4

2715 Words
I let the cold breeze of the night wave my hair, I was staring at the bright moon with my blanket covered in my body. Alas-dos na pero hindi pa rin ako makatulog, pinag-iisipan ko ang nangyari kanina. Should I accept it? Hindi naman siguro mahirap ang trabahong iyon, 'di ba? I mentally laughed. Of course it is. Kase kung hindi, kailangan pa ba ng mga double ang artista kung madali ang ipapagawa? Napatingin ako sa calling card na ibinigay ni Kuya Talcott kanina, yeah. Kuya. I searched him and found out that he was 8 years older than me. One of the famous manager of the celebrities. Talcott, Akishiro and next Carms! Owemji talaga! I lifted my head and noticed the beauty of the scattered stars in the sky. I smiled and raised my hands as if trying to touch those little sparkling things in my eyes. "Kailan ko kaya maabot 'yan?" bulong ko sa sarili ko. I dreamt of becoming a Lawyer, just like the stars, it's impossible to reach. I'm too far away from my dreams, I had to strive double from what I did before. I have to sacrifice everything if I choose to pursue my dreams and I can't do that. I had many things to consider and putting myself first isn't one of my choices. I slept that night with the thoughts running through my head. Kaya pag gising ko ay bangag ako at wala sa sarili. Kulang ang tulog ko at medyo nahihilo pa dahil sa pagod! "Ano na naman ba kase ang pinag gagawa mo, Aezra?" singhal sa akin ni Macky habang tinutulungan akong mag-ayos ng mga paninda. "Tignan mo nga ang itsura mo sa salamin! Mukha kang zombie na hindi naliligo!" "Hindi ako nakatulog kagabi, naiinis ako!" nakangusong sumbong ko. "Bakit na naman?" takang tanong niya at nagpamewang pa. "Ano na naman ba ang pinag iisip mo, Aezra Maux?" "Iyong alok ni Kuya Talcott." He dramatically gasped. "Si baby? Anong meron?" Umirap na lang ako. "Ano sa tingin mo? Tatanggapin mo ba?" curious na tanong niya at inabot ang supot ng pandesal sa tabi at inalok ako. "Hindi ako sure, malaki ba sahod?" medyo nahihiya pang tanong ko at kinagat ang tinapay. "Ayon! Gusto rin! Akala ko kapag nalaman mong makakatrabaho mo si Akishiro ay papayag ka ngayon! Girl? Short na short ka na talaga?" he gently asked and I nodded. "Hay naku, kung may sobra lang ako tutulungan pa kita! Kaso, nagkasabay-sabay mga bayarin sa bahay," malungkot na dagdag niya. "Si Hira . . . malapit na mag-college. Iyong tuition niya baka hindi ko kayanin," problemadong saad ko. Hira is my younger sister, pinag-aaral ko siya ngayon. Kaming dalawa na lang ang magkasama kaya kaming dalawa na lang talaga ang magkakampi. I need to support her needs, kahit siya lang ang makatapos sa amin ay ayos na. Sapat na sa akin na magkaroon ng magandang buhay ang kapatid ko at hindi magaya sa akin. Pangarap kong makita siyang naabot ang pangarap niya at pagsusumikapan kong maabot 'yon kahit na anong mangyari. "Kung gusto mo magpaka-practical, tatanggapin mo 'yong trabaho." Buong araw wala ako sa sarili, napag-isipan kong tawagan ang numero noong hapon na at heto ako ngayon inaantay ang kabilang linya. "Talcott speaking," bungad niya agad, napakagat ako nang labi nang marinig ang barito niyang boses. May ibang mga boses pa akong naririnig pero hindi malinaw sa akin kung sino. Kinabahan ako bigla na baka nasa trabaho siya. "Kuya . . . si Aezra 'to," I whispered and I heard him gasping. May narinig pa akong sinabi niya sa mga kasama na hindi malinaw sa akin kaya mapakunot ang noo ko. "Yes, Aezra! I remember you. What's up?" bati niya sa akin matapos ang ilang minuto. Napakutkot ako ng kuko sa sobrang kaba. "Iyong offer mo. . . pwede pa po ba?" He laughed softly. "Yes, why? Nakapag-decide ka na ba?" I nodded before speaking. "Opo." "Great! Kailan ka libre?" Napaawang ako sa sinabi niya, talagang ako lang ang choice?! "Uhm, Kuya! Ngayon po free ako," masayang sagot ko. We talked for about few minutes before he hang up. Nakangiti akong nag-ayos habang sinasabihan si Tracey ng mga bilin, sa kanya ko muna ipapabantay ang tindahan habang wala ako. Nakarating ako sa tagpuan namin limang minuto bago ang nakatakdang oras. I pouted when I saw my reflection at the car beside me. Inilabas ko ang suklay sa bag at nagsimulang mag ayos ng sarili, kunot-noo akong nagsuklay. Sana lang talaga hindi pa dumating ang may-ari ng sasakyan! I smiled when I noticed my pinky cheeks, kahit pawisan ay namumula lang ang mga pisngi ko dahil sa init. May lahing Amerikano ang Tatay ko samantalang ang Nanay ko naman ay Pilipina. I wasn't able to meet my Dad because he already left my mom noong pinagbubuntis pa lang ako but I had a Stepfather and he didn't treat me well. Siya naman ang ama ni Hira, sa aming dalawa siya ang may pag-asang magkaroon ng buong pamilya but our Mom refuse to give her that. A lot of things happened and we're both looking forward for healing. "Ang tagal naman," bulong ko habang sinisipa-sipa ang bato na nakita sa daan, tirik na tirik ang araw at nandito lang ako sa harapan ng isang mamahaling kainan. Hindi pa ako pumapasok kasi wala naman akong pang-order saka hindi talaga bagay ang suot kong kupas na damit at maong na short. Tsk, heto kasi iyong napag-usapan naming location ni Kuya Talcott, eh. Pinaalis naman ako ng gwardya sa mismong harapan ng restaurant kasi nakaharang daw ako. Napabuntong hininga ako at pinunasan ang pawis, inilabas ko ang cellphone sa bag at nagdadalawang-isip kung tatawag. Almost one hour na ako dito wala pa rin siya. Dahan-dahan kong tinipa ang phone na basag basag ang screen, mahirap na! Wala pa tayong pangbili ng bago! I dialed his number several times at hanggang sa hindi ko na iyon macontact. Mangiyak-ngiyak akong tumingala sa langit. Lord, ano bang kamalasan 'to? Napaupo na ako sa gilid ng kalsada habang nag-aantay, may mga taong dumadaan at pinagtitinginan ako pero hindi ko na pinansin! Duh, as if naman mukha akong taong kalsada . . . hindi naman, eh . . . hindi pa. "Ang tagal talaga," ungot ko at napagdesisyonang tawagan muli ang number niya, nag-iwan ako kanina ng message at sinabing nandito na ako pero isang oras na ang nakalipas muli at wala pa ring reply. Napanguso ako. "Hindi naman niya siguro sinadyang paghintayin ako 'no?" bulong ko sa sarili ko at napabuntong hininga. I smiled bitterly and fixed myself. Mukha na siguro akong tanga rito kakahintay? I laughed to ease whatever I felt inside me. I have no rights to hurt, I have no rights to complain. Sino ba naman ako diba? Masama ang loob na naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep, halos dalawang oras na akong nag-aantay sa gitna ng tirik na araw pero wala namang dumating. Maybe he's just too busy to call and inform me na hindi siya makakapunta 'no? I mentally nodded and agreed. Siguro nga . . . Wala sa sarili akong patuloy na naglakad, pagod na pagod ang paa ko kahihintay pero anong magagawa ko? Ako ang may kailangan, eh . . . kailangan ko ng pera. May mga taong tumitingin sa direksyon ko pero mas pinili kong balewalain. Ramdam ko ang pangangalay ng dalawang binti sa tagal kong nakatayo pero mas wala akong ganang pansinin 'yon. Gusto ko na lang umupo sa sofa at magpahinga baka sakaling mas maayos pa ang pakiramdam ko. "Hop in." Halos manigas ako sa kinatatayuan nang may biglang humintong sasakyan sa harapan ko. Kulay itim 'yon at halatang mamahalin, nagsusumigaw ang ganda at kung titignan ang tatak ay halatang mayaman ang may-ari. Kunot noo kong pinagmasdan si Akishiro habang unti-unting bumababa ang bintana ng sasakyan niya. Naalala ko ang mga nangyari kagabi. . . hindi pa kami gano'n magkakilala pero agad siyang nakilala ng puso ko. Ilang beses akong napalunok habang pinagmamasdan ang baba niya sa kotse. He's a big artist and he's treating me like I am closed to him. I don't know what made him think to stopped driving 'e hindi naman kami magkakilala. Kung titingnan at ikukumpara ko ang suot ko sa kanya, kung sa kanya ay mamahalin sa akin naman ay isang pinaglumaang pantalon at t-shirt na asul. Bumaba ang tingin ko sa paa at nakita kung gaano kaluma na ang tsinelas na suot ko at sandaling pinagkumpara sa itim na mamahaling sapatos ni Akishiro. Sa loob-loob ko ay natawa ako ng sobra sa sarili. Bakit ko ba iniisip 'to? Tsk, baliw ka na, Aezra. "Huh?" Inis siyang tumingin sa akin matapos makitang tulala lang ako sa kanya. Nakasimangot siya at gulo-gulo ang buhok dahil sa malakas na hangin. "I saw you, walking like a damn zombie. Get inside!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya kaya hindi parin ako makagalaw. "Ano ba? Tatanga ka na lang ba riyan?" Wow. Imbes na masaktan sa sinabi niya ay napakagat na lang ako ng labi dahil sa hindi tuwid niyang pagtatagalog ngayon. Halatang hindi kasi sanay sa salitang 'yon. "Bakit?" I asked, almost whispering. Inis siyang bumababa sa sasakyan, napatingin ako sa paligid at nakahinga ng maluwag nang makitang wala namang ibang taong dumadaan. May mga sasakyang dumadaan pero pare parehas naman silang walang pakialam dahil nasa gilid naman kami ng kalsada. Napalunok ako nang magtapat kami, iniangat ko ang paningin sa kanya dahilan para magtama ang mata ko at tsokolate niyang mata. Agad akong sinalubong ng mabango niyang pabango, I wanted to close my eyes and feel his scent but I don't want to embarass myself more. "Do you think he'll waste his time for someone like you?" Ang mga salita niya ay parang punyal na tumusok sa dibdib ko, wala sa sarili akong napangiti kahit ramdam ko ang pagkirot noon. Napasuklay siya sa sariling buhok gamitin ang mga daliri niya at masama akong tinignan, nagsimulang manubig ang mata ko pero hindi ko inalis ang ngiti sa labi. I don't know . . . but I have this habit. I always smile whenever I felt pain and close to crying. Sabi kasi nila. . . ang pag ngiti kahit masakit na ay nakakatulong para mag-release ang utak ng happy hormones. Hindi ako sure but I think this is effective kasi kahit masakit, nagagawa ko pa ring ngumiti. "Why are you smiling like an idiot?" kunot-noong saad niya, napailing ako sa kasungitan niya. Gosh! Wala talagang ginawang perpekto ang Diyos! Gwapo nga, masungit naman! Wala pang galang! Owemji, sayang. "Bakit ba kasi?" ngiti-ngiti kong tanong, para akong tanga na pinipigilan ang pagluha. "As I've said, I saw you walking alone like a damn zombie," walang prenong sabi niya. Napanguso ako. "Kaya . . ?" Ngumiti ako ng mapang-asar para tumagal ang usapan namin. Ang gwapo niya kasi lalo kapag nasisilawan ng araw. Ang buhok niya ay hinahangin habang ang suot na polo ay nakabukas ang ilang butones kaya labas ang sando niyang puti. Nakasingkit ang tsokolateng mata dahil sa araw na nakatapat sa amin. "Kaya, what?" masungit na naman niyang tanong, namumula na ang pisngi sa init. "Wala, mauuna na ako," paalam ko sa kanya at pagkatalikod ay napahawak sa dibdib, pigil ang hikbi. Sino nga ba naman ako para pag aksayahan ng oras diba? I waited for a damn two hours for nothing. "How dare you decline my offer?" Napatigil ako nang bigla siyang humarang sa harapan ko at pinukulan ako ng masamang tingin. Napasinghap ako ng tumama ang ulo ko sa dibdib niya at ganoon din siya. Parehas kaming nanigas sa kinatatayuan sa sandaliang nagdampi ang katawan. May kung anong pakiramdam ang idinulot no'n na nagpabilis ng t***k ng puso ko dahilan para bumigat din pati ang paghinga ko. "Get inside before I drag you inside my car," maotoridad niyang sabi kaya wala akong magawa kung hindi ang sumakay sa kanya este sa kotse niya. Nawala na 'yung kagustuhan kong umiyak dahil napalitan ng kaba, masama ang tingin niya sa akin ngayon at malalim ang paghinga. Pakiramdam ko sobrang sikip ng mamahalin niyang sasakyan dahilan ang paghinga lang namin ang tanging naririnig ko. "How long have you waited?" "Kararating ko pa lang kanina." I lied. "You sure?" "Yes, final answer." Ngumisi ako. "You, woman!" Natawa ako nang bigla na naman siyang nagsungit, pikon! "Sungit," bulong ko pero halatang narinig pa rin nya. "I just want to remind you, you're talking to Akishiro Zolaire and you have no right to call me names," he said while clenching his jaw. Napanguso ako at napayuko "Sorry," bulong ko habang pinagsiklop ang mga kamay. "Anyway, have you eaten?" Biglang nagbago ang tono niya at naging casual, aba? Bipolar ba 'to? "Don't think of anything! I'm just asking!" biglang bawi niya kaya napaawang ang bibig ko, sira ulo ba 'to? "Tapos na, ikaw ba?" pigil ang ngiting tanong ko. He nodded. "Kagagaling ko lang sa party." I scanned his body and pansin ko nga 'yung suot niya ay pang party, kaya pala. Siguro pauwi na siya kaya nakita niya ko . . . buti na lang natatandaan niya pa 'ko. "Si Talcott? Bakit hindi siya pumunta aside sa hindi niya ko pag aaksayahan ng oras?" maingat na tanong ko. Ngumiti ako sa kanya nang magtama ang mata namin. Kunot noo niya akong tingnan na para bang may sinabi akong mali, ano na naman ba?! May buwanan ba 'to? "Talcott? First name basis?" His brows furrowed so am I. "Ano bang problema mo, Akishiro?" I saw how his eyes widened when I mentioned his first name, bumuka ang bibig niya para sana magsalita pero walang salitang lumabas sa bibig. He licked his lower lip and avoided my gaze kaya nakita ko ang pag pula ng tenga niya! Tangina! He's blushing! OH MY GOSH! AKISHIRO ZOLAIRE IS BLUSHING! "I'm not!" sigaw niya na para bang nabasa ang iniisip ko. "You're hallucinating," dagdag niya pa kaya napahagalpak ako ng tawa, sumimangot naman siya. "Stop it, Aezra." Ganon na lang ang pag-awang ng labi ko matapos niyang banggitin ang pangalan ko, pakiramdam ko ay may kumiliti sa puso ko at may kung anong umikot sa tiyan ko. I felt my cheeks burned! Putangina. He put his hands inside his pocket and tilted his head a bit, his eyes were looking at me with amusement, I saw him smirked. "You look like a cat." Nanlaki ang mata ko at wala sa sariling hinampas siya sa braso. Pakiramdam ko ay nag init ang mukha ko at ang pagbilis ng t***k ng puso ko ay hindi na normal para sa 'kin! Mabilis iyon at parang nangangarerang kabayo. "Ang kapal mo! Ikaw mukhang daga!" sigaw ko at doon lang naproseso sa isip ang ginawa. Mas lalong lumaki ang mata ko and I almost pee in my pants when I saw how he froze from his seat. Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin at napatakip pa ako ng bibig nang makitang nagkabakat ang kamay ko sa maputi niyang braso! Napatuwid ako ng upo. I cleared my throat and prepared my ears from his shout. "How dare you?" hindi pa rin makapaniwalang bulong niya. Alanganin akong ngumiti at nag peace sign. "S-Sorry, Aki." I gave him a beautiful eyes while cursing myself mentally. Huli na para ma-realize ko ang sinabi ko, may maliit na ngiti ako sa labi habang pinagmamasdan siyang manlaki ang mata at mataranta. Mas lalo akong napangiti nang bigla na namang mamula ang tenga niya. Halatang hindi siya komportable at narinig ko pa ang mahinang pagmumura niya na para bang may ginawa akong masama. Yumuko siya at may kung ano pa uling binulong pero nang muli siyang mag angat at mag tama ang aming paningin ay ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Nasa maliit na espasyo lang kami ng sasakyan at natatakot akong marinig niya 'yon. Nailang ako nang tumagal ang pagtitig niya sa akin pero may kung anong nabuhayan sa dibdib ko matapos makita ang pagkislap ng mata niya. "Aki . . ." bulong niya pa na umabot sa pandinig ko. He then c****d his head and bit the inside of his cheeks like he was having fun seeing me uncomfortable from his stares. Did I just called him Aki? Like akin? Gano'n? Aezra, bruha ka talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD