3

1231 Words
"Aezra, we really have to go. You have my calling card so you can contact me anytime if you'll accept my offer," pamamaalam ni Kuya Tallcott at wala naman akong ibang magawa kung hindi ang tumango habang ang paningin ay na kay Akishiro pa rin na ngayon ay may nakakalokong ngisi at kasalukuyan ding nakatitig sa akin. Napasimangot ako matapos nila kaming talikuran at palihim na umirap sa hangin dahil sa inis sa sarili. "Papi talaga kahit nakatalikod," rinig ko pang bulong ni Tracey kaya inis akong napatingin sa kanya. "Oh, mga chismosa, tapos na ang eksena baka pwede na kayong bumalik sa mga kanya-kanya niyong pwesto?" puna naman ni Macky sa mga tao kaya agad silang natinag at umalis. "Anong eksena 'yon, Aezra?" seryoso ngunit nanunuksong tanong ni Beng-Beng. "Chupapi!" sabay nilang bulalas ni Tracey at humagikgik. "Bastos niyo," nakangusong angil ko. "Ay siya, tama na paglalandi. Gagabihin pa tayo dito, oh! Dumaan muna tayo saglit doon sa mall kailangan kong ibigay sa suki ko 'yung in-order niyang karne at gulay at hindi na napuntahan. Hay naku, kung hindi lang malaki ang binili hindi mag-eh-effort na pumunta! Shala, napapagod din ang bakla ah!" At dahil sa nangyari kanina, napagdesisyunan naming kami na lang ni Macky ang pumunta sa harap ng mall para makipagkita sa suki niya. Hindi na raw kase makakadaan ito sa palengke dahil gabi na. Buong biyahe ay wala siyang ibang ginawa kung hindi pag pantasyahan ang dalawang lalaki at hindi ko maitatangging hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakita ko ng personal ang taong sa T.V ko lang dati nakikita. Kumpara sa telebisyon, mas kita mo kung gaano kakinis ang balat niya. Hindi man sapat ang ilaw na nanggagaling sa buwan at mga tindahan kanina ay nakita ko kung gaano siya kaputi at ang napakaganda niyang balat. Kutis porselana siya at ang mas nakakamangha ay ang kulay tsokolate niyang mata. Matangkad din siya at umabot lang ako sa baba niya, masasabi kong sa isang babaeng tulad ko ay sapat na ang tangkad ko pero 'yung laki niya, hmp! Ganoon din kaya kalaki 'yong ano . . . charot! Paulit ulit pa ring nagre-replay sa utak ko kung paanong ang matang 'yon ay kahit ilang minuto lang ay natuon sa akin. Malalim at napakasarap pagmasdan. "Oh, heto na. Sinobrahan ko na 'yan, ah! Siguraduhin mo lang na sa akin ka sa susunod o-order next week?!" nakapamewang na saad ni Macky sa customer niyang bakla rin. "Hoy! Sa 'yo naman talaga ako kumukuha, gaga ka. Nagkataon lang na ang pogi ng bagong tindero sa kabila kaya ayon, bumigay." Palihim akong natawa sa sinabi ng bakla habang tumitingin sa mga taong pumapasok ng mall. Karamihan ay mga teenager at may iba pang halos tumakbo na papasok. "Bakla ka talaga! Ano sinuko mo ba ang espada ni Magellan?" angil pa ni Macky "Aba, oo naman!" Kumunot ang noo ko matapos makarinig ng sigawan sa loob ng mall at ang pamilyar na pangalan na sinisigaw ng mga tao. Muli akong tumingin sa gawi nila Macky na ilang metro lang sa layo ko bago napagpasyahang maglakad sa loob dahil nakita ko namang nalilibang sila sa pag uusap at hindi na ako pinapansin. Pumasok ako sa entrance at nagmamadaling pumunta malapit sa escalator, may pamilyar na tugtog akong naririnig pero halos hindi ko na matukoy kung ano 'yon dahil sa sigawan ng mga tao sa loob. Bawat hakbang ko papalapit ay mas lalong nagiging malinaw sa akin ang kanta at ang boses ng lalaking nasa likod ng tugtog na 'yon. 'At sa paglisan ng araw, akala'y 'di ka mahal At ang nadarama'y hindi magtatagal Malay ko bang hindi magpapagal Iibigin kita kahit ga'no pa katagal' Humawak ako sa gilid ng escalator bilang suporta matapos makita mula sa ikalawang palapag ang lalaking nag peperform sa stage. Kung bababa ako ay hindi ako makalalapit dahil puno ng mga tao ang paligid ng stage. May mga hawak silang banner at tarpaulin na naglalaman ng pangalan ng lalaking kanina lang ay sinisigawan ako. "I love you, Akishiro!!" sigaw ng isa sa mga fans niya dahilan para makita ko ang pagngiti niya matapos marinig ang hirit pa ng ibang fans. "Papakasalan kita kapag tumingin ka sa 'kin!" "Anakan mo 'ko, Akishiro Zolaire!!" Umasim ang mukha ko matapos marinig 'yon. Pinagmasdan ko kung paano hinagod ni Akishiro ang buhok na nakalaglag. Naghiyawan ang mga tao sa simpleng paggalaw niyang 'yon at ilang beses akong napalunok dahil doon. Bumaba ang tingin ko sa suot niya at nakitang hindi 'yon ang suot niya nang magkita kami kanina. Naka black t-shirt partnered with pants while wearing expensive rubber shoes . . . well, I saw the brand. Patuloy na nagtitipa si Akishiro ng gitara habang nakaupo sa isang high chair, may mic din na nakatayo sa harapan niya at doon buong pusong inaawit ang kanta. He roamed his eyes around and I subtly gasped when our eyes met. I could still feel his cold eyes silently stabbing me despite of our distance. 'Tumingin ka sa 'king mga mata At hindi mo na kailangan pang' Umawang ang labi niya at halos hindi na ipagpatuloy ang kanta, kumunot ang noo at tila ba inaaninagan ako sa pwesto ko. Hindi ko alam . . . hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang mag-react ang puso ko sa tuwing mag tatama ang mga mata namin. Maybe a die hard fan reaction? I couldn't figure out why I am feeling this but I swear I don't like how my heart reacted with his stares. 'Magtanong nang paulit-ulit Ikaw lang ang iniibig' Nagtagal ng ilang segundo ang tingin niya sa akin bago niya itinuon ang paningin sa gitara matapos magising sa sigawan ng mga taong sumusuporta sa kanya. 'At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka Hawakan ang puso't maniwala Na ikaw lang ang s'yang inibig Ikaw lang ang iibigin' Hindi na muling nagtagpo ang mga mata namin pero ang puso ko ay nagwawala pa rin sa hindi ko malamang dahilan. Pinagpatuloy niya lang ang kanta at seryosong binabanggit ang bawat liriko ng kanta. Ang boses niya ay parang dinuduyan ako at ang mga ingay mula sa paligid ay panandaliang nawala. 'La-la-la-la-la-la, la-la-la La-la-la-la-la-la, la-la-la La-la-la-la (ah) La-la-la-la (ah)' The crowd made a deafening noise but the sound of my heart beating faster is what I could hear. I felt my roots were about to disown me when for the second time he lifted his head and turned his gaze in my direction. My heart took a sudden leap when I met his chocolate emotionless eyes. 'La-la-la-la-la-la, la-la-la Siya lang, la-la, la-la-la La-la-la-la (ah) La-la-la-la (ah)' He sang the music but this time I felt the emotion in every word he said . I felt like I'm dancing to the melody along with the beat of my own heart. Itinabingi niya ng kaunti ang ulo habang hindi pinuputol ang tingin sa akin, may kung ano sa loob ko na gustong bumitaw dahil natatakot na baka mapansin ng mga tao pero pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mga tingin niya. "Akishiro . . . " Ilang beses akong napalunok bago banggitin ang pangalan niya sa paraang hindi maririnig ng kung sino man pero alam kong nabasa niya 'yon mula sa bibig ko. I saw him licked his lower lip and then an amused yet seductive smile flashed on his lips. "Sinta." _________________________________________ Song Used : Ikaw lang by Nobita
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD