Pagkarating ko sa school ay nakita ko kaagad si Christian kaya naman binigay ko na ang order niya. “Ang galing naman ng mama mo at kaya niyang gumawa ng ganito ka daming lumpia.” sabi niya. Oo naman mama ko yun eh, “Syimpre ganun talaga kapag mahal mo ang ginagawa mo.” sagot ko naman sa kanya,
Nagpaalam na ako na aalis ako dahil pupunta pa ako sa SBO office para magbigay ng update. Sana naman ay magustuhan niya yung luto ni mama made with love and passion pa naman yun.
Hindi ko alam na half day lang pala kami ngayon kaya lalabas na ako sa room namin para umuwi ng makita ko si Christian kaya naman tinanong ko siya “Nagustuhan mo ba yung luto ni mama?” sabi ko. Hindi muna siya sumagot hanggang sa “I want to order ng doble sa inorder ko kahapon.” sabi niya na mukhang malalaglag ang panga ko sa pagkakanganga.
Napakatakaw naman ng lalaking to saan niya nilagay yung mga lumpia at naubos niya kaagad.
Hindi agad ako nakaimik dahil hindi ako makapaniwala na nagustuhan niya yung luto ni mama. Umubo ako at uminom ng tubig “SIgurado ka ba?” sabi ko. Tumango-tango naman ang mokong “Ahh sige, pero pwedeng magtanong? Naubos mob a yung 100 pieces kanina?”, “Yes, I eat all of it at gusto ko pang umorder ng double dun.” he said. Naku mukhang na gayuma ata ni mama si mysterious guy.
Pauwi na ako sa amin hindi pa rin ako makapaniwala na gusto niya pa ng doble ibig sabihin 200 pieces na naman ang gagawin ni mama. Hindi ko alam kung matutuwa si mama o hindi dahil nakakapagod ang challenge na to sa kanya. Mabuti na lang at half day ako ngayon kaya makakatulong ako sa kanya.
Pagpasok ko sa bahay nakita ko si mama na nanunuod ng teleserye. Binigay ko sa kanya ang bayad ni Christian at bigla siyang nagtanong “Kumusta? Anong sabi ng classmate mo, nasarapan ba siya?” , Hindi ko alam paano ko sasabihin kay mama pero bahala na “Sabi niya sa akin na he wants a double order ng inorder niya.” ang lakas ng tili ni mama na may pagtalon pa sa sobrang tuwa.
“Ibig sabihin anak nagustuhan niya yung ginawa ko, hay Salamat sa Diyos at dadami ang orders ko.” Masayang sabi ni mama. Sa sobrang saya niya ay pumunta na agad siya sa palengke para mamili.Sinamahan ko na si mama para naman may katuwang siya sa paggawa ng mga orders sa kanya.
Sa sobrang saya ni mama ay hindi na siya nag atubiling bumili ng kung ano-ano. Pag uwi namin ay ako na nga ang nagluto para sa pagkain namin dahil si mama ay nagsisimula na sa kanyang orders.Tiningnan kami ni papa dahil busy kami ni mama at hindi niya napigilang magtanong “Abalang-abala kayong dalawa ah, anong meron?” sabi ni papa. Sinagot agad siya ni mama na ang ngiti ay abot hanggang tenga “Marami kasi kaming orders ngayon sa lumpiang shanghai ko nasarapan ang customers natin love.” na ikinatuwa naman ni papa.
Nagluluto na nga ako ng adobo na ulam namin sa ngayon dahil malaki pala ang binigay ng mokong na bayad kay mama. Sana naman talaga ay totoong nagustuhan at nasarapan siya sa luto ni mama dahil baka ipinamigay niya lang sa iba, ngunit kung ganon din ang ginawa niya ay napakabait niya naman at may nagawa siyang mabuti para sa kapwa niya.
Natapos na ako sa niluluto ko kaya naman ay tinawag ko muna si mama para kumain kami at makapagpahinga muna siya sa ginagawa niya. “Alam mo anak ang sayasaya ko talaga ng nalaman ko na nagustuhan ng kaklase mo yung lumpia.” sabi ni mama. “Ako nga rin ma eh nagulat ako dahil ang bilis niyang naubos yung 100 pieces na order niya, at tinanong ko siya mismo siya lang daw nag ubos lahat ng yun.” sagot ko kay mama.
Well not to brag about my mama’s skill pero for sure naman na totoong masarap yung ginawa niya. Alas syete na ng gabi at may nagagawa na si mama na halos 50 pieces masakit na yung likod niya kaya naman hinilot ko ang likod niya habang ang mga kapatid ko naman ay tumutulong sa paghihiwalay ng mga wrapper na nagdidikit-dikit.
“Ma, alam niyo ba mayaman yung taong nag order niyan huwag tayong umasa pero kapag mas nagustuhan niya yung luto ninyo ay sure ako ire-rekomenda tayo sa mga kilala nun.” sabi ko kay mama hindi dahil gusto kong umasa siya pero para mas lalong sarapan niya pa yung ginagawa niya.
Ganun naman talaga dapat sa pamilya dapat nagtutulong-tulongan at higit sa lahat binibigyan ng encouragement ang isa’t-isa para mas lalong lumakas ang loob. Pagkatapos kong sabihin kay mama yun ay biglang nawala raw ang sakit ng likod niya at napansin kong mas lalong domoble ang kilos niya. Sabi ko na nga ba eh effective yung ginawa kong encouragement.
Nakakapagod tignan ang ginagawa namin pero pursigido kami dahil malaking tulong ito sa pang-araw-araw na gastosin namin sa bahay namin. Alas nuwebe na ng nakabuo si mama ng 200 at dahil special customer si Christian ay binigyan ni mama ng additional na lumpia.
Pagkatapos naming gumawa ay nagligpit na kami at nag goodnight sa isa’t-isa for doing a great job. Mas madali kaisng matatapos ang gawain kapag tulong-tulong. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang message ni Christian nilalagay niya yung mga other informations tungkol sa kanya. Hindi naman ako nagtatanong pero mas mabuti na rin at nag initiate na siya.
Naisip ko rin na maglagay rin ako ng mga informations tungkol sa akin as an exchange of what he sent me. Pag sent ko sa kanya ng informations ay nag reply siya sa akin about sa lumpia kung kaya ba yung order niya at sinabi ko sa kanya na okay na yung order niya.
Pagkatapos ng aming session for tonight ay pinatay ko na ang ilaw para matulog. Hindi agada ko nakatulog dahil iniisip ko pa ang mga information na sinabi ni Christian, only child lang siya so ibig sabihin mag-isa lang siya sa kanila at walang nakakausap dahil busy sa work yung pamilya niya pero may jowa naman siya ngunit hindi niya pa yun nababanggit sa akin.
Third Party’s POV
She wakes up early in the morning kasi bibisita ako kay Christian ngayon. She did not inform him about her visit pero she is aware na malapit na matapos ang klase niya. Hindi kasi pwedeng bumisita sa kanila kapag nasa class pa lang siya.
She was on her way to their village ng may nakita siyang lumpiang shanghai sa isang sikat na restaurant kaya naman sinabihan niya si manong na bibili muna siya ng lumpia.
Paborito kasi ni Christian ang lumpia at alam niya na takam na takam siya rito. Kaya naman bumili ito ng medyo maraming lumpia for him hindi naman ito bumibili sa kung saan-saan lang dahil baka magkasakit pa si Christian.
Pagkarating niya sa kanila pinapasok kaagad siya ng guard dahil kilala na nila kung sino siya. She went straight to his room at nakita niyang nanood ito ng Netflix. “Hey Christian, what’s this fuss all about?” sabi niya. “What are you talking about?” sagot niya. “Well, someone told me you’re having a hard time in making friends at school is it true?”. “Hmm yeah, it seems like everyone keep distance at me like I’m some dirt they must need to avoid.” he replied. “It’s okay babe, you must also understand them don’t worry I’ll just give you a kiss.” she simply said.
They started kissing each other while she’s on top of him. “Ahh babe, did you miss me?” she whispered seductively. “I miss you in my bed.” he replied. “Why don’t we try it at the bathroom instead?” she said back while she’s teasing him. They went straight to the bathroom ng hindi napuputol ang kanilang halikan.
After their scene ay bumaba na sila ni Christian, pinatikim niya ito sa kanyang lumpia na binili and Hindi na siya pinauwi dahil dito na raw ito mag di-dinner kasama ng pamilya niya. Nag-uusap lang namin sila ng parents niya about sa business ng pamilya nila at ng pamilya namin.
Nagpaalam na siya sa parents ni Christian at kay Christian mismo dahil baka hinahanap na ito sa kanila. Papauwi pa lang siya sa kanila ay nag pop-up na kaagad ang messages ng mga bruha niyang kaibigan na nag-aaya na naman mag party. Party is her escape ditto niya nile-let go ang lahat ng negativities in her life until it becomes her comfort.
Nagagalit at minsan ito ang madalas nilang pag-awayan ni Christian dahil ayaw niya sa ginagawa nito. He doesn’t want her to go on parties dahil delikado raw lalo na’t babae ito, she doesn’t know if his protective or masyado ba siyang native mag-isip kasi ang old fashioned niya pagdating sa ganito.
She knows he never experienced being at the bar dahil ayaw niya sa crowded places but she doesn’t understand Christian because she knows that he can always have an exclusive room if he wants to.
Hindi naman siya namimilit kung ayaw kaya minsan sa mga lakad niya hindi alam ni Christian or hindi ito nagpapaalam. She also admits that there were times na naiisip niya if nais ba ni Christian na ayain siya so he could see what kind of world she is comfortable staying with.
She texted her friends na sasama siya sa lakad nila tonight. Hindi na siya nagpaalam kay Christian para hindi na ito mag overthink. Kinabukasan may practice siya sa cheerleading team kaya nag text si Christian na papunta na ito sa kanya. She waited for a while habang wala pa si Christian.
Mayamaya pay dumating na si Christian at sabay na silang naglakad papunta sa parking lot. “What took you so long babe?” sabi niya. “Nothing I just got bumped into someone diyan sa may street foods her name is Anna.” sagot naman ni Christian. “Anna? yung matalino sa campus?” sabi niya. “Is she?” sagot ni Christian “Yes, she’s so smart and well-known in the campus kaya you must apologized to her okay?” she said. Kilala niya si Anna dahil sikat naman talaga si Anna sa campus nila.
Pagdating niya sa bahay nila ay nakita niya na wala na naman ang parents niya. Palagi na lang siyang nag-iisa sa kanila she even wishes na sana makasama niya man lang yung parents niya even just a little bit. She sometimes wishes na sana wala na lang silang pera siguro ay magkasama pa sila palagi.
Itinulog niya na lang ang kalungkutan hindi siya muna pupunta sa party ngayon dahil hindi ito makakagaan nang problema niya, instead of madadagdagan pa ang hangovers niya. Kinabukasan ay may event na dadaluhan ang family nila birthday kasi ng mommy ni Christian.
Kasama niya si Christian sa isang table pero hindi sila umupo sa VIP seats dahil ayaw ni Christian makipaghubilo sa iba, at ganun din naman siya. After the event ay hindi na siya nagpahatid kay Christian dahil gusto niya makisabay sa parents niya.
The next day ay may event din pala ang school nila at later na niyang naalala na Valentine’s Day Celebration pala iyon. Everyone is focused on the event, tumitingin siya sa paligid niya at hindi niya makita kung saang table naka-assign yung boyfriend niya. Pagkatapos ng paglilibot niya sa paligid ay nakita niya ang boyfriend niya sa malayuan na nakatitig sa babaeng nasa harapan niya kaya naman biglang uminit ang ulo niya at mabilis na naglakad palapit sa nobyo niya.
Napansin niyang nakita na siya ng boyfriend niya kaya umayos ito sa pag-upo. Paglapit niya nagsalita siya kaagad sa may tenga ng boyfriend niya at sinabing “Hey, what’s that staring all about?” she said. “What do you mean?” pagde-deny niya ng boyfriend niya. “You’re staring at Anna na parang kulang na lang ay maglaway ka.” now she sounds mad. Mukhang alam na ng boyfriend niya kung anong susunod na mangyayari nito magagalit lang siya hanggang sa mag-iiskandalo pagkatapos, kaya naman hinila na siya palabas ng boyfriend niya para walang gulo.
Dinala siya ni Christian sa walang masyadong lugar, “What are you doing Abigail?” Christian shouted. “No! you tell me what was that huh? Do you think mag re-react ako ng ganito kung hindi kita nakita you look at her like you adore her, I am your girlfriend incase you forgot Christian?” she said angrily. “I don’t know what you’re talking about, look Abigail event to kaya pwede ba wag muna tayong mag-away? Yes, you’re my girlfriend how can I even forget about it.” sabi ni Christian at pinakalma na siya.
Pagkatapos ng event ay pinasakay na siya sa kotse at pumasok na rin sa loob ang boyfriend niya para ihatid siya sa kanila. Hindi siya nagsasalita sa buong biyahe, pagkarating sa kanila bumaba na siya and said thank you bago pumasok sa bahay nila. Parehas silang mainit ang mga ulo dahil ka gagaling lang nilang mag-away dahil hindi nakapagpaalam ang babae sa boyfriend niya.
Pagkapasok niya sa bahay nila ay umiyak siya iniisip na hindi na niya maintindihan ang relasyon nilang dalawa ni Christian, masyado na itong nawawalan ng oras at pagkakataon na intindihin siya. Kaya naman upang malibang niya ang kanyang sarili ay nag-aya siya sa mga kaibigan niya na mag-party.
Agad namang sumang-ayon ang mga alipores niya at nag prepare na siya para makapunta na rin sa bar, kahit alam niyang magagalit ang boyfriend niya sa posibleng gagawin niya ay wala na siyang pakialam. Ang iniisip niya na lang sa ngayon ay gusto niyang ma divert ang nararamdaman niyang mabigat sa damdamin.
Before she went to the bar sinigurado niya na hindi makikita ni Christian ang stories niya at para hindi malaman kung nasaan siya. Pagdating niya sa bar ay masayang umorder ang babae kasama ng mga kaibigan niya at tuwang-tuwa siyang sumasayaw ng makitang sinerve na sa kanila ang mga pagkain at inimon na inorder nila.
Lingid sa kanyang kaalaman ay friends pala ng boyfriend niya ang isa sa mga kaibigan na kasama niya ngayon at nakita ng boyfriend niya kung nasaan siya.
Nagpupumiglas ang babae habang hinahatak siya ni Christian palabas ng bar. "Bitawan mo nga ako Christian, bakit ka ba nandito?" sigaw niya. "Do you really not know why I'm here? Nandito lang naman yung girlfriend ko at nakikipagsayawan sa ibang lalaki what do you think your doing? You're not even answering my texts and calls and you know that I am not used to go out and went to crowded places but you still push me to my limits." galit na sambit ni Christian sa kanya.
"Why would you care? You did not even say any word when I confronted you about your stares at Anna, tapos biglang nandito ka at binabalik yung galit mo sa kin." she replied. "Alam mo, what you saw was true pero hindi na ba pwedeng tumingin sa paligid ko? Alam mo na may alitan pa tayo bago mo pa ako akusahan ng kung ano-ano, you know what I was thinking na kaya ka nagkakaganito dahil may iba ka." sambit ni Christian na ngayon ay galit na galit na.
"Talagang pag-iisipan mo pa ako ng ganyan, I can't believe you Christian." she said while crying. "Really? but what about this photo of you kissing another man." sabi ni Christian habang pinapakita nito ang litrato nila ng lalaki sa cellphone niya.
"That's not what you think it is Christian, it's Nate kaibigan ko yan at nakilala ko siya sa Timog and we were just drunk that time and.." he cut her off and said "And you're not expecting that someone took a picture of it ganon ba?" now she looks really guilty and can't even find the right words to say para malinis yung konsensya niya.
"Christian baby, it was nothing lasing na siguro ako niyan kaya hindi ko na alam na may nangyaring ganyan baby I swear I really don't know what happened." sabi niya habang umiiyak. "You know what naniniwala naman ako sayo kasi alam kong mahal mo ko." tumatango-tango siya habang nagsasalita si Christian "Pero another video was sent to me, kung ma de-deny mo pa ba to ay hindi ko na talaga alam, this video happened last night at alam ko kagabi after ng event sa school ay hinatid kita sa inyo and this is not just a video of you kissing someone but it is you having s*x with someone else, now tell me lasing ka pa rin ba nito?" galit na galit na singhal niya at nagulat ang babae sa mga nalaman ng boyfriend niya tungkol sa kanya napatulala ito siguro'y iniisip niya kung saan at kanino ito galing.
She can't find any words to say and she can't even look at Christian in the eye pagkatapos ilantad sa kanya ang mga nalaman nito, Alam niya na wala siyang maitatago sa boyfriend niya dahil kilala siya nito kapag nagsisinungaling siya.
"I'm sorry Christian I didn't mean it nagalit kasi ako for what I saw in that event kaya tinawagan ko si Nate para may mapagsabihan ako, uminom kami ng beer at pagkatapos noon may nangyari sa amin hindi ko alam na he was filming me or I don't know if it is a trap or something but..." he cut her off again "but somehow you like what he's doing?" tumango ang babae at sinabing "Yes, because Nate was there for me nakakasama ko siya sa mga gusto ko na hindi mo nagagawa Christian." hindi alam ng babae kung tama pa ba yung sinasabi niya dala na rin sa alak na nasa sistema niya.
"Hindi ko kasalanang naging mapusok ka, huwag na huwag mong isisi sa akin ang mga bagay na alam mo simula pa lang na hindi ko ginagawa ang mga ginagawa mo. Kasalanan mo dahil nagpadala ka and I can't believe na nagawa mo akong lokohin of all people bakit Ikaw pa?" galit na sabi ni Christian
Umiiyak ang babae at pilit na kinukuha ang kamay ni Christian. "Please Christian I'm so sorry hindi ko sinasadya at hindi ko intensyon na lokohin ka, patawarin mo ako please tinigil ko na ang namamagitan sa amin ni Nate please baby patawarin mo ko please." lumuhod siya sa lupa habang humihikbi paulit ulit sinasabing nagsisisi siya at sana'y patawarin siya.
"Alam mong hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari, I already text kuya badong na ipasundo ka tumayo ka na diyan I have to go." sabi ni Christian at aalis na sana pero hinawakan niya ang mga paa nito "No Christian please baby don't leave me please." tinanggal ng lalaki ang kamay niya sa mga paa nito at sumakay kaagad sa kotse niya, pinaandar ito ng sobrang bilis dahil sobrang galit na galit siya sa panloloko ng girlfriend niya.
Nakita siya ng mga kaibigan niya na umiiyak sa labas kaya naman inalok siya nito na ihahatid na sa kanila ngunit sinabi niya na kukunin siya ng driver nila. Mayamaya pa’y dumating na ang driver niya at sumakay siya kaagad. Buong gabi ay umiiyak lamang siya dahil nakokonsensya siya sa nagawa niya.
Hindi deserve ni Christian ang ginawa ng girlfriend niya kahit na isumbat niya pa rito ang mga pagkukulang nito ay hindi sapat ang lahat ng yun upang gumawa siya ng kalokohan. Balak ng babae na puntahan sa silid-aralan ang boyfriend niya ngunit nalaman niya na hindi ito pumasok sa araw na yun.
Kinabukasan ay nakita niya si Christian at akmang lalapit pa lang siya ay siya ring pag-alis nito. Alam niya kaagad na iniiwasan siya ng boyfriend niya siguro’y hindi pa ito handa na kausapin siya o kaya’y nandidiri ito sa nagawa niya.
Pagkatapos noon ay hindi na siya nagbalak na lapitan o kausapin ang boyfriend niya. Napaghahalataan na rin ng parents niya na hindi siya bumibisita kay Christian at sinabi niya lang na dahilan ay masama ang pakiramdam niya lately. Nagulat ang kanyang mga magulang ng bigla niyang sinabi na gusto niyang mag-aral sa ibang bansa.
Hindi makapaniwala ang kanyang mga magulang bagama’t gusto nila nap ag-aralin ang anak doon ay hindi ito pumayag noong una, alam nila na mayroong problema ang anak kaya ito nakapagdesisyon na sa ibang bansa na lang mag-aral.
Pagkatapos niyang sabihin sa mga magulang niya na sa ibang bansa na siya mag-aaral ay hindi na siya lumalabas ng kwarto niya naghihintay na lang siya sa araw ng flight niya. Mayamaya ay may kumatok sa pintuan niya nagsalita ang katulong nila na handa na ang pagkain niya, sinabihan niya itong ilagay na lamang sa labas ng pinto at kukunin niya lamang ito.
Tumayo siya agad at laking gulat niya ng pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang mukha ni Christian. “Ahmm, what brings you here? unang salitang binungad niya kay Christian. Hindi agad ito nakaimik gusto niyang yakapin ang boyfriend nila ngunit natatakot siya na baka itulak siya nito “I heard you’re going out of town, yan ba ang nakikita mong paraan to avoid what you did to me?” sabi ni Christian sa kanya.
“No Christian, what I did to you was unforgivable at hindi ko naman tinatanggi dahil kahit ako mismo sa sarili ko pinandidirihan ko ang mga nagawa ko dahil napaka-bobo ko para gawin ang mga bagay na iyon sayo.
But still, I got tempted and even did worse nakipagtalik ako sa ibang lalaki na ginusto ko naman because I think of you with him na sinasamahan mo ako sa mga gusto ko pero maling-mali yun at araw-araw pinagsisisihan ko yun Christian.” humihikbi na siya at nagsisisi siya sa nagawa niya dahil sa bawat sambit niya ng mga salitang yun ay siyang patuloy na pag-agos ng mga luha niya.
Nakaupo siya sa sahig habang patuloy pa rin sap ag-iyak kaya naman ay umupo din si Christian doon. Walang nagsalita sa kanilang dalawa at nagyakapan muna sila dahil hindi nila alam kung saan magsisimula hanggang sa naririnig ni Christian ang mga sambit niya “Patawarin mo ako Christian kahit hiwalayan mo ko bilang kabayaran sa mga nagawa ko kahit masakit para sa akin ay tatanggapin ko.” patuloy pa rin sa pag-iyak habang sinasabi niya ang mga katagang ito.
“Hindi naman kita hihiwalayan eh, naiintindihan ko na rin ngayon ang punto mo hindi madaling patawarin ka dahil masakit para sa akin ang ginawa mong panloloko sa akin ngunit kung ang pag-alis mo ang makakatulong upang mapatawad mo ang sarili mo ay hindi kita pipigilan, besides I will support you sa lahat ng mga gusto mo.” sagot ko sa kanya pabalik. Nagyakapan ang dalawa at masaya siya dahil hindi siya iniwan ni Christian kahit na ang laki ng ginawa niyang kasalanan sa kanya. Hindi niya rin kakayanin kung hihiwalayan siya ni Christian tanging sila lamang dalawa ang magkasama at kakampi niya simula pa noong mga bata pa sila.
Pagkatapos ng kanilang madamdaming pag-uusap ay dumating na araw na aalis na siya papuntang abroad, hinatid siya ni Christian sa airport mami-miss miya ang Pilipinas lalong-lalo na si Christian. Naglakad na siya papasok si airport. Pagkarating niya sa Australia ay medyo naninibago siya sa paligid niya dahil hindi siya sanay sa mga bagay-bagay sa lugar na ito ngunit hindi ito ang unang beses na nakapunta siya rito.
Madalas lang ang pag-uusap nila ni Christian umaabot lamang sa dalawa o tatlong oras ang pag-uusap nila dahil busy siya at busy rin ang nobyo niya sa mga activities nila sa school. Kasama pa rin siya sa cheerleading team sa bago niyang school. She also meets a lot of new friends sa Australia ngunit mas magiging malala pala ang kasiyahan na mararanasan niya dito hanggang sa hindi na niya alam na nagiging liberated na siya masyado.
Sumasama siya sa mga bago niyang kaibigan na mag girl’s night out at sobrang saya niya ng makita na ganito pala kalalaki at kaganda ang mga bars dito kumpara sa Pilipinas, “this is the life!” sabi niya sa sarili niya. Nagiging madalas na nga ang paglabas niya kasama ang mga bago niyang kaibigan at hindi niya alam na may nagawa na naman siyang pagkakamali kay Christian.
Hindi niya alam na may nakakakilala pala sa kanya at kay Christian at nakita siya sa isang bar na nakikipaghalikan sa isang lalaki. Kinuhanan pala sila ng litrato at pinasa ito kay Christian, wala siyang kaalam-alam na alam na pal ani Christian ang ginagawa niya.
Nagising ako ng maaga at nakita ko si mama na nilalagay na niya ang mga lumpia sa lalagyanan. “Ang sipag naman ng mama ko, ang aga mo sigurong niluto ang mga iyan.” sabi ko. “Oo hindi kasi ako makatulog sa excitement noong sinabi mo na baka mai-rekomenda niya tayo sa ibang family friends nila, magandang opportunity yun anak.” excited na sabi ni mama.
Sabi ko na nga ba at aasa si mama sa sasabihin ko paano ko na babawiin yun kasalanan mo talaga ito Anna. “Oo at sure ako na papatok tung lumpiang shanghai mo mama ang galing-galing mo kasing magluto.” pambobola kong sabi kay mama na may halong katotohanan.
Pagdating ko sa school ay nakita ko kaagad si Christian. “Ito na yung order mo, sabi ko naman sayo kaya ni mama ang kahit gaano karaming order.” bungad kong sabi sa kanya. “Salamat, ito nga pala yung bayad ko.” at binigay niya na sa akin ang bayad niya nagbibilang pa lang ako sa perang binigay niya dahil ang unang bayad niya sa akin ay sobra at tama nga ako sobra ulit ang binigay niya, aakma pa sana akong ibalik ang sobra ng pagtingin ko ay wala na siya sa harapan ko may lahing multo ba yung taong yun o baka naman hindi siya marunong magbilang? Ang yaman-yaman hindi marunong magbilang naku naman.
Hindi ko nakita si Christian sa mga classes namin today pero narinig ko naman sa mga kaklase ko na may practice daw ang mga basketball players ngayon dahil laro na nila bukas. Inaya pa nga ako ng isa kong classmate na manuod kami ng basketball, wala naman akong magawa kaya naman sumama na ako.
Papunta pa lang kami sa gym ay nakita ko na agad na nagkukumpulan ang mga basketball players, ano ba to akala ko ba nagpa-praktis sila. Pagdungaw ko nakita ko na lahat ng players ay may mga dalang mga lumpia sa kamay tag dadalawa at yung iba naman ay tatlo ang hawak sa kamay. Nagulantang ako ng makita kung sino yung namimigay walang iba kundi si Christian ano bang trip ng lalaking to.
Napapansin ko na may ibang bumabalik sa pagkuha sa lalagyanan ng lumpia. Tinanong si Christian ng isang player kung saan niya nabili ang lumpiang shanghai na to at sinagot naman niya ito ng “Binili ko yan kay Anna.” kaya naman ang mga basketball players ay nagsilapitan sa akin at tinanong ako kung pwede bang maka-order. Halos dumugin ako ng mga ito dahil gusto raw nilang umorder.
Kaya naman binigyan ko ng solusyon ang maliit na kaguluhan, “Teka! making kayong lahat sa akin kung gusto niyong umorder ng lumpia pwedeng in a good way hindi yung para akong artistang dinudumog ninyo, form your line at ililista ko yung mga orders ninyo am I clear?” sabi ko at tumango naman silang lahat at gumawa ng isang linya sa lahat ng gustong umorder.
Akala ko saktong tao lang ang nakalinya ngunit pagtingin ko ay sobrang haba ng linya at talagang nagulantang ako. Naku mama hindi ko naman aasahan na sa ganitong paraan lalago ang lumpia mo iniisip ko kasi catering eh, pero dahil negosyante ako inilista ko lahat ng orders ng mga kaklase ko at maging mga schoolmates ko umabot ng mahigit isang oras bago natapos ang paglilista ko ng mga orders.
Hindi ko akalain na aabot sa 2,000 pieces lahat ng orders nila, makakaya ba to ni mama? siguro tatawag ko na siya ng maaga para makapamili siya ng marami. Mura lang kasi ang lumpia ni mama ngunit sobrang sarap hindi ko akalain na sa ginawa ni Christian ay aabot kami sa ganito karaming orders.
Sa sobrang galak ko ay natutulala na ako na hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala si Christian. “Hey, I guess you owe me a thank you?” sabi niya. Aba’y syimpre naman ang laking tulong ang ginawa niya para sa negosyo namin ni mama.
“Maraming Salamat sa tulong mo Christian, kung hindi dahil sa ginawa mo hindi kami magkakaroon ng ganito kadaming orders dahil dyan may libre kang lumpia sa amin.” sabi ko at nginitian ko siya. Aalis na sana ako para tawagan si mama tungkol sa balitang dala ko ngunit bigla siyang nagsalita “Oorder din ako ng 2000 pieces.” na mas lalong ikinagulat ko, hindi agad na process ng utak ko ang sinabi niya kaya sinabi ko sa kanya na “Christian okay ka lang ba? sigurodo ka ba sa orders mo?” sabi ko bilang paninigurado dahil hindi ako makapaniwala.
“Yes Anna, I want 2000 pieces of your lumpiang shanghai.” he said and walks away pagkatapos ng nakakalulang sabi niya. Tinawagan ko kaagad si mama at sinabi ko sa kanya na mamili na siya ngayon dahil may 4,000 pieces siyang orders bukas. Hindi ako makapaniwala na imbes na magulantang si mama ay mas natuwa at na-excite pa ata sa sinabi ko wala talagang inuurungan ang mama ko. Pinatay na niya ang tawag dahil sabi niya ay bibili na siya ng mga ingredients at busy siya sa isang buong araw. Pagkatapos ng klase ko ay lalabas na sana ako ng biglang lumapit sa akin si Christian sabay hila sa kamay ko at sinabing "May pupuntahan tayo."