi ako kaya kasali ka.” Sabi niya dahil alam niya na hindi ako nagpapalibre kaya ginawa niya na lang dahilan na gutom siya. Naibigay na nga ang order namin at nag drive na ulit si Bianca, napagpasyahan ko nga na sa bahay ko na lang kakainin yung libre niya dahil hindi pa naman ako gutom. Pagkababa ko ay inalok ko si Bianca na pumasok sa loob ng bahay ng sa ganun ay makakain siya ng lumpia ngunit hindi na raw siya magtatagal dahil baka hindi na siya makapasok sa subdivision nila. Nagpaalam na nga lang kaming dalawa sa isa-t-isa at walang tigil naman si Bianca sa pagsasabi ng salamat. Kahit papaano naman ay may nangyaring maganda ngayong gabi hindi nga lang natuloy yung group project namin ni Christian pero atleast nakatulong ako ng kaibigan. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko sila mama na gumagawa ng lumpia. Natawagan ko na ang Bansay kaya bukas na siguro ang simula ni mama kaya abalang-abala naman ito sa paggawa at ganun din si papa na katuwang niya sa negosyong ito. Akma pa sana akong tutulong ay nagsalita na kaagad si mama “Anna matulog kana o kaya’y mag-aral kami na ng papa mo at okay naman kami sa ginagawa namin huwag ka nang mag-abala pa.” sabi niya. Naghugas na nga ako ng kamay at umakyat na sa taas upang makapaghanda sa pagtulong. Iniisip ko pa rin ngayon si Bianca alam ko na sinasabi niya lang na okay siya ngunit deep inside sinasabi niya lang yun para makita ng iba n amalakas siya. Busy ako sa pagso-social media at naaliw nga ako sa t****k dahil ang daming mga katarantaduhan ang sumisikat. Habang busy nga ako nanood ay biglang nag pop-up yung message ni Marky kaibigan kung bading at nagulat ako sa natanggap kung mensahe galing sa kanya. Hindi ako makapaniwala okay pa naman siya kanina ng magkasama kami ang sabi kasi ni Marky sa chat ay nag commit raw ng suicide si Bianca at kasalukuyan siyang nasa hospital ngayon. Hindi ako mapakali dahil mukhang kailangan ata ng mga magulang niya na malaman ang nangyari sa kanya at kung ano ang posibleng dahilan kung bakit niya nagawa iyon. Habang iniisip ko yun ay taimtim akong nagdadasal na sana ay okay lang si Bianca. Ilang segundo lang matapos kong magdasal ay tumunog ang telepono ko at sinagot ko ito kaagad “Good evening, Am I speaking to Anna?” sabi ng nasa kabilang linya sumagot naman ako na “Uhm yes po ako nga ho.” “I am the mother of Bianca at pasensya ka na iha kung nadisturbo ka namin ngayon eh kasi nakasulat sa tissue na galing sa Jollibee na binili ng anak ko na sa lahat ng taong pipiliin kong makausap ay walang iba kung hindi si Anna lang, puyde ba naming malaman kung alam ka if what are the possible reason bakit siya nag commit ng suicide? If that’s okay with you, ofcourse.” Sabi ng mama ni Bianca. Naisip ko na tama nga na dapat kung sabihin sa kanila ang nangyari. “Yes, ma’am. I’m willing to cooperate po para kay Bianca.” Sagot ko pabalik sa mama ni Bianca at nagpasalamat naman ang mama niya. Bukas ng umaga kukunin ang statement ko ng mga pulis. Nahihirapan akong matulog dahil sa nangyari sa kaibigan ko ngunit kailangan kong magpahinga para may lakas ako para bukas dahil sa tingin ko ay maiiyak ako habang iniisip na nakahiga siya sa hospital samantalang okay naman siya kagabi ng magkasama kami. Kinaumagahan nagpaalam na ako kay mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD