"So. . . everything is now settled?" Kuya Talcott asked after he brief me about the taping. Alaga niya si Carms and Akishiro, they will be partner in a teleserye. Masyadong maraming scenes na hindi pwede kay Carms dahil iniingatan siya sa industriya. Katulad ng scenes na naghahabol ang bida sa snatcher, pagtalon sa mataas na lugar at marami pang iba. Hindi ko alam kung tama ba itong pinasok ko, kailangan ko lang talaga ng pera.
I nodded.
"Good!" He smiled. "So, the taping will start a week from now. The director will brief you accordingly before ka sumabak sa scenes. Since hindi naman kailangan ng dialogue or lines for your exposure, you just need to ready yourself for the hard scenes." hard scenes? Hanudaw? Paano 'yon?
Napakagat ako ng labi at napunta ako ang atensyon sa lalaking katabi niya, nakapikit ang mga mata nito at bahagyang nakababa ang ilang hibla ng buhok. Dinala ako dito ni Akishiro kahit na ilang beses pa kaming nagkapikunan sa sasakyan. Paulit ulit namang nag-sorry sa akin si Kuya Talcott dahil nawala raw sa isip niya ang usapan namin. Though nasaktan ako, I forgave him. Masyadong mababaw kung magtatanim ako ng sama ng loob. Kung tutuusin, dapat nga magpasalamat pa ako kasi binigyan nila ako ng trabaho.
"Walang tulog ang batang iyan." Napansin niya sigurong nakatitig ako kay Akishiro, napangiti ako nang makitang nakabuka pa ang mapupula niyang labi. Malalim ang paghinga, siguro pagod na pagod talaga. Nakasandal siya sa sofa habang ang mga braso ay magkakrus, akala ko ay pumikit lang siya pero sa sobrang pagod ata ay tuluyan nang nakatulog.
"Pogi sana kaso masungit, Kuya," sumbong ko kay Kuya Talcott, he laughed.
"Yeah, I agree." Ginulo niya ang buhok ni Akishiro dahilan para kumunot ang noo nito bagaman tulog pa rin. Napahagikgik ako. Paano siya nakakatulog sa ganyang kalagayan?
Magkakrus ang braso at tuwid na nakaupo. Kanina lang ay pinapanood niya kami ni Kuya Talcott habang magkausap tungkol sa magiging trabaho pero heto siya ngayon, tulog.
"He's grumpy kid but trust me, isip bata rin 'yan," dagdag niya pa habang tumatawa, lumabas ang biloy.
"Hindi ka sure." Muli na naman akong natawa. "Akala ko nga may buwanan e, kung makapag sungit akala mo may regla." Sabay kaming tumawa ng malakas kaya nagising ang binata. Napatakip ako ng bibig nang bigla siyang tuwid na umupo at idinilat ang mga mata, saglit pa siyang pumikit pikit at nang mapirmi ang mata ay masamang tingin na naman ang pinukol sa akin.
Oh, 'di ba?
Palihim na naman akong natawa.
"Hindi ako natutulog," biglang sambit niya na para bang gusto niya kaming maniwala.
Talcott chuckled.
"I see. . ." naisagot niya na lang at inayos ang shades, handa nang umalis. Napaayos ako ng upo sa ginawa niya, handa na ring magpaalam.
"Where are you guys going?" masungit na tanong ni Akishiro, namumula pa ang mata at ganun din ang pisngi.
"In a date, you wanna come?" Namula ako bigla sa biro ni Kuya Talcott, nagsalubong naman ang mga kilay ni Akishiro at masama akong tinignan.
"What?" he asked as if he didn't hear it clearly.
"You want to be a third wheel?" tawa-tawang ulit ni Kuya Talcott at isinuot ang itim niyang shades. I stood up but a hand gripping my arms stopped me. It was Aki.
"Hoy bakit?" gulat na sigaw ko pero sa halip na sumagot ay diniinan niya lang ang hawak sa akin habang masama ang tingin sa aming dalawa ni kuya Talcott na ngayon ay tawa ng tawa sa gilid.
"You're not going out with him. Ako ang nagdala sa 'yo dito tapos sa kanya ka sasama? You, brat!" I gulped.
"Wala naman—"
"I said, you're not going out with him!" He said, final na 'yarn?
Napairap ako at pinilit alisin ang kamay niya sa braso ko pero hinigpitan niya lang ang hawak doon. Problema nitong lalaking 'to? Kung hindi ko lang 'to kras napagkamalan ko nang nasisiraan ng ulo!
"Uuwi na ako, ano ka ba!" Pilit ko pa ring tinatanggal ang kamay niya pero ayaw talaga!
"Akishiro!" singhal ko at doon lumuwag ang pagkakahawak niya dahilan para matanggal iyon. May kung anong nanghinayang sa akin nang hindi ko na maramdaman ang balat niya sa akin. Nababaliw na ata ako!
Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Kuya Talcott sa gilid kaya napanguso ako.
"Match kayo, parehas kayong isip bata." Nanigas ako sa kinatatayuan ng ipinatong niya ang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
"Take care, see you again!" paalam niya pero nanatili akong nakatulala at halos mapatili. Owemji owemji! Nawala na galit ko!
"You look stiff."
Naputol ang pag iisip ko sa sinabi ng lalaking nasa harapan ko. Hindi ko siya pinansin at inirapan na lang siya. Wala na! Ekis na siya sa akin, ang sungit, eh!
Doon tayo kay Kuya Talcott, hihi.
"Hindi kayo bagay," dagdag niya pa. I mocked and made a face.
"Wala kang paki, " parang batang sagot ko, mas lalong nagsalubong ang kilay niya at umigting ang panga. Magkakrus pa rin ang braso at magulo ang buhok. Napalunok ako. Oo na mas gwapo siya kaysa kay Kuya Talcott!
"Sit down," maotoridad niyang utos, napatingin ako sa paligid. Walang katao-tao at tago ang pwesto, syempre! Artista kaya 'tong kasama ko!
Umupo ako at sumipsip sa juice na hindi ko naubos habang taas-kilay na nakatingin sa kanya.
"Pano ka uuwi? Iniwan ka ni Kuya Talcott," pagsasalita ko para maputol ang awkwardness. Nakatitig lang kasi talaga siya sa akin tapos wala pang galaw ang pagkain niya!
"I can go home without him helping me, what am I? A kid?" I nodded.
"Aezra!" inis na singhal nya.
"Oh!" Tinuro ko ang mukha niya, nakasimangot siya at namumula na ang pisngi sa inis.
"Gawain kaya ng bata 'yan, sabihin mong hindi," dagdag ko pa habang sinisipsip ang yelo sa baso! Pake niyo ba! Ang sarap, eh! Sulitin na natin.
Hinawakan niya ang dulo nang daliri ko at nang sandaling mag lapat ang balat namin ay napalunok ako. Para bang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko dahil ginawa niya iyon habang hindi pinuputol ang tingin namin. Dahan-dahan niyang hinatak ang daliri ko dahilan para mapalapit ako sa kanya, mesa lang ang pagitan namin dalawa at ako ay hindi na makagalaw, nakalagay pa din sa bibig ko ang straw ng juice habang hawak-hawak ng kaliwang kamay ang baso at ang kanan naman ay hawak ng lalaking may tsokolateng mata.
"A-Anong gagawin mo?" kabadong tanong ko, nagsimulang kumabog ang dibdib ko at napakagat na lang sa straw nang nilapit niya ang mukha sa akin.
"Do you think a kid can do this?" he whispered and I felt my cheeks blushed when his breath touched my face. Damn! Ang bango ng hininga girl!
"E-Ewan" I gulped. Magkalapit pa rin ang mukha namin at natatakot akong marinig niya kung paano magwala ang puso ko.
He was looking at me intensely, his perfect nose touched the tip of mine kaya napapikit ako, handa na sa kung anong mangyari pero gano'n na lang ang gulat ko nang tumawa siya at itulak ang noo ko palayo sa kanya. Aray ha!
"Sorry, I have taste," asar niya pa habang tumatawa kaya napanguso ako.
"Kapal ng mukha," bulong ko at labag sa loob na sinubo ang malaking piraso ng cake sa harapan ko. Wala na akong pake kung dugyot tignan! Bwisit! Umasa ako, eh! Ayon na 'yon 'e!
I heard his soft chuckle kaya mas lalo akong nainis!
"Feeling close ka 'no?"
"As if." Uminom siya sa tumbler niya. Taray, ayaw ng served water?
"Buti na lang pogi ka," sighal ko pero nanlaki ang mata ko nang bigla siyang mabulunan. Napatayo ako sa kinauupuan at hinampas ang likod niya hanggang sa hinihingal na lang siya at masama na naman ang tingin sa akin! Ano na namang ginawa ko? Ako na nga tumulong!
"Ang bigat ng kamay mo, babae ka ba talaga?" Akala ko sisigawan na naman niya ako.
"Hindi, lalaki ako. Ako nga pala si Ernesto." Natawa siya matapos ako magboses lalaki. Bumalik ako sa harapan niya at umupo, may multo pa ng ngiti sa labi niya kaya napangiti rin ako. Minsan masungit . . . madalas maloko.
Tinitigan ko siya at ganoon din siya sa akin, sinong mag aakala na nagkatitigan ko ang isang Akishiro Zolaire, 'di ba? Aba! Lubos-lubuksin na at baka gumana ang gayuma ko!
"Baka na fo-fall ka na ah," asar ko sa kanya at itinago ang ngiti sa pagsubo ng cake, nginunguya ko 'yon habang nakatingin sa aliw na aliw na mata niya.
"I was meant to marry a girl who deserved me," maikling sagot niya kaya pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. Peke akong ngumiti at klinaro ang barado sa lalamunan ko. Bigla akong tinubuan ng hiya.
"And who's that girl?" I asked.
"Probably one of the girls I knew," he replied casually.
I forced a smile. "Name?" curious na tanong ko.
"We're not that close to tell you," masungit na sagot niya kaya natawa ako. Tumingin ulit siya sa akin at nakita ko ang paghanga sa mata niya. Am I hallucinating?
"Anyways, I have to go. So I guess, let's meet when the taping begins?" I plastered a sweet smile and nodded.
"Nice to meet you, Akishiro, " I uttered as I felt the whole damn zoo inside my stomach.
He tilted his head and bit his lower lip to suppress a smile.
"Nice to meet you, too. Aezra Maux."